A/N:u Guys, sorry for the late update kakatapos lang kasi ng exam namin. Hope you'll understand :D. Eto na po yung Chapter 42.
READ. VOTE. COMMENT
_________________
Meeting
CASSY's POV
"Classmates, sit down first kasi may mahalaga tayong pag-uusapan about our booth" sigaw ni Kristine na nasa harapan na. Hirap talaga maging president.
"Anong gusto niyong gawin natin this coming Intrams? Anong pakulo ang gusto niyong gawin? Just raise your right hand for suggestions" Ano kayang magandang gawin? Hindi naman daw namin kailangan tumulong ni Keith sabi ni sir para sa paghahanda para sa booth kasi mas i-prioritize daw muna namin yung search. Hays
"Oh my gosh guys, bakit kayo biglang tumahimik? Any suggestions please?" naku nag-iinit na ulo ni Kristine kasi kanina pa siya nag-aantay ng suggestions pero wala pa rin kahit ni isa. Wala rin naman akong maisip kasi common na yung mga naiisip ko.
"Okay ako nalang magsu-suggest" pagkasabi nun ni Kristine ay naghiyawan na sila.
"Guys, please quiet first!" sigaw ni Kristine pero wala pa ring nakikinig sa kanya.
Biglang tumayo si Ryan sa seat niya at pumunta sa harapan at pinukpok ang teacher's table kaya ayun nanahimik na rin sila "Guys, makinig na muna kayo kay Ms. President. Please!" tapos nagwink pa kay Kristine bago bumalik sa seat niya. Namula naman si Kristine sa ginawa ni Ryan. Duh! I know bitter ako, kaya huwag na kayong kumontra.
"Hindi ko alam kung magugustuhan niyo 'to pero anyway ang gusto ko ay movie booth pero sa opening natin ay live show which is tayo ang maga-act at kayo ng bahala kung ano pang mga pakulo habang nanunuod sila. Ako na gagawa ng storya. So agree ba kayo?" Hmm... Mukhang maganda ah! I like the idea.
"Woooooooooh! Ang galing mo talaga Ms. President" hiyawan na naman nila
"So it means, agree na kayo nito. Thanks for listening guys. Tomorrow ko nalang ibibigay yung story" pagkatapos magsalita ni Kristine ay umupo na siya sa seat niya.
**
The next day...
"Guys, andito na yung story. I'll just read the story first..." and Kristine started reading the story
(A/N: hindi ko nalang sasabihin kung anong story yun kasi sa next story ko pa yun. thanks.)
"And now let's proceed to the characters, Nathan and Faye will be the leading actors of this so kailangan maging close muna kayo sa isa't isa para maging komportable kayo. That's all thank you. "
Tinignan ko naman si Faye at ang laki ng ngiti niya pa'no naman kasi may gusto lang naman siya kay Nathan, matagal na. Psh! Why am I acting like this? Hindi! Hindi ako nagseselos!
---
RYAN's POV
"Ang galing mo talaga babe" sabay hug ko kay Kristine. Ang galing talagang mag-isip ng girlfriend ko eh pa'no si Cassy na naman pinapaselos niya hahaha
"Ako pa" sabay yakap niya sa akin
---
CASSY's POV
"Cassy, where are you going? " tanong sa akin ni Kristine
"CR. Bye"
Ang sakit ng ulo ko! Para akong mamamatay nito. Binilisan ko ang lakad ko papuntang CR dahil nahihilo na ako.
*bugsh*
"Oh Cassy, ayos ka lang?" tanong ni Faye na kakapasok lang sa CR
"O-okay lang ako. Thanks" mabuti nalang at hindi na ganun kasakit ang ulo ko. Lumabas na ako ng CR at pumunta sa parking lot para hintayin sundo ko.
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Fiksi RemajaWhen a man hater meets the spoiled guy.
