Chapter 28

4.2K 81 2
                                    

Heartbreak


KENT's POV

"My loves, are you okay?" tanong sa akin ni Sofie.

Andito kami ngayon sa cafeteria kumakain at nakikita ko sina Nathan at Cassy isang bench na ang saya-saya. Naaawa talaga ako kay Cassy, kasalanan ko naman kasi lahat eh. Gusto ko ng sabihin kay Cassy ang totoo kaya lang naduduwag ako eh. Lord, help me please!

"My loves?"

"Sorry my loves, pagod lang ako" sabay halik sa pisngi ni Sofie. Pati nga sa girlfriend ko hindi ko kayang sabihin kasi kaibigan niya yun at baka ito pa yung reason kung bakit kami maghihiwalay at ayokong mangyari yun


---
THIRD PERSON's POV

Nasa tambayan ngayon ang magkakaibigang sina Nathan, Kent, Jack, Alvin, at Ryan. Kinukumbinsi pa rin nila Kent na itigil na ang kalokohang ginagawa ni Nathan at sabihin na ang totoo kay Cassy pero hindi pa rin nakikinig si Nathan.

"Bro please! Kahit ngayon lang, makinig ka naman sa amin oh. Stay away from Cassy and tell her the truth" Sabi ni Jack na parang iiyak na sa galit dahil ayaw talagang makinig ni Nathan. Ang hirap talaga kapag spoiled ang pinagsasabihin mo, hindi nakikinig.

"I said no!" Nathan replied at tumayo para uminom ng tubig.

"Alam mo ikaw pa rin naman magsisisi sa huli eh" seryosong sabi ni Alvin habang nagbabasa ng magazine.

"I don't fucking care" matigas na sabi ni Nathan. Napa face palm nalang sila sa katigasan ng ulo ni Nathan. Nabigay na naman nila sa kanya ang premyo ah bakit ayaw niya pa ring tigilan?

"Yan ang hirap sayo eh! Hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi namin dahil sarili mo lang ang pinapakinggan mo. I know someday you will regret all of these, Nathan" galit na sabi ni Jack

Kahit ano talagang pilit ang ginagawa namin ay ayaw parin makinig ni Nathan.

"Bro, ano bang ginawang masama sayo ni Cassy? At bakit gustong-gusto mo siyang saktan? Kung gusto mo lang patunayan sa lahat na kahit isang man hater ay napapaibig mo, napakawalang kwentang rason!" sabi naman ni Kent na umiiling.

*Bugsh*

Nagulat silang lahat sa pagbukas ng pinto nang malakas


---
CASSY's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang tambayan nila Nathan, bumili ako ng cake para sa kanya favorite niya kasi ito.

May iba akong nararamdaman ngayon, parang may masamang mangyayari? Ay ewan!

"Bro, ano bang ginawang masama sayo ni Cassy? At bakit gustong-gusto mo siyang saktan? Kung gusto mo lang patunayan sa lahat na kahit isang man hater ay napapaibig mo, napakawalang kwentang rason"

*Bugsh*

Nagulat silang lahat at napatingin sa akin.

Alam mo yung feeling na parang hindi ka makahinga dahil sa sakit na nararamdaman mo? Hindi ko na kinaya kaya tumutulo na ang mga luha ko.

Akala ko! Akala ko hindi niya ako sasaktan, akala ko mahal niya ako. Yun pala hindi! Lahat ng yun ay puro mga kasinungalingan lang pala. Simula pa lang nung una, niloloko na pala niya ako pero bakit hindi ko naramdaman yun? Grabe siya! Wala siyang puso! Ang galing-galing niyang umarte pwede na nga siyang gawaran ng best actor award sa Oscar eh. Curse you Nathan! I swear you'll gonna regret all of this. Akala ko iba siya sa daddy ko but I was wrong! WALANG LALAKE ANG SERYOSO! LAHAT SILA MGA SINUNGALING AT MANLOLOKO!

Ayoko na! Ayoko ng magmahal ulit. Akala ko hindi na ako magiging man hater kasi binago nya ako pero yun pala siya pa pala ang dahilan kung bakit mas galit ako sa mga lalake ngayon.

"Cassy, we're very sorry!" they said in unsion at lumapit sa akin at lumuhod except Nathan, he's just standing there while smirking. Walang hiya ka talaga Nathan John Folker!

"Tumayo nga kayo diyan. Alam ko namang wala kayong kasalanan eh" sabi ko sa kanila at nilagpasan sila. Pupuntahan ko lang yung walangyang lalakeng yun

Sinampal ko siya kaliwang pisngi niya "Para yan sa panloloko mo sa akin"

I slapped him again on his right cheek "Para yan sa panloloko mo sa akin at pinaniwala mo akong mahal mo ako"

I slapped him once again "That's for causing you too much pain to me"

Good for you at pulang-pula na yang makapal mong mukha!

Lumabas na ako pagkatapos ko siyang sampalin. Ang sakit-sakit! Parang pinapatay ang buong pagkatao mo. Bakit ba kasi ako naniwala sa kaniya?

Umuwi na ako ng bahay, gusto ko ng magpahinga! I hope it was all a nightmare! I hope so but no, it's real! Ramdam na ramdam ko iyong sakit eh tagos na tagos sa puso ko.

Pagbukas ko ng kwarto ko "Anak? What happened to you? Bakit ka umiiyak?" nagulat ako ng magsalita si mommy. Akala ko wala akong maiiyakan ngayon. She's always there for me that's why I love my mommy so much.

"M-m-mo-mm-yy" hindi ko na napigilan at binuhos ko lahat ng sakit sa puso ko. Hikbi lang ako ng hikbi.

Kinuwento ko lahat lahat ng mga panloloko at mga kasinungalingan sa akin ni Nathan at galit na galit siya at gusto niyang sugurin si Nathan pero pinigilan ko nalang kasi hindi naman mababawasan ang sakit na nararamdaman ko eh.

Lumabas na ng room ko si mommy, magpahinga na daw ako. Naalala ko na naman yung nangyari kina mommy at daddy noon when I was seven years old.

*FLASHBACK*

Masaya ako ngayon kasi nakakuha ako ng perfect score sa Math at may stars ako sa kamay ko. Excited na akong umuwi para ipakita 'to kina mommy at daddy.

"Mommy! Daddy! I'm home" yan kaagad ang bungad ko pagkapasok ko ng bahay.

*Tugsh*

Nagulat ako ng may marinig akong nabasag sa itaas kaya pumunta ako.

And I saw my mother crying while leaning in front of my father.

"Please, Carl huwag mo naman kaming iwan. Kahit na hindi mo na ako mahal please hindi ko kaya" humagolhol na sabi ni mommy

"At sa tingin mo okay lang sa akin na magkasama tayo sa iisang bubong pero hind ako masaya? Samantalang ikaw masaya? Ang unfair naman! Ayoko na itigil na natin to. HINDI NA KITA MAHAL!" at lumabas na ng kwarto si daddy pero sinundan ko siya

"Daddy, please don't do this to us" sabay yakap ko sa kanya

"Anak, hindi mo pa maiintindahan ngayon pero ginagawa ko 'to para sa inyo. I love you Cassandra, please be a good girl always" and he kissed my forehead before leaving us. Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak.

*END OF FLASHBACK*

Ang sakit sakit pa rin pala talaga. At ngayon, naranasan ko na naman ang masaktan dahil sa lalake. Ba't kasi ang tanga tanga ko at nagpapaniwala ako sa mga kasinungalin ni Nathan. Sana pinakinggan ko nalang ang sarili ko.

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon