Chapter 3

8.1K 188 0
                                    

The bet

NATHAN's POV


Grabe! Anong klaseng babae ba yun? Hindi umepekto ang charm ko sa kaniya! Napakasungit pa, daig pa ang lola ko. Tinawag pa akong unggoy? Sa gwapo kong 'to, bulag ata yun eh at higit sa lahat sinigaw-sigawan pa ako. Pambihira, wala pang sumigaw sa akin kundi siya lang.

Uwian na at nandito na naman kami sa usual place namin.

"Oh bro, bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Jack habang umiinom ng chuckie, weird.

"Wala." sagot ko

"Anong wala? Dahil yun kanina no?" Ryan na may ngiting aso. May binabalak na naman to.

"Grabe! Siya pa lang ang unang sumigaw sayo ng ganon bro!" eto namang si Kent tinawanan pa ako.

Talagang siya ang unang sumigaw sa akin ng ganon. Hindi ako papayag na hindi siya magbabayad sa ginawa niya sa akin. She doesn't even know me yet!

"Mukhang malabong mapaibig mo yan ah. Talo na kayo!" Alvin. Talagang masayang-masaya siya ah

"Hindi ako papayag!" sabi ko at napakunot-noo

"Anong gagawin mo?" tanong ni Alvin na nakangiti pa rin

"Wow pare, mukhang challenge 'to sayo ah!" saad ni Ryan

"Just make her fall in love with you and break her heart, that's simple." sabi ni Jack at tinap ang balikat ko

"Oo, madaling mapa-ibig ang mga babae pero si Cassy, malabo mukhang hindi nga yun babae eh hindi man lang tumalab ang charm ko sa kanya. Hindi madali, ayokong pag-aksayahan siya ng oras, iba nalang!" Sinaktan niya ego ko! Shit!

Nagtinginan naman sina Jack at Kent. Alam ko na ang mga iniisip ng dalawang ito.

"Ayaw mo talaga?" I just nodded.

"Eh kung sabihin ko sayong motor ko ang premyo if you can make her fall in love?" Teka! Motor? Gustong-gusto kong magmotor pero ayaw akong payagan ng mga magulang ko kasi delikado raw. Sa aming lima, ako nga lang ang walang motor eh.

"And additional 5,000 pesos." sabay taas kamay ni Jack.

"Me too, I'll give you 5,000 pesos." Ryan. Kung mapa-ibig ko si Cassy may motor na ako, may additional 10,000 pa ako. Marami naman akong pera pero masaya 'to ah! Sa tingin ko naman madali ko lang siyang mapa-ibig.

"Ok deal. Papatunayan ko sa inyo na kahit man hater ay mapapaibig ko." I just smirked.

Be ready Cassandra Sandoval!

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon