Chapter 39

4K 71 4
                                        

Whatever happens


CASSY's POV

Halos patakbo na akong papuntang classroom namin kasi late na ako, hindi kasi ako nagising ni nanay..

"Hey"

"Ay butiking baboy!" Nagulat ako nang may biglang magsalita sa harapan ko, si Keith lang pala kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Butiking baboy? Hahahahaha" Anong nakakatawa?

Hindi ko nalang siya pinansin at maglalakad na sana ulit kaya lang nakaharang siya sa daanan kaya hindi ako makadaan.

"Pwede ba? Huwag kang paharang-harang sa daan?"

"Eh kung ayoko" Sabi niya na nakapamulsa pa.

"Hindi ako nakikipaglaro sayo ha"

"Hindi rin naman ako nakikipaglaro sayo ah" at nakangisi pa ang loko. Langya! Late na late na ako.

"Pwede ba umalis ka na diyan?" naiinis na talaga ako ha. Ano ba talagang gusto nito?

"Hey ex. Anong problema rito?" Nagulat na naman ako nang may umakbay sa akin kaya inalis ko kaagad yung kamay niya.

Inirapan ko lang siya. Ano bang nangyayari? Bakit napakamalas ko ngayon? At dalawa pa talaga silang nang-aasar sa akin.

"Pwede ba Keith? Paalisin mo na ako? Late na tayo oh?" Sabi ko na pinakita pa ang relo ko sa kanya.

"Ayoko nga eh" para talaga 'tong bata

"Pare, pwede ba padaanin mo na kami? Kita mong late na oh" sabi naman nitong katabi ko

At nagsmirk lang talaga si Keith ha.

"Pare, ayoko nang gulo kaya pwede ba padaanin mo na kami?" kita kong naiinis na rin si Nathan kay Keith pero itong si Keith parang natutuwa pa eh

"In one condition" sabi ni Keith na nakatingin sa akin kaya napaiwas ako nang tingin

"What is it?" tanong ni Nathan

"Cassy will go on a date with me tonight" Whaaaaaaaaaat?

"What the hell did you say? You want Cassy to go on a date with you? Ayoko! Di ako papayag! She's not yours!" Parang sasabog na si Nathan sa galit kay Keith.

"And you think she's yours?" sagot naman ni Keith. Ayoko nang gulo! Gusto ko nanag umalis dito. Can somebody help me to get outta here?

"Yeah. SHE'S ONLY MINE, MINE ALONE SO BACK OFF" what did he say? Alam kong pulang-pula na ako ngayon dahil sa sinabi ni Nathan. Bakit parang ang saya-saya ko nang marinig ko yung mga salitang yun sa kanya? Ayoko na sa kanya dahil alam kong naglalaro lang siya. He's just playing a stupid game. Pinapaasa niya lang ako. Ayoko nang umiyak! Pero bakit nangingilid na naman ang luha ko?

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Saved by the bell! Thanks Lord!

"Guuuuuuuuurl" Sabay higit sa akin ng mga kaibigan ko.


---
KEITH's POV

"Hindi pa tayo tapos, Tiu" sabi ni Nathan sa akin bago umalis. Tss!

"Oh ano bro? Narecord mo ba?" Tanong sa akin ni Ryan

Tumango lang ako at binigay ang cellphone ko sa kanila.


---
RYAN's POV

"In one condition"

"What is it?"

"Cassy will go on a date with me tonight"

"What the hell did you say? You want Cassy to go on a date with you? Ayoko! Di ako papayag! She's not yours!"

"And you think she's yours?"

"Yeah. SHE'S ONLY MINE, MINE ALONE SO BACK OFF"

"Hahahahahahaha" sabay-sabay kaming tumawang lima. Ang corny pala ni Nathan magselos.

"Thanks bro" sabi ko kay Keith

"No problem" sagot naman niya.

---
KRISTINE's POV

"Whaaaaaat?!" we shouted in unison. Kunwari'y nabigla kami sa sinabi ni Cassy sa amin about what happened earlier dahil ang totoo niyan, nagtatago lang kami kanina. Pinipigilan nalang namin ang pagtawa eh kasi nakakatuwa silang dalawa ni Nathan. Nagbubulag-bulagan lang sila sa isa't isa. Hay! Ganyan napapala sa pataasan ng pride eh!

"Gurl, what if may gusto na talaga sayo si Nathan. Anong gagawin mo?" tanong ni Loraine kay Cassy.

Parang nabigla si Cassy sa tanong ni Loraine kaya hindi siya kaagad nakasagot. Makikita mong nangi-ngilid na naman ang luha niya.

"A-ayoko na. Tama ng sinaktan niya ako at pinaglaruan ng isang beses." nabigla kami sa sagot niya kaya nagkatinginan kaming apat. Wala na ba talagang pag-asa?

"Eh paano kung mageffort siya nang bonggang-bongga? Yung tipong kahit kahiya-hiya na ang ginagawa niya pero basta't para sayo gagawin niya pa rin?" tanong naman ni Mitch.

"Imposible. Hindi niya gagawin yun para sa akin sa taas ba naman ng pride nun." Akala mo siya hindi mataas ang pride.

"Eh paano nga kung sakaling mangyari yun? What will you do?" asked Sofie.

"Ewan. I don't know. Hindi ko alam." Cassy replied and sighed.

Sabay kaming nagbuntong hiningang apat. Kahit ayaw na ng isa, gagawa pa rin kami ng paraan para magkabalikan sila. Whatever happens!

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon