Chapter 54

4.6K 78 8
                                    

Soon



THIRD PERSON's POV

Habang kumakain si Ryan kasama ang kanyang pamilya ay may dumating na isang katulong bitbit ang telepono.

"Sir Ryan, telepono po" Inabot naman ng katulang ang telepono kay Ryan.

Kinuha naman ito ni Ryan, "Excuse me po, I'll just take this call" paalam niya sa mga magulang niya at tumayo ito

"Hello. Sino 'to?"

(R-Ryan, this is your Tita Eliza. Nathan is in the hospital right now, a car accident. We're here in St. Francis Hospital. Pakitawagan na rin yung iba niyong mga kaibigan. Salamat)

Pagkababa ng telepono ay hindi kaagad nakakibo si Ryan.

Dali-daling tinawagan ni Ryan ang mga kaibigan nito at sinabing pupunta na sila ng hospital pero hindi niya ma-contact si Cassy.

Agad na nagpaalam siya sa mga magulang at dumiretso sa hospital kung saan naro-roon si Nathan.

*

Kasulukuyang nagbabasa ng libro si Kristine nang tumunog ang cellphone niya.

"Yes? Hello?"

(Kr-Kristine, this is Cassy's Mom. Please, come here at St. Francis Hospital)

"Ba-Bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari? Si Cassy? Is she alright?"

(I will tell you later.)

"Okay po tita, pupunta na po ako"

Napaiyak si Kristine pagkatapos ng tawag. Maraming tanong ang nasa kanyang isipan.

Nagmadali siyang magbihis para makapunta na sa hospital.

Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kwarto niya nang biglang tumunog ulit ang cellphone niya.

Ryan calling...

"Hello Ry?"

(Tine, Nathan is in the hospital right now, naaksidente siya. He's in St. Francis Hospital. Pupunta na ako do'n. I'll wait for you there. I love you.)

Nang matapos na ang tawag ay natulala nalang si Kristine sa nalaman.

Kung si Cassy ay nasa St. Francis Hospital at gayun din si Nathan, so it means—- nasa isip ni Kristine.

Dali-dali siyang bumaba at nagpahatid sa St. Francis Hospital.

Pagkarating niya sa hospital ay dumiretso agad si Kristine sa ICU. Nandun na ang mga magulang ni Natahan at sina Ryan, Jack, Alvin, Kent, Mitch, Loraine, Sofie, and obviously wala si Cassy. Lumapit siya kay Ryan at niyakap siya nito.

"Anong nangyari?" tanong ni Kristine sa mga kaibigan na halatang nag-aalala kay Nathan.

"Nawalan daw ng preno ang kotse kaya nabangga" pagkwento naman ni Ryan.

"May kasama ba siya? "

"Wala. Siya lang daw ang nandun"

"Wait. Where's Cassy?" pagtatakang tanong ni Sofie.

"Hindi ko siya ma-contact " sagot naman ni Ryan.

Nang maala ni Kristine na nasa St. Francis Hospital din si Cassy ay nagpaalam siya sa mga kaibigan nito.

"Bibili na muna ako ng pagkain. Babalik rin ako kaagad" paalam niya dito

"Samahan na kita" pag-aalok ni Ryan.

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon