Preparation
CASSY's POV
"Class, please group yourselves in 5" sabi ni Ma'am Magsaing, TLE teacher namin.
"3,4,5,1,2,3..." group three ako. Sino kaya mga kagrupo ko?
"GROUP 3 DITO!" napatingin ako sa sumigaw, tsssssss! bakit kagrupo ko pa siya?
Pumunta na ako sa grupo, nakita ko naman si Faye katabi ni Nathan. Magkasama pa talaga ang dalawa at mukhang close na close na sila. Whatever!
"Uy ex, grupo pala tayo? " tanong niya pero kay Faye nakatingin.
"Di ba halata?" sabay irap ko
"Guys, tulong-tulong tayo rito please " sabi nung leader namin
Tumulong naman ako sa kanila pero ang dalawa wala, naglalandian lang. Argh!
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya tumayo ako at pumunta sa harap nila
"Hoy kayong dalawa jan! Maglalandian nalang ba kayo o tutulong kayo?! " inis na sabi ko sa kanila
Pero mukhang hindi nila ako narinig
"Hoy Nathan at Faye, tumulong naman kayo" mahinahon kong sabi pero may halong inis
"Uy ex, anong kailangan mo? " parang nagulat siya dahil nasa harap nila ako
"Tss. Wala" sabay alis ko sa harapan nila. Nakakainis talaga!
---
MITCH's POV"Hoy kayong dalawa jan! Maglalandian nalang ba kayo o tutulong kayo?!" kanina pa namin tinitignan sina Nathan at Cassy pati na rin si Faye. Nakakatawa ang mukha ni Cassy dahil ngayon siya na naman ang nagseselos.
"Hoy Nathan at Faye, tumulong naman kayo" ulit ni Cassy sa kanila.
"Uy ex, anong kailangan mo? " kunwaring tanong ni Nathan kay Cassy eh kanina pa nga niya tinitignan si Cassy eh, but in a secretive way
"Tss. Wala" sabay walk out ni Cassy
"Ayos ah! Para lang tayong nanonood ng live na palabas" natatawang sabi ni Loraine
"Asan kaya pupunta yon?" tanong naman ni Sofie
"Tara! Sundan natin" at sumunod naman kami sa sinabi ni Kristine
"ARGH! BWISET KANG NATHAN KA!!!! HINDI! HINDI 'TO PWEDENG NARARAMDAMAN KO! MATAGAL NA KITANG KINALIMUTAN PERO BAKIT BUMABALIK PA RIN? GUSTO MO BA TALAGA AKONG NAHIHIRAPAN LAGI? BWISET!" yan ang mga linyang narinig namin kay Cassy bago siya tuluyang tumakbo palayo ng classroom.
"Balik na tayo gurls. Let's give her some privacy" -Sofie
Tumango naman kami at naglakad na papuntang classroom pero natigil kami dahil nagmadaling tumakbo si Nathan papunta sa tinakbuhan ni Cassy. Hmmm... Pag-ibig nga naman!
---
NATHAN's POVAsan naman kaya pumunta yung ex ko? Bigla nalang nawala eh. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako
"Ma'am may I go out? " tanong ko kay Ma'am at tumakbo na palabas ng classroom
---
CASSY's POVBakit ba ako lumabas ng classroom? Ano namang gagawin ko rito sa labas? Hay! Mukha akong tanga sa ginawa kong pagwa-walk out.
Nag-umpisa na akong lumakad. Malayo-layo na rin ang nalakad ko kakalabas ng inis ko sa taong yun.
"Cassy" napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa may likuran ko. Boses pa lang, kilalang-kilala ko na, it's Nathan.
Hinarap ko siya at, "What?" tanong ko na nakataas ang kilay. Ano na naman kayang ginagawa niya dito?
"Nagseselos ka ba?" parang na-estatwa ako sa tanong niya. A-ako n-nagseselos? Tss asa!
Hindi nga ba? tanong ng kontrabida kong isip
"A-ano? Are you kidding? As if!" sabay talikod ko na dahil alam kong pulang-pula na ang pisngi ko
"Eh bakit ka nagwalk out?" Yan na nga ba eh! Ano ng gagawin ko?
"Alangan namang sa harap niyo ako iihi?" Very good, brain! You survived!
Tumingin ulit ako sa kanya at kita kong parang na-disappoint siya o baka imagination ko lang yun?! Ayst!
"A-akala ko. Tss! Diyan ka na nga" pagkatapos niyang sabihin yun ay nilagpasan ako at nagmadaling tumakbo. Problema nun?
---
NATHAN's POVPutang ina! What did i do? Nakakahiya! Umasa lang ako sa wala!
----------------
A/N: Guys, hope you'll understand na on going pa 'to kaya laging bitin. Thanks for reading :D.
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Novela JuvenilWhen a man hater meets the spoiled guy.