Chapter 44

3.6K 85 0
                                    

What?


NATHAN's POV

"Guys, punta muna ako ng room,  naiwan ko wallet ko e" sabi ko sa kanila at lumabas na ng canteen

Nagmadali akong maglakad nang biglang may nabunggo ako

"Oh Nathan, ikaw pala. Nakita mo ba si Cassy?" Tss!  Ba't hinahanap ng Tiu nato si Cassy?  Magde-date ba sila?! Ano ba tong iniisip ko

"Ba't mo hinahanap?"

"Wala ka na dun" sabi niya at bigla nalang umalis sa harapan ko. Nakakabwisit talaga ang Tiu na yan!

Kinuha ko na yung wallet ko at nagmadaling bumalik ng canteen

"Asan na si Cassy?" tanong ko sa kanila kasi wala na siya sa inupuan niya kanina

"Sumama na kay Keith" -Alvin

"Ano?!" Nabigla ako sa sinabi niya kaya napasigaw ako. Bakit sumama yun kay Tiu?  Ano bang gagawin nila?

"Makareact ka bro ah! Hahaha nasa gym lang sila, nagpa-practice" natatawang sabi naman ni Jack

"Whatever" sabi ko sabay tayo na

"Saan ka naman pupunta?  Hindi ka pa nga kumakain eh" -Mitch

"None of your business" tinalikuran ko na sila at lumabas ng canteen

"Seloso" narinig kong pahabol na sigaw ni Mitch. Sinong seloso?  Tss,  Pakealam ko ba.


---
CASSY's POV

"Next 4-A. Hold the hand of the girl and walk. Yeah that's right" sabi nung instructor

Sa wakas at break na rin namin. Ang hirap pala ng mga ganito.

"Water? " alok ni Keith

"Thanks"

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko "Mahal mo pa ba si Nathan?" nagulat ako sa biglaan niyang tanong. Mahal ko pa nga ba siya?  Hindi rin eh siguro galit meron ako

"No" tipid kong sagot sabay inom ng tubig na binigay niya

"Really?"

"Yeah"

"Okay fine. Kunwari naniwala nalang ako" sabi niya na pinipilit wag tumawa

"Sabi ng hindi eh" nakakainis talaga. Nagtanong pa siya kung ayaw lang man maniwala sa sagot ko.

"Sabi ko nga hahaha"

"Tss. Diyan ka na nga" sabay tayo ko

"Oh asan ka naman pupunta? Hindi pa tayo tapos" siya na tumayo na rin at magkaharap na kami ngayon

"Wala kang pake" sabay flip ng hair ko pero bigla nalang niya akong hinila at niyakap

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako" nagpupumilit akong makawala sa yakap niya pero mas hinihigpitan pa niya

"Sorry" mahina niyang sabi

*bugsh*

Napakalas kami sa yakap ng may marinig kaming may nabasag sa may pintuan ng gym

Binalewala nalang namin yung pagbasag dahil may janitor naman ang nandoon.

"Okay guys, tapos na ang practice natin ngayon. Tomorrow again and don't be late."

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng gym


---
ALVIN's POV

"Anong nangyari diyan sa daliri mo?" tanong ko kay Nathan na bumalik dito sa canteen at nakabusangot ang mukha. Hmm...

"Tss!" yan lang ang sagot niya at binalibag ang upuan. Nagtinginan tuloy ang mga tao.

"Kalma lang bro" awat ni Ryan.

"Oh andiyan na pala si Cassy oh" sabi ni Mitch na mukhang excited pa.

"Uy guys,  tapos na kayong kumain?" tanong niya at umupo sa inupuan niya kanina

"Hin--"

"O-oo gurl. Papaalis na nga kami eh pero etong si Nathan hindi pa. Sabay nalang kayong dalawa. Tara na guys!" nagkaintindihan naman kaming lahat at agad-agad umalis at iniwan sila


---
CASSY's POV

Nang umalis sila ay naging awkward dahil kami nalang dalawa ang naiwan at ang seryoso pa nang mukha niyang nakatingin sa akin. Problema nito?

Napatingin naman ako sa kamay niya na may sugat at dumudugo pa

Hindi ko alam pero bigla ko nalang kinuha ang kamay niya "Anong nangyari dito? " nag-aalala kong tanong.

Pero hindi niya lang man ako sinagot at binawi ang kamay niya sa akin at tuluyan ng umalis.

Anong nangyari don?

_______________________

A/N: Thanks for reading guys!  :D Eto na po yung chapter 44

READ.COMMENT.VOTE

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon