Chapter 52

3.6K 72 5
                                    

Time


NATHAN's POV

Ba't kakaiba 'tong nararamdaman ko? Parang may masamang mangyayari? Hays ewan!

Naglalakad na ako ngayon papuntang classroom. Hindi ko pa nakakausap si Cassy simula kahapon nung bigla nalang siyang kinuha ni Tita. Tinatawagan ko siya kagabi pero cannot be reached. Tinanong ko nga si nanay Doring kung asan si Cassy sabi niya gumala lang daw sila ni Tita dahil these past days ay naging busy si Tita so I didn't bother to call her again. I just want her to be happy.

"Uy bro" bati kaagad ni Ryan sa akin pagkapasok ko sa classroom.

Hinanap ko kaagad si Cassy pero wala siya

"Bro, huwag ka ng mag-alala diyan. Andito na si Cassy, lumabas lang sila sandali nila Kristine." sabi ni Ryan, nahalata niya ata na palinga-linga ako.

Mabuti naman at andito na siya. Umupo nalang ako sa seat ko at hinintay siya


---
CASSY's POV

Nandito kaming lima ngayon sa garden. Hindi ko masabi kina Mitch, Loraine, at Sofie na may sakit ako dahil ayoko silang mag-alala. Naalala ko na naman yung sabi nung doctor.

"I'm sorry to say this Mrs. Sandoval but kumakalat na sa buong katawan ni Cassy ang sakit niya. We don't know if she'll survive this but don't worry just pray to the Lord. May taning na ang anak niyo, apat na buwan. Prayer is the only thing that we need to do this time. Excuse me."

"Gurl, bakit ka umiiyak?" nagulat ako sa tanong ni Loraine kaya agad kong pinunasan ang luha ko.

"Ha? Haha hindi ah. May sipon kasi ako" at nagkunwari akong may sipon.

"Ah akala ko kasi umiiyak ka"

Umiling-iling naman ako.

Hinawakan bigla ni Kristine ang kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at nginitian siya na malungkot.

"Gurls, you want to gala today?" I asked. I want to spend my days with my family, friends,and to Nathan. Ngayon ko na sana siya sasagutin kaya lang ayokong maging unfair sa kanya. Ayoko namang sagutin siya para lang maging okay ako, I don't want to be unfair with him. Akala ko magiging masaya ako sa araw na 'to dahil magiging kami na pero bakit nagkasakit pa ako? Lahat ng mga gusto kong gawin na kasama siya ay hanggang akala nalang.

Sisimulan ko na ang mga natitirang araw ko rito kasama sila.

"Yeeees!" they shouted in unison.

"Wait!" biglang pigil ni Kristine "Magcu-cutting tayo? "

Nagtinginan kaming apat sabay tango.

"If that's what you want" Kristine at tumayo na.

"Let's go gurls"

**

"Gurls, pa-salon muna tayo. I want a makeover" masayang sabi ni Sofie. Makeover? Why not.

"Okay tara!" at pumasok na kami sa salon

After 2 hours...

Napatingin ako sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. Pina-curl ko sa dulo yung buhok ko at nagpalagay ng bangs. Perfect!

"Kyaaaaaa! You're so pretty,Cassy" compliment ni Mitch. Na-flattered naman ako.

Nginitian ko lang sila.

"Gurls, tayo ng gumala. Whoooooo!" hyper na sabi Loraine.

Pumunta muna kami ng ice cream parlor.

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon