Chapter 24

3.8K 69 0
                                    

Christmas gift


CASSY's POV

Ilang months na ang nakalipas simula noong Intrams namin. Ang bilis ng panahon at pasko na bukas.

Sina Jack at Mitch nga pala ang nanalo sa Mr. and Ms. AGFA. Dancing ang talent nila, akalain niyo yun may talent pala sila sa pagsayaw? Sa tingin ko nagkakamabutihan na yung dalawa eh.

Natapos na rin ang master-slave thingy nila Ryan at Kristine at walangyang Ryan tinamaan kay Kristine, hindi na siya womanizer ngayon at si Kristine naman pakipot pa halata namang may gusto rin kay Ryan. Kawawa nga palagi yun eh palaging binabara ni Kristine.

Sina Alvin at Loraine naman, sila na pala hindi lang man namin halata na nanliligaw pala si Alvin sa kanya noon hays!

Sina Kent at Sofie ano pa ba? PDA lagi. Going strong nga eh.

Kami? Ako at si Nathan? We're friends, hindi pa rin naiiwasan ang bangayan namin.

Nandito nga pala kami sa mall, namimili ng mga gifts para bukas. Kasama ko ang apat na bruha kong kaibigan.

Marami-rami rin kaming biniling gifts kasi bibigyan namin ang boys.

Pagkatapos namin makapamili ng mga regalo ay pumunta kami sa McDo. Gutom na gutom na kasi kami eh.

Habang kumakain kami ay bigla kaming natigilan ng biglang nagtitilian ang mga babae sa kabilang table. Napatingin naman kami kung saan sila nakatingin at laking gulat namin sa mga nakita namin.

"Shit!" I heard Kristine cussed.

Naglakad naman silang lima papunta sa aming table na parang mga model.

"Hi my labs" sabay kiss ni Sofie sa cheeks ni Kent pagkaupo nila. PDA talaga 'tong dalawang ito kahit kailan

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Nathan at umupo sa tabi ko

"Namili lang ng gifts para mamaya. Eh kayo?" I replied while eating fries.

"Ganun din" sabi ni Nathn na sumusubo din ng fries na kinakain ko.

Kumain lang kami doon ng kumain at kwentuhan na rin

"Alis na kami ha? Magpe-prepare pa kasi kami eh. See you nalang mamaya sa bahay" sabi ko sabay tayo. Sa bahay kasi kami magce-celebrate mamayang noche buena kasama sila Nathan. Every Christmas magka-kasama kami ng family nila Kristine, Sofie, Loraine at Mitch, magbusiness partners kasi sila.

**

"Hey mom. We're here" masayang sabi ko pagkapasok ng bahay.

Lumabas naman si Mommy galing sa kitchen. Nginitian niya lang ako at sabay kiss sa cheeks ko.

"Mitch" napatingin naman kami sa tumawag kay Mitch, parents niya pala.

"Hey Mom, Dad" sabi ni Mitch sabay hug sa parents niya. Nakakainggit naman sila kasi kompleto sila pero ayos lang yun atleast masaya kami ni Mom.

"Loraine, Sofie, nandoon na pala sa may pool parents niyo and Kristine susunod lang daw parents mo" sabi ni Mom sa kanila at pumunta na ulit sa kitchen.

"Punta na muna ako kina Mom girls ha?" sabi ni Sofie at nag-nod lang kami

"Ako rin" sabi naman ni Loraine at sumunod kay Sofie papunta sa may pool.

"Akyat na muna ako, Tine ha?" paalam ko kay Kristine.

Umakyat na ako at nagbihis ng pambahay. Tutulungan ko pa kasi si Mommy sa paghahanda.

10 pm nang dumating sina Nathan dito sa amin na may dala-dalang gifts.

"Hi girls" bati sa amin ni Ryan na kinindatan pa si Kristine

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon