Chapter 50

4K 77 3
                                    


CASSY's POV

"Anak, andiyan na sundo mo" sabi ni Mommy

"Opo Mom"

"Halika nga dito anak" sabay lapit ko naman "Dalaga ka na talaga at ang ganda-ganda mo pa, mana ka talaga sa akin"

"Mommy talaga" sabay yakap ko sa kanya

"Oh siya sige. Naghihintay na si Nathan sa yo sa baba. You both take care, okay? I love you "

"Opo. Bye Mom. I love you"

Dali-dali akong bumaba at nakita ko si Nathan na nakikipag-usap kay nay Doring

"Oh andiyan na pala si Cassy oh" nay Doring

Lumapit sa akin si Nathan at hinalikan ako sa pisngi, "Let's go?"

I nodded.

Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse niya, how gentleman!

"Where are we going?" tanong ko na sinusulyap-sulyapan siya

"To our house" kalmadong sagot niya

"WHAAAAAAAT?"

"WHY ARE YOU SHOUTING? PAANO KUNG NADISGRASYA TAYO? " sigaw niya

"EH BAKIT SUMISIGAW KA RIN" sigaw ko pabalik sa kanya

Kahit na may mutual understanding na kami ay di pa rin nawawala ang bangayan namin. Hindi na siguro 'to maaalis sa amin dahil dito sa bangayan nagsimula ang lahat sa amin.

"TSS!" eto na naman po siya, pikon

"Pikon" pabulong na sabi ko

"WHAT DID YOU SAY?" sa hina ng pagkakasabi ko nun, narinig niya pa yun?

"WALA"

"HOY, saan nga tayo ulit pupunta?" tanong ko sa kanya na in-emphasize pa ang HOY

"Huwag mo akong hino-hoy dahil may pangalan ako. It's Nathan" napaka-arte talaga

"Ho-este Nathan, saan nga tayo pupunta? Kanina pa ako paulit-ulit dito. Sa tuwing nagtatanong ako lag--"

*tsup*

"BAKIT MO AKO HINALIKAN?" sigaw ko sa kanya. Lagi nalang ako nitong binibigla.

*tsup*

"SUMUSOBRA KA NA HA!"

*tsup*

*ANO BA TALAGA ANG PRO--"

*tsup*

"WAAAAAAAAAAAAH" tinakpan ko na ang bibig ko at sumigaw

Tinignan ko ng masama si Nathan pero nakangiti lang siya habang nagmamaneho

"Ayaw mo pa kasi tumigil sa kakasigaw mo kaya yan ang parusa mo" nakangiti niya pa ring sabi

"Aaah. Aw. Ouch. Stop it, Cassy baka madisgrasya tayo" hinampas-hampas ko kasi siya. Nakakainis talaga!

"Bwisit!"

"Sa tanong mo kanina, sa bahay namin tayo pupunta" sagot niya

Bago pa ako naka-react ay nagsalita ulit siya,

"We're here"

A-ano daw? Andito na kami? Waaaaaaah! Ayoko! Natatakot ako.

"Let's go" nabuksan na pala niya ang pintuan sa side ko

Umiiling-iling ako

"Bakit?" tanong niya na nakataas ang isang kilay. Napaka-suplado talaga

"Natatakot ako" sabi ko sabay yuko

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon