Surprise
CASSY's POV
Kinakabahan talaga ako. Lintek! Parang gusto ko tuloy magback-out. Natatakot ako baka hindi ko madala ng maayos 'to.
Napatingin ako sa humawak ng kamay ko "Huwag kang kabahan, Cassy. Andito lang ako, number one supporter mo ako" Nabawasan ng konti ang kaba ko dahil sa sinabi ni Nathan. Mahal na mahal ko talaga 'tong lalaking 'to
"Guys, get ready. Magsisimula na ang search in 5 minutes" sabi nung organizer ng program kaya kinabahan na naman ako
Humarap si Nathan sa akin at hinawakan ang mga kamay ko "Sabi ko, huwag kabahan eh" napatawa ako sa inakto niya
"Ang ganda mo kaya huwag ka ng kabahan, okay?" pinisil niya ang magkabila kong pisngi kaya hinampas ko siya
"Aray! Oh tama na yan. Malapit na kayong magsimula. Nasa unahan lang ako. Panonoorin kita huwag na huwag mo akong ipahiya" biro niya
"Oo na sige na" sabay tulak ko sa kanya
"Oo na po, aalis na" sabi niya at naglakad na paalis pero napahinto siya nung tawagin ko ang pangalan niya
Bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit at bumulong "Thank you"
Dahil sa yakap na yun, nawala ang kaba ko
**
Nandito na kami ngayon sa stage para sa production number, sumasayaw kami ng fashionista. Hawak-hawak ni Keith ang kamay ko, napatingin naman ako sa harapan at nakita kong nagsalubong na naman ang mga kilay ni Nathan. Napangiti tuloy ako dahil nagseselos na naman siya kay Keith.
"Ang galing natin ah" masayang sabi ni Keith. Andito na kami sa backstage, kakatapos lang ng production at introduction number namin.
Next is talent portion, malayo-layo pa naman kami kasi ika number 12 kami.
"Thank you contestants number 11 and now the last but not the least, contestants number 12. Around of applause please"
Woooooh! Eto na!
Nang makatung-tung kami sa stage ay agad na naghiyawan ang mga tao. Nakaka-overwhelm talaga kaya confident akong naglakad sa stage at kinuha ang gitara samantalang si Keith naman ay mago-organ.
Before our performance, he held my hand and uttered thank you. Ewan ko ba kung bakit parang feeling ko aalis siya. Aish! Ano ba naman 'tong iniisip ko!
ME: There are times when I just want to look at your face
With the stars in the nightKEITH: There are times when I just want to feel your embrace
In the cold nightBOTH: I just can't believe that you are mine now
Yeah, i just can't believe that Nathan is mine now. Yung panahon na man hater pa lang ako ay sinusumpa ko na ang salitang FOREVER. But it all changed when Nathan came into my life. Marami kaming struggles na naransan before we reached our true destination. Totoo nga ang kasabihan na, "If there is best, there is worst".
BOTH: You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermore"Ang galing niyo Keith and Cassy" sigaw ni Ryan na ikinatuwa namin ni Keith.
Ngayon ay Q&A na. Kinakabahan ako baka hindi ako makasali sa magic 3
Suot ko ay blue gown na tube ang ganda, fit na fit sa akin. Si Keith naman ay naka-tuxedo na black.
"And now the magic 3. Please step forward kung matatawag ang number niyo"
![](https://img.wattpad.com/cover/12453145-288-k314226.jpg)
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Teen FictionWhen a man hater meets the spoiled guy.