I love you
CASSY's POV
Andito kami ngayon ni Mommy sa hospital, check up ko. Nag-uusap pa sina Mommy at Doctora Villa doon sa office niya. Samantalang ako, eto katext ko si Nathan.
From: Nathan
Where are you?
To: Nathan
Sa mall. Kasama ko si Mommy.
Ang dami ko ng kasalanan kay Nathan. Alam ko naman na kapag nalaman niya ito ay maintindihan niya ako.
From: Nathan
I'll text you later, I don't want to disturb you today dahil alam kong time niyo yan ni Tita. Please take care, papakasalan pa kita. I love you.
Hindi ko na siya nireplyan pa. Simula nung niligawan ako ni Nathan, naging ganyan na siya, sobrang sweet.
Kasal? H-hindi na. I don't think so. Hindi na ako makakaabot sa puntong yun. Hayst!
Bumukas na ang pintuan at lumabas na si mommy at ang doctor
Tinago ko na sa bag ko yung cellphone at tumingin sa pintuan. Bakit parang umiyak si Mommy? Pula kasi mata niya e.
"Cassy" tawag sa akin ni Doctora Villa
"Po?" tumingin naman ako kay doctora.
"Huwag kang mabibigla sa ibabalita ko, okay?" tanong niya
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Why? What's happening?
"I'm sorry to say this but lumalala na ang sakit mo, nasa stage 3 na. We all know that stage 3 is very dangerous at yung mga taong nasa ganung sitwasyon ay nakaratay nalang sa higaan habang iniinda ang sakit but with your condition, I know, you know na hindi na mabuti ang lagay mo but you are fighting with this, alam kong tinitiis mo lang ang sakit na nararamdaman mo and one of these days ay mas lalala na ang sakit mo so you need to confine as soon as possible. Cassy, please, magpagamot ka na. Marami pang mga taong naghihintay sayo, maraming nagmamahal sayo."
Kung magpapagamot ako, so it means, kailangan ko ng layuan si Nathan? Yeah, I know, alam kong ito ang magiging kapalit ng pagpapagaling ko kaya hindi ako pumapayag magpagamot dahil dito lang ako lagi, nakaratay sa kama at saka hindi ko na makakasama pa si Nathan. Pero hindi ko makakayang mawala siya. Mas gugustuhin ko pang tiisin nalang 'tong sakit na nararamdaman ko kaysa sa hindi ko makakasama ang mga taong mahal ko.
Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Niyakap ko nalang si Mommy nang mahigpit.
"Ssshhh anak. Malalagpasan rin natin 'to" sabay hagod sa likod ko.
After nung malaman ko about my illness ay umuwi na kami at dumiretso ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
calling Kristine...
(Hello Cassy?)
Hindi man lang ako nakapagsalita at napaiyak nalang.
(Gurl? What's happening? Bakit ka umiiyak? )
"Ti-Tine, stage 3 na ang leukemia ko. Ma-malapit na akong maw-mawala"
(A-ano? Hu-huwag kang magsalita ng ganyan, Cassy. Mabubuhay ka pa)
"I don't think so, Tine. Si Daddy namatay din dahil sa leukemia. Nasa genes namin ang leukemia. "
(Stop it Cassy! Hindi ka mamamatay okay?)
"Hi-hindi ko alam"
Magdamag akong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko, emotionally.
Pagkagising ko ay wala akong ganang pumasok. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kaibigan ko lalo na si Nathan na may tinatago ako.
