Chapter 4

8.7K 172 4
                                        

Let the game begins

CASSY's POV


As I woke up I felt something strange, something that this day would be full of happiness, I think?

Tapos na akong maligo at magbihis, nagsusuklay na ako ngayon ng may kumatok. "Come in."

"Cassy anak, may bisita ka." sabi ni Nanay Doring. Matagal ko ng yaya si nanay Doring kaya tinawag ko na siyang nanay at tinuring naman niya akong parang tunay na anak kasi palaging wala si Mommy dito, kaya siya na ang nag-alaga sa akin.

"Sino raw po, nay?" Tanong ko habang nag-aayos pa ng buhok ko

"Ayaw ipasabi eh. Pero ang gwapo niya ah." Sabi ni nanay Doring na mukhang tuwang-tuwa.

"Ah sige nay, bababa na po ako." sino kaya ang sinasabi ni nanay Doring?

Gwapo? Teka gwapo? Kailan pa ako may naging bisita na lalake? Sino kaya yun? Ang aga-aga pa ah. Makababa na nga nang maaway ko kung sinuman yun.

Hindi pa ako tuluyang nakababa sa hagdan ay nag-uusok na ang ilong ko sa nakita kong demonyong nakaupo sa sofa namin.

"IKAW! BAKIT KA NANDITO? ANONG GINAGAWA MO RITO SA PAMAMAHAY KO?" sabay turo-turo sa kanya. Nakakainis! Ang unggoy na Nathan lang pala yun. Ang aga-aga, bad mood na ako, ano ba yan! Akala ko pa naman may magandang mangyayari sa akin. Talagang nakakamatay ang maling akala!

Tumayo siya at lumapit sa akin. He moved closer to me.

"Sinusundo ka" sabay bulong niya sa may tenga ko na may malaking ngiti sa labi. Parang walang ginawa 'to sa akin ah.

"At sinong maysabi sayong sunduin mo ako?" nakataas na ang kilay ko niyan

"Ako" at ngumiti na naman. Ano bang nangyayari sa lalakeng 'to at ngiti ng ngiti?

"Sorry but we have a driver." mataray kong sabi sa kanya. Asa pa siya!

"Naku! Anak, wala pa si Jules dito, pinaayos pa niya ang sasakyan. Mabuti naman at may sumundo sayo rito kaya anak, sumama ka na sa kanya ha? Malelate ka na oh!" anong oras na ba? Oh crap! 6:50 na, malelate na ako!

"Hahahahaha!" nagtawanan pa talaga sila

"Bwisit!" wala akong nagawa kaya sumama na ako sa kanya. Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan nila. Panay music sa radio lang ang naririnig namin na pinapatugtog ng driver.

Pagdating namin sa school, pinagbuksan pa niya ako ng pinto. DUH! Asa siyang magpapasalamat ako sa kanya. In his dreams!


**

NATHAN's POV


Pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto, naglakad na siya nang mabilis at hindi man lang nagpasalamat. Hindi ko talaga kaya ang babaeng yun. Kung wala lang talaga kaming pustahan, hinding-hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang babaeng yun. Pero kailangan eh, kailangan kong maging mabait sa kanya at sweet. Yuck! What a word!

Hinabol ko siya, hinawakan ko ang kamay niya. "What? Get off your hands!" Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to! Siya na nga ang hinahawakan ang kamay eh. Napakaswerte nga niya eh dahil hinawakan ko ang kmay niya. Eh ang iba nga diyan halos mamatay na sa kahihiyan para lang mahawakan ang kamay ko. Pambihira!

"Sila na ba?" narinig kong nagbubulungan ang mga babae sa paligid namin.

"Ewan ko pero they look like a perfect couple, right?" Perfect couple? Shit never!

"Agree."

Hindi ko parin binibitawan ang kamay niya, kailangan ganito para sweet para madali ko na siyang mapa-ibig. Atat na atat na akong makuha ang motor ni Kent.


**

CASSY's POV


Bakit ba hinahawakan ni Nathan ang kamay ko? What's his effin' problem?! The more I tried to let go, the tighter he hold my hand. Ouch! My precious hands huhuhuhu! I hate him very much!

Pagpasok namin sa classroom, tinakpan ko ang mga tenga ko.

"Ayieeeeee!" grabe! Masakit na nga ang kamay ko pati ba naman tenga ko? I can't take this anymore.

"Bakit magkahawak kayo ng kamay, ikaw ha yiiiieee? In love ka na no?" sabay sundot-sundot ni Mitch sa akin.

"Spell DUH! Anong in love ang pinagsasabi mo diyan? Yuck never!" nakakainis na talaga! Ako pa ang in love?

"Bakit napakadefensive mo? Tinatanong ko lang naman kung in love ka ah, oo o hindi lang ang isagot mo pero ang dami mo pang sinasabi. Napagkakamalan tuloy." sabay ngiti ng nakakaloko.

"SHUT UP!" yan nalang ang nasabi ko. So annoying!

Pumunta na kami sa mga upuan namin. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Shocks! What's his problem ba? Pag-upo ko binitiwan niya na rin ang kamay ko. Thanks God!

"Ahm! Sofie, pwede ba palit tayo?" tanong ni Nathan kay Sofie. Please Sofie no! Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka. Tumingin naman sa akin si Sofie at umiiling-iling ako.

"Sige na para magtabi kayo ni Kent. Ay teka! Pinapasabi rin pala niya na magde-date daw kayo mamaya." sabay ngisi na parang aso ni Nathan. Eto naman si Sofie, nagpapauto at tumayo na. No Sofie, you can't leave me!

"Ba't ka lumipat ha?" I asked him angrily. I swear, mang-iinis na naman 'to.

"Hmm? Nothing. I just want to sit beside you." he said it seductively. Para namang maaakit niya ako at nagsmirk pa talaga. Hindi naman siya mahilig magsmirk no?

"Pwede ba? Lumayas ka rito? Your face is so annoying!" sabay tulak-tulak ko sa kanya.

"Ouch! Ang sakit sakit grabe! Pinagtatabuyan mo na ako ngayon?" sabay hawak sa puso niya kunwari'y masakit. Ang OA talaga ng lalaking 'to.

"Ang OA mo talaga!" at inirapan siya

"Good Morning class!"

"Pasalamat ka at dumating na si sir kundi naku!" sabi ko at dinuro siya

"Pasalamat talaga ako at dumating ka sa buhay ko." sabay ngiti niya

Dug dug dug dug

Bakit parang naging abnormal ang puso ko? Anong nangyayari? Mamamatay na ba ako? Mamamatay talaga ako ng maaga dahil sa bwisit na lalaking 'to.


**

NATHAN's POV


"Pasalamat ka at dumating na si sir kundi naku!"

"Pasalamat talaga ako at dumating ka sa buhay ko." pagkatapos kong sabihin yun bigla nalang siyang natahimik at namula hahahaha. Kinikilig na'to, swear. Sana naman mainlove na'to sa akin. Ang hirap pakisamahan ng babaeng 'to, palaging high blood sa akin. Nagagwapuhan lang siguro to sa akin kaya palaging high blood.



**

CASSY's POV


*kriiiiiiiiiiing*

Saved by the bell. Oh gosh! The whole period, he was just disturbing me. Wala akong ibang masabi sa kanya kundi HE IS SO ANNOYING!

Lumabas na ako dahil nasa pintuan na sina Loraine. Bigla nalang akong napatalon sa kaba dahil bigla-bigla nalang nang-aakbay ang unggoy na Nathan na'to

"Hey BABE, sabay na tayong kumain." at talagang inemphasize pa talaga niya ang babe

"Excuse me? What did you just call me? Babe? EW! WHAT A GROSS! Stop calling me that word because I'm not a pig!" bwiset na unggoy na yun.

Kailan ba magiging tahimik ulit ang buhay ko? Nang makilala ko siya palagi nalang akong nababadtrip! Malas talaga yung lalakeng yun sa buhay ko.

I WANT HIM OUT OF MY LIFE!

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon