Advance peace offering
CASSY's POV
Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Nathan. Parang panaginip lang yun.
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ito. It's a text from my boyfriend.
From: Nathan
Good morning babe. Magbihis ka, susunduin kita diyan sa inyo. I love you.
"Kyaaaaaaa!" Grabe! kinikilig talaga ako. Hindi na talaga ako man hater
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si nanay Doring na nag aalala
"Oh anak! Anong nangyari? Asan na yung magnanakaw?" nag-aalalang tanong sa akin ni nanay Doring na may hawak pa na walis tambo.
Tumayo naman ako at nilapitan siya
"Nay, bitiwan niyo nga yan. Ano ba kayo! Walang magnanakaw noh!" natatawa kong sabi sa kanya
"Eh bakit ka sumisigaw?" nalilitong tanong niya at nilagay na sa gilid ang walis tambo.
"Eh ano kasi eh. ahm.. ano po.. Kinikilig lang po" sabay tungo ko, nakakahiya!
"Ikaw kinikilig?" di makapaniwalang tanong ni nanay Doring sa akin at hinawakan pa ako sa mukha.
Kinuwento ko lahat. Simula nung panliligaw niya sa akin hanggang sa sinagot ko na siya. Ang saya-saya nga niya eh dahil sa wakas daw nagbinabae na ako.
"Mamaya nalang ulit tayo makuwentuhan nay ha kasi susunduin daw ako ni Nathan"
"Oh siya sige. Lalabas na ako" at tuluyan na nga siyang lumabas at ako naman pumasok na sa CR
After kong maligo ay lumabas na ako ng CR. Naghanap ako ng masusuot sa closet ko. High waist boyfriend jeans at tinernohan ko ng black fitted long sleeve top and brown blocked heels. Kinulot ko sa may dulo ang buhok ko at konting make-up. And I'm ready!
"Anak, andiyan na boyfriend mo" sabi sa akin ni nanay Doring
"Opo nay. Maganda na ba ako?" I asked her while facing the mirror
"Alam mo Cassandra, kahit hindi ka magmake-up maganda ka pa rin, mana ka sa akin eh" sabay tawa niya. Nanay talaga!
"Huwag ka ngang magjoke nay. Seryoso ako noh" kinuha ko naman ang sling bag ko na maliit at ginawa kong shoulder bag
"Hindi ako nagbibiro ano. Totoo ang sinabi ko, maganda ka talaga. Sige na bumaba ka na, naghihintay na si Nathan dun sa baba" at lumabas na siya sa kwarto ko
Humarap uli ako sa salamin. Tinignan ko ang mukha ko. Maganda ba talaga ako?
Bumaba na ako at nakita ko si Nathan na nakatayo sa may door. Naka white 3/4 sleeve black polo siya. Wow! what a coincidence! This is not a coincidence because I think it's destiny. Ay ano ba yan! Nagiging cheesy na ako.
---
NATHAN's POV
Nandito na ako ngayon kina Cassy kasi nagtext ako sa kanya kanina na susunduin ko siya. Langya talaga oh! Alam niyo bang nagresearch pa ako kung anong gagawin pagkatapos maging kami! First girlfriend ko palang kasi 'to eh kaya wala akong alam sa mga ganyan eh ayoko namang magtanong kina Ryan kasi alam niyo naman na tutol sila rito.
"Nathan anak, pababa na si Cassy" sabi sa akin ni nanay Doring kaya napatayo ako.
"Oh ayan na pala siya oh!" sabi ni nanay Doring
Pagkasabi niya nun ay tumingin ako sa hagdan nila at nakita ko si Cassy. She's gorgeous. Huwag kayong malice ha? Nagsasabi lang ako ng totoo. Sanay naman akong naco-compliment sa mga babae.
"Hi" sabay smile niya. Ang ganda talaga niya lalo na kapag ngumingiti siya.
Baka nahuhulog ka na sa kaniya ha?
-Ano? Ako? Never! Masama bang nagagandahan lang ako
"Babe, are you okay?" sabay hawak niya sa mukha ko.
"H-ha? A-ayos lang ako. Tara na?"
Ano bang problema mo Nathan? Focus!
--
"Wow! Ang ganda" masayang sabi niya. Nandito kami ngayon sa resort namin. Dito ko siya dinala kasi wala akong ibang idea kaya dito nalang, hindi naman siya special sa akin eh.
Marami ring turista ngayon dito kasi weekend.
Naglibot-libot lang kami rito while holding hands, kailangan eh
--
Malapit ng maggabi kaya dinala ko siya sa may garden dito. Pinahanda ko 'to lahat para sa dinner namin, kailangan special kasi bukas, lunes I will gonna break her heart.
"Asan ba tayo pupunta, Nathan?" tanong niya sa akin kasi naka-blind fold siya. Gina-guide ko lang siya.
"Secret muna babe. You'll find it later."
"Are you ready, babe" I asked her. Nandito na kami sa may garden. Unfortunately, it's a romatic garden. I hate it but it is needed.
"Yes" pagkasabi niya ng yes ay tinanggal ko na ang blind fold. And she's surpised of what I've done.
May isang round table sa gitna ng garden. Maraming mga flowers sa paligid with lights.
"Are you surprised babe?" I asked her while we're sitting in the table.
"Yes. Thanks a lot babe." kitang-kita ko sa mga mata niya na ang saya-saya niya. She's happy with me but well sorry for her because I will break her heart.
Kumain kami ng tahimik, awkward!
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siyang sumayaw syempre advance peace offering 'to kaya naghire ako ng musician.
Ang ganda pa ng music, God gave me you
"Shall we dance?" sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
Tumango naman siya at tinanggap ang kamay ko.
"Bab, thanks for everything. Akala ko magiging man hater na ako forever" Cassy. Don't thank me because after tomorrow you will be a man hater again.
Sumayaw lang kami. Sway-sway lang naman.
"Wow!" Syempre last part ng date na'to ay may fireworks. Amazed na amazed siya.
"Nagustuhan mo ba?" I asked her.
"Yes" sabay yakap niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Napahawak naman ako sa pisngi kung saan niya ako hinalikan at biglang tumitibok ng mabilis ang puso ko.
Anong nangyayari? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Paranoid lang siguro ako.
____________________________________________________-
A/N: guys sorry if naputol ang chapter 27 kaya inulit ko nalang :). guys sana naman po ay magcomment lang naman kayo para naman malaman ko na gusto niyo 'to. Thanks for reading :)
READ.COMMENT. VOTE.
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Novela JuvenilWhen a man hater meets the spoiled guy.
