Chapter 23

4.3K 84 1
                                    

Intramurals (part2)



CASSY's POV

*kinabukasan*

Nagising ako sa alarm clock ko kaya bumangon ako kaagad at pinatay ito. Pumasok na ako sa CR para magbihis, pagtingin ko sa salamin ay hindi pala ako nakapagpalit kasi antok na antok na ako nun eh at hindi rin ako nagdinner kaya eto gutom na gutom na ako. Pagkatapos kong gawin ang daily routine ko eh bumaba na ako kaagad upang kumain.

*ding dong*

Sino yun?

"Anak, andito na ang prince charming mo" sabi ni nanay Doring na kinikilig. Bakit andito siya? Namiss niya na ba ako? hahaha

Tumakbo ako kaagad papunta sa gate

"Oh! Anong ginagawa mo rito?" Kunwaring pagsusungit ko pero deep inside tuwang tuwa ako.


---
NATHAN's POV

Maaga akong nagising ngayon kasi susunduin ko pa yung babaeng yun sa kanila. Huwag kayong mag-isip ng iba ha baka isipin niyo na naiinlove na ako sa kanya, hindi ako katulad sa mga movies at books na kapag nakikipagpustahan ka ay matatalo ka kasi nainlove ka. Ibahin niyo ako kasi hindi ako ganyan. Psh!

Andito na ako sa harap ng gate nila. Nagdoor bell ako at nakita kong si nanay Doring ang nagbukas ng gate.

"Oh anak, anong ginagawa mo rito?" masayang sabi ni nanay Doring. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang ina ni Cassy sabi kasi ni nanay Doring busy daw sa business nila, palaging umaalis for business trip. Pareho lang pala kami.

"Oh! Anong ginagawa mo rito?" Langya! Ang aga-aga nagsusungit na naman. Hindi pa ba siya naiinlove sa gwapo kong pagmumukha? Ano pa bang hinahanap niya? Gwapo naman ako, mayaman, mabait, talented, ano pa bang kulang? Atat na atat na talaga akong makuha ang premyo ko

"Sinusundo ka" nakangiting sagot ko sa kanya. Sige lang Nathan ngiti ka lang nang mainlove na yang man hater na yan.

"Psh!" yun lang? Psh? at binuksan na ang pinto ng kotse ko at tuloy tuloy na pumasok.

"Oh ano pa ang tinutunganga mo diyan?" inis na sabi nito sa akin. Ang sarap niyang kaladkarin palabas ng sasakyan. Tanginang babae!

Nang makaratin na kami sa school ay bumaba na ako at pinagbuksan siya ng pinto kahit labag man sa loob ko.

"Tss" tss? ay ewan! Baliw na babae!

Nagtuloy-tuloy lang siyang naglakad palayo. Asa namang susundan ko siya.

"Hey bro. Sup?" sabay hawak sa balikat ko si Ryan.

"Ganon pa rin" sagot ko. Kamusta na kaya 'to? Palagi nalang kawawa kay master Kristine niya. Mabuti naman at nakahanap na siya ng katapat niya.

"Yo" dumating naman sina Jack, Kent at Alvin

Nagnod lang ako sa kanila

"Bro, itutuloy mo pa ba yung plano mo kay Cassy?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kent. Anong nangyari rito? Eh siya pa nga ang nanguna sa pustahang ito eh

"Of course. Sayang premyo noh" sabay ngiti ko sa kanila

"Itigil mo nalang kaya 'to bro? Iba nalang. Mabait naman si Cassy eh" sabi naman ni Jack. Aaaaah! So ganon naaawa sila sa baliw na babaeng yun?

"No fvcking way! Nacha-challenge ako rito noh. Hintayin niyo lang mga bro at makikita niyo maapaibig ko rin ang isang man hater" inemphasize ko talaga ang MAN HATER

Umiiling-iling naman sila.

"Basta kami bro, sinabihan ka na namin na itigil mo na yan kasi baka magsisi ka lang sa huli" sabi naman ni Ryan. Sa aming lima, si Ryan talaga ang magaling mag-advice pero mismong sarili niya hindi kayang advice-an na tigilan na ang pagiging womanizer niya

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon