Chapter 6

7.1K 149 1
                                    

Eto na naman


NATHAN's POV


Maaga akong pumunta kina Cassy, susunduin ko siya para sabay kaming papasok.Mahigit one month na rin simula nung nagpapansin ako sa kanya pero wala pa rin eh. Ang hirap naman kasing suyuin ang isang man hater noh.

Kailangan mapabilis na 'tong mission ko ng matapos na ang paghihirap ko at makaganti na ako sa ginawa niyang pagsigaw-sigaw sa akin at makuha ko na ang premyo ko.

*ding dong*

*ding dong*

Bakit wala pang bumubukas? Ay oo nga pala, wala ang mga katulong diyan sa kanila ngayon kasi kinausap ko sila kagabi para masolo ko si Cassy hahaha. Hoy huwag kayong green minded ha?


*FLASHBACK*

Ano kayang magandang gawin bukas?

TING!

*riiiiiiiiiing*

*riiiiiiiiing*

*riiiiiiii-*

"Hello, sino 'to?"

"Ay nay Doring, si Nathan po ito." naks! Nakiki-nanay na rin ako, nakikiFC(feeling close) ako eh.

"Ikaw pala yan anak. Anong kailangan mo?" kita niyo na, anak na rin ang tawag sa akin. Hahahaha

"Ahm, ano po. Ahm nay, pwedeng maki-usap?"

"Ano naman yun?"

"Pwede po bang ako nalang po ang susundo kay Cassy bukas ng umaga sa bahay niyo?"

"Naku! Walang problema anak. Mabuti nga yan ng magkaboyfriend naman yung alaga ko. Nag-aalala na nga ako do'n eh na hanggang ngayon galit na galit pa rin simula ng iwanan sila ng daddy niya"

"Ganon po ba? Salamat po nay!"

"Ay teka Nathan, siguradong hindi papayag yun na sasabay sayo."

"May naisip na po ako. Paano po kung mamayang madaling araw ng hindi pa gumigising si Cassy eh umalis muna kayo diyan?"

"Ok naman sa amin yun kaya lang, asan naman kami magtatago?"

"Wala pong problema yun nay, ipapasundo ko nalang po kayo bukas ng madaling araw sa driver namin. Dito nalang muna kayo sa bahay hanggat hindi pa kami umaalis ng bahay ni Cassy"

"Oh sige anak. Sana magustuhan ka ni Cassy, ang bait-bait mo kasi eh, sana wag mo siyang saktan dahil minsan na siyang iniwan ng lalaking pinakamamahal niya at yun ang tatay niya , kaya sana wag mo nang uulitin yun"

"Wala pong problema nay. Salamat po."

Sorry nay, pero hindi ko magagawa ang sinabi niyo dahil kahit kailan hindi ako magmamahal dahil masasaktan lang ako. Kung hindi sana ako sinigaw-sigawan ng alaga mo eh di sana hindi ko 'to ginagawa ngayon. I'm just protecting my ego.


*END OF FLASHBACK*


*ding dong*


Ano ba yan, hindi pa ba siya gumigising? Tulog mantika talaga yung babaeng yun.



**

CASSY's POV


*ding dong*

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon