Love is in the air
SOFIE's POV
Ang sarap talaga ng feeling na may lovelife ka. Kinikilig na naman ako sa tuwing naalala ko si my loves. Hays!
Andito ako ngayon sa kama ko. Nagte-text kami ngayon ni Kent. Ang weird nga niya eh kasi paulit-ulit niyang sinasabing sorry.
*tugsh*
"SOFIE!" Napabangon ako sa kama ko nang magbukas ang pintuan ko na halos magiba na
"SOFIE!" sigaw nila Loraine, Kristine at Mitch
"What?" naiirita kong sagot sa kanila. Muntik nang masira ang eardrums ko sa sigaw nila.
"WALANGYANG NATHAN YAN! ALAM MO BANG PINAGLARUAN NIYA LANG SI CASSY! ALL THIS TIME HE JUST FOOLED CASSY! AT ANG NAGSIMULA NITONG LAHAT AY ANG NAPAKAMAMAHAL MONG BOYFRIEND AT ISA PA KASABWAT SILANG ALVIN, JACK AT RYAAAAAAAAAN! MAPAPATAY KO TALAGA SILA!" Kristine. Halos sumabog na siya sa galit. I wanna cry after I heard Kristine's statement. Hindi ko akalain na ang boyfriend ko na mahal na mahal ko ay siya pa ang nagsimula ng larong saktan si Cassy.
"Kaya let's go girls! Pupuntahan natin ang mga manlolokong lalakeng yun" Said Mitch.
Kaya dali-dali akong nagbihis at pumunta na kami sa kotse nila Kristine.
We went to Kent's house. Paano ko nalaman? Nagte-text lang naman kami kanina at nasabi niyang nandito ang mga kaibigan niya except Nathan.
"HOY KENT! LUMABAS KAYO DIYAN KUNG AYAW NIYONG SUNUGIN NAMIN 'TONG BAHAY NIYO! KEEEEENT!" sumigaw lang ako ng sumigaw hanggang sa nagbukas na ang gate.
---
KENT's POV
Nandito sila ngayon maliban kay Nathan. Galit kami kay Nathan ngayon kasi ginawa na niya ang matagal niya ng inaasam-asam. Siya lang ang natuwa sa ginawa niya. Hays! Spoiled nga naman!
"Bro, ano na ang ga--" hindi natapos ang pagsasalita ni Jack nang biglang may sumigaw
"HOY KENT! LUMABAS KAYO DIYAN KUNG AYAW NIYONG SUNUGIN NAMIN 'TONG BAHAY NIYO! KEEEEENT!" Nagulat kaming lahat sa sigaw na yun dahil alam na nila. Kaya nagmadali kaming pumunta ng gate.
Nagsisigaw pa rin sina Sofie sa labas, kinakabahan na kami sa posibleng mangyari ngayong gabi.
Nang mabuksan ko na ang gate ay agad kaming sinalubong nila ng sampal. Dapat lang siguro sa amin yun!
"My loves, let--" hindi na naman niya ako pinatapos magsalita nang sumigaw na naman siya. "HUWAG MO AKONG TATAWAGING MY LOVES!"
"BAKIT NIYO PINAGPUSTAHAN SI CASSY?!" sigaw ni my loves
"Ahm ah. Pumasok nga muna tayo! Doon namin sasabihin lahat lahat" yan nalang ang sinabi ko alangan namang mag-usap kami sa labas ng bahay at madilim pa
"Let's go gurls" sabi ni Kristine na mas nauna pa silang pumasok kaysa sa aming mga lalake. Ang hirap talagang intindihin ang mga babae.
---
THIRD PERSON's POV
Nang maka-upo na silang lahat sa living room nila Kent ay kinuwento nila lahat lahat. Simula nung first day hanggang sa nakonsensya na sila sa katarantaduhang ginawa nila hanggang sa pagpigil nila sa mga ginagawa ni Nathan kay Cassy.
Matapos ikuwento ng mga lalake ay nagtinginan ang mga babae at napayuko dahil sa inasta nila kanina. Hindi man lang nila pinakinggan muna ang explanation bago sila nagconclude.
"Sorry my loves" sabi ni Sofie kay Kent sabay yakap.
"Ayos lang my loves basta sa susunod ay alamin mo muna ang dahilan" sagot naman ni Kent at naging sweet na naman sila
-
"Ahm. Alvin, sorry kung nasampal kita kanina. Hin--" hindi na pinatapos ni Alvin na magsalita si Loraine kasi hinalikan niya ito nang mabilis na ikinabigla ni Loraine. Hindi naman kasi sila totoong magjowa, nagpapanggap lang sila para hindi sila ma out of place sa mga kaibigan nila.
"I love you Loraine, ngayon ko lang na-realize. Alam kong hindi tayo totoong magjowa, pero ngayon I want you to be mine for real. Will you be my girlfriend?" Pag-amin ni Alvin.
Hindi inasahan ni Loraine na magkakagusto rin sa kanya si Alvin. Sa totoo, matagal na niya itong gusto kaya siya lumipat sa AGFA.
Hinalikan niya rin ito "Yes. I will" at nagyakapan ang dalawa.
-
"Sorry" nahihiyang sambit ni Kristine kay Ryan.
"Tatanggapin ko lang yang sorry mo kung sasagutin mo na ako" nakangiti nang malapad si Ryan.
Sa katunayan, hanggang ngayon nanliligaw pa rin si Ryan kay Kristine pero hindi pa rin siya sinasagot nito.
"Heh! Tumigil ka! Gusto mo basterin kita?" pananakot ni Kristine
"Joke lang naman. Nagbibiro lang ako no. Oo na tinatanggap ko na ang sorry mo alam mo namang hindi kita matiis eh" Said Ryan sabay yakap kay Kristine.
Napangiti naman si Kristine sa sinabi't ginawa ni Ryan pero si Kristine ay hindi gustong ipahalata na may gusto rin siya kay Ryan ay sinungitan niya ito "Bitiwan mo nga ako. Ew"
Binitiwan naman siya ni Ryan at hinigit na palabas ng bahay nila Kent
-
"Jack, I'm very sorry for slapping you earlier" Sabi ni Mitch kay Jack
"Tss! Amazona ka talaga" sagot naman ni Jack
Lumabas si Jack at naglakad papuntang garden kaya't sinundan siya ni Mitch
"Jack, mahal mo pa rin ba si Sofie?" malungkot na tanong ni Mitch. Kung oo ang sagot niya ay titigil na si Mitch at kung hindi she will fight her feelings for Jack, sa isip ni Mitch.
"No" simpleng sagot ni Jack
Nakahinga naman nang malalim si Mitch. "Kung ganon. May mahal ka na bang iba?"
"Oo" tipid na sagot ni Jack na umupo sa upuan samantalang si Mitch naman ay nakatayo sa harapan niya
"Sino?" atat na tanong ni Mitch
Tumayo si Jack sa inuupuan niya at lumapit kay Mitch na halos magkadikit na sila "Gusto mo ba talagang malaman?"
"O-oo" naiilang na sagot naman ni Mitch kasi konting galaw lang ay mahahalikan niya na si Jack.
"The girl" umiwas ng tingin si Jack "--in front of me" at tumingin siya ulit kay Mitch na ikinabigla naman niya.
"Wh-what?" pagmaang-maangan ni Mitch. She just want to confirm it kung totoo ba ang narinig niya
"I said I'm in love with you" Sagot ni Jack without hesitating.
Maiyak-iyak na si Mitch sa narinig dahil hindi niya akalain ito, akala niya rati na hanggang kaibigan lang ang tingin nI Jack sa kanya
"Will you be mine?" namumulang tanong ni Jack kay Mitch
"Hindi ibig sabihin na mahal rin kita ay sasagutin kita agad. Gusto ko ring maligawan noh" sabay lagay ni Mitch ng mga kamay niya sa leeg ni Jack baka kasi ma out balance siya sa kilig.
"Sige na nga basta walang pwedeng manligaw sayong iba. Understand?" Jack
"Yes boss"
---
SOMEONE's POV
*knock knock*
"Pasok" "Nagawa niyo na ba?"
"Opo boss"
"Good"
-------------------------------------------
A/N: Thanks for reading guys :))
Guys, kailangan munang umabot ng 1k reads before I proceed to the next chapter para naman malaman ko na may sumusuporta pa rin ng story ko :). I hope you understand :D
READ. COMMENT. VOTE
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Fiksyen RemajaWhen a man hater meets the spoiled guy.
