Chapter 35

3.8K 72 1
                                    

Nakakainis!


CASSY's POV

Days passed, ganon pa rin ang mga nangyayari, tinatawag pa rin akong ex ni Nathan at palagi kaming nag-aaway. Wala rin namang bago dun. Si Keith naman, sobrang kulit, gusto akong maging kaibigan. Tss! Asa pa siya. Alam ko na ang mga tipo ng ganyang lalake.

"Guys, andiyan na si sir Makapuno!" sigaw nung kaklase namin na nagbabantay sa may pinto kung paparating na ba ang teacher.

Mabilis kaming nagsibalikan sa mga upuan namin. Actually, PE time namin ngayon.

"Good morning class. Since, kakaumpisa palang ng lessons natin ay magbi-base tayo sa M.A.P.E.H. First topic natin ay Music. Since, ang guitar ang pinakacommon na instrument ay kailangan niyong gumamit ng guitar while singing. It will be by pair. This will be your first mid-term exam. At next next week pa ninyo ito ipe-present para makapagprepare pa kayo" pag-explain ni sir at nagsisimula ng gumawa ng bunotan

"I hate guitar"

"Hindi ako marunong"

"Yes! I love guitar"

Kanya-kanyang ingay agad ang mga kaklase namin. Kaming lima, ay okay lang sa amin dahil nagigitara naman kami.

"Okay guys, bumunot na kayo dito" sabi ni sir at pumunta sa harapan para bumunot.

Nagulat ako nang sabay kaming bumunot ni Nathan kaya inalis ko kaagad ang kamay ko. Langya! Eto na naman 'tong puso ko!

"Sinong number 11?"

"Kung sino man ang number 20 lapit lang"

"Number 3, where na you? Dito na me"

Sumisigaw na naman ang mga kaklase ko. Kahit kailan talaga ang iingay nila.

"Anong number mo, gurl?" tanong sa akin ni Loraine

"17. Ikaw?" tanong ko na nililibot ang mata ko kung sino ang nakabunot ng 17.

Nanlaki bigla ang mga mata niya at sumigaw na parang kinikilig "Kyaaaaaaaa!"

"Hoy! Bakit ka ba sumisigaw diyan?" tanong ko sa kanya na hinahawakan ang balikat niya.

"OMG! Nathaaaaaan! Halika rito. Nandito partner mo oh" sigaw niya kay Na-- whaaaaaaaaat? Nathan? No freaking way!

Lunapit naman siya sa amin at umupo sa harap namin.

"Ikaw ba partner ko, ex?" tanong niya sa akin na may nakakalokong ngiti.

"NO!" I shouted. Hindi 'to maaari.

Tumatawa lang siya sabay kuha nung maliit na papel sa akin "Oh ikaw pala eh. Akalain mo nga naman, we're meant to be. Hahaha"

ANG SARAP NIYANG SAPAKIN! NAKAKAINIS TALAGA!

Hindi ako papayag nito. I want to change my partner.

"Sir, can I change my partner?" tanong ko kay sir.

"No! Whether you like your partner or not!" Arrrgh! Ang malas naman!

Bumalik nalang ako sa upuan ko. Wala akong magagawa, teacher na mismo ang may sabi. Nakakainis talaga! Bakit ba ang malas malas ko ngayon?

"Anyare sa napakagandang mukha mo, ex?" sige lang Nathan. Tawa pa hanggang sa mawalan ka na ng hininga.

Hindi ko nalang siya pinansin at yumuko sa desk ko.

"Nathan ano ba?!" eh bigla niya kasing hinila ang upuan ko eh.

"Ano ka ba! Gusto mo walang grade?" TSS!!!

"Oo na. Ano bang kakantahin natin?" tanong ko sa kanya na yuyuko sana ulit

"Huwag ka ngang bastos. Kita mong may kausap ka eh" pangangaral niya. Whatever!

Umupo nalang ako nang maayos baka mamaya magmukha na 'tong tigre.

"Ano na kakantahin natin?" tanong ko ulit.

"Huwag ka ngang atat. Kita mong nag-iissip ako eh" Sabi niya na nilagay pa talaga ang kamay niya sa may baba. Ang OA lang ha.

"May isip ka pala?" Inis na tanong ko sa kanya. Mainis ka!

"Anong tingin mo sa akin bobo?" galit na sabi niya. Kawawa naman! Pikon hahahaha

"Ikaw nagsabi niyan, di ako" Very good Cassy at nakabawi ka na sa kanya dahil inis na inis na siya

"Shut up, will you? Marunong ka bang mag gitara?" tanong niya

"Oo." I simply answered.

"Good"

"Oh ano na kasi kakantahin natin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Maghintay ka pwede?"

"I hate waiting" sabi ko na pinaglalaruan ang buhok ko. Ang saya ng buhay!

"I dont care. Matuto kang maghintay" sabi niya na namumula na sa galit. Sige pa Cassy, inisin mo pa para makabawi ka sa lintek na iyan.

"A-YO-KO. Dali na kasi. Ano bang kakantahin natin?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi niya ako sinagot instead tumayo siya at naglakad papunta sa may bulletin board. Kaya sinundan ko naman siya.

Nakatalikod siya, siguro nag-iisip kung anong kakantahin namin

"Ano na kakantahin natin?" Tanong ko ulit sa kanya

"Fuck! Ano ka ba Cassandra!" natawa naman ako sa itsura niya kasi kitang-kita mo na naiinis talaga siya. At ano daw? Did he call me my real name? Oh it's new!

"Hoy kayong dalawang lovers diyan! Baka gusto niyong hinaan naman ang mga boses niyo no?" Napatingin kami sa nagsalita, it's Mitch. Gumagawa na pala kami ng scene dito.

Nagkatinginan kami at sabay tinalikuran ang isa't isa

Pagbalik namin sa upuan namin ay tinanong ko ulit siya "Ano na kasi kakantahin natin? Tignan mo yung mga classmates natin oh may mga napili na tayo nalang ang wala. Ano na b--" Bastos na lalake 'to tinakpan ba naman ang bibig ko habang nagsasalita pa ako?

"Crazy" sabi niya at tinanggal na niya ang pagkakatakip sa bibig ko

"Anong crazy? Ako crazy? Gusto mo talaga nang a--" OH MY GOSH! DID HE JUST KISS ME? WAAAAAAH!!!!

"Tumigil ka na nga kakadada mo. Ang sabi ko Crazy ang kakantahin natin. And if you would ask about the kiss. Ang ingay mo kasi" sabi niya at lumabas na. He left me dumbfounded.

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon