Chapter 7

6K 125 0
                                        

Is this true?

SOFIE's POV


Asan na ba si Cassy? Mapapagalitan na naman kami nito kapag wala kaming assignment sa Math. Matalino talaga si Cassy sa Math eh, favorite subject niya yun kaya kailangan naming mangopya sa kaniya. She's always our savior pagdating sa Math pero kanina pa kami naghihintay rito, wala pa rin siya, kanina pa rin kami tumatawag pero cannot be reached. Hay naku yung babaeng yun, ililibing talaga namin ng buhay yun kapag wala kaming assignment na maipapasa kay Ma'am Dela Cruz eh first subject pa naman namin siya ngayon.

"Gurls, what if hintayin nalang natin si Cassy sa gate?" suggestion ni Loraine.

"Oo nga baka kung asan pa pupunta iyon." sabi naman ni Mitch na nagliligpit na ng mga gamit niya

"Mabuti pa nga, let's go gurls!" sabay tayo ni Kristine. Sumunod nalang kami sa kanya.

Paglabas namin ng gate, nakita namin ang sasakyan nila Nathan and we all so shocked ng may pinagbuksan siya ng pinto at si Cassy iyong lumabas at higit sa lahat natapilok si Cassy at nasalo siya ni Nathan kaya nagkatinginan sila.

"Kyaaaaaaaaa!" sigaw nilang tatlo dahil kinikilig

"Shhhhhh. Wag nga kayong maingay baka marinig nila tayo." saway ko sa kanila. Parang may something sa kanila. Oh my gosh! Is this true? Ito na ba 'to? Matutupad na ba ang wish naming apat na magkakalove life na rin si Cassy? Oh my gosh sana nga!

"Ehem ehem. Ano yan ha? Anong ginagawa niyo?" sabi ko nang nakangiting nakakaloko.

"Wala. It was just an accident." sabi naman ni Cassy. Hmmm, nagba-blush ang babae at si Nathan naman namumula rin. Hahaha matutupad na rin ang matagal na naming pangarap.

Lumakad na paalis si Cassy, if I know namumula na ng todo yun. Sumunod naman sa kaniya sina Loraine at Kristine.

"Wait lang Cassy!"

"Cassy, pakopya ng assignment ha? Please!"

Hay naku talaga iyong dalawang iyon.

Nandito pa rin si Nathan sa harapan namin ni Mitch. Nagkatingin kami ni Mitch at nagkakaintindihan naman kami.

"Ehem ehem!" panimula ni Mitch na kunwari'y inuubo.

"Gusto mo ba si Cassy?" tanong ni Mitch na inikutan si Nathan na parang isang kriminal

"Ahm. Wa-" pinutol ko ang pagsasalita ni Nathan

"O mahal mo na siya?" Dagdag ko na inikutan din siya.

"An-"

"Kung mahal mo siya siguraduhin mo lang na wag na wag mo siyang sasaktan." putol ni Mitch kay Nathan na pinagtaasan niya ito ng kilay

"Owe-"

"Dahil kung sasaktan mo lang siya, wag mo ng ituloy ang gusto mong gawin" dagdag ko ulit.

"Ano bang-"

"O ano Nathan? Bakit hindi ka sumasagot? Ha?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Mitch habang inaalog si Nathan

"Maki-"

"Sumagot ka kapag tinatanong ka namin ha? Ano? Sagot!" utos ko

"PWEDE BA! PAANO NAMAN AKO SASAGOT KUNG SASAGOT NA AKO SA TANONG NIYO AY MAY TANONG NA NAMAN!" nagulat naman kami ng biglang sumigaw si Nathan. Tama nga naman siya, hindi namin siya hinahayaang magsalita excited much lang kasi kami na magkalove life na si Cassy eh.

"Sorry naman. Sige go, sagot na." say ni Mitch

"Ok ok. Fine, may gusto ako kay Cassy and I want to court her. So, can I ask your help about this?"

Nagkatinginan kami ni Mitch at ngumiti "Sure" sabay namin sabi

"Salamat"

"Good" At nauna na kaming maglakad papasok sa classroom namin. Pumunta kaagad kami kay Cassy kasi mangongopya pa kami ng assignment

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon