Chapter 21

4.8K 85 0
                                    

A/N: sorry guys for the late update naging busy kasi ako sa school :)

Please Read ;)







---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Love teams


CASSY's POV

Nandito kami ngayon sa classroom, sobrang busy kasi the day after tomorrow na ang Intrams pagkatapos nun ang Mr. and Ms. AGFA kaya napakahassle. Hinati nga kami sa paggawa ng susuotin nila Jack at Mitch at sa paggawa ng booth namin. Syempre kaming mga best friends ni Mitch ay dito sa paggawa ng mga damit. We're so happy for her dahil alam naming dream niya maging model.

"Gurl, kamusta naman ang ating love life ngayon?" tanong sa akin ni Sofie out of the blue na nagcu-cut ng cellophane

"Ewan" sabi ko habang naglalagay ng cellophanes sa gown. Totoo naman eh hindi ko alam hindi nga yun nanliligaw.

"Anong ewan?" tanong naman ni Loraine na naglalagay ng crumpled newspapers sa isa pang damit na susuotin ni Mitch, unfortunately tatlo ang susuotin nila. For production and introduction number, for the talent, and for the Q&A.

"Hindi ko alam" walang buhay kong sagot. Kami lang palang tatlo dito dahil syempre si Mitch, nagpa-practice at si Kristine naman busy sa pagle-lead, president eh.

"Hi Cassy" kinabahan na naman ako. Alam ko na kung sino yun, sino pa bang nagpapatibok ng puso ko? No other than Mr. Nathan John Folker

"Anong ginagawa mo rito? Diba dapat nag-aayos ka ng booth?" sabi ko sa kanya na nagdidikit parin ng cellophanes sa gown.

"Galing akong canteen kaya binilhan na rin kita ng tubig. Ito oh" sabay bigay ng tubig sa akin at biglang tumakbo palabas. Hindi lang man ako nakapagpasalamat sa kanya. Ang sweet.

"Kyaaaaaa" tili naman ng dalawa. Sino pa ba? Edi sina Sofie at Loraine, ngumiti nalang ako. Kinikilig din kasi ako.

"Hi Cassy" sabi ni Loraine kay Sofie na ginaya si Nathan. Talagang nagboses lalake pa ha.

"Anong ginagawa mo rito? Diba dapat nag-aayos ka ng booth?" sabay ngiti naman ni Sofie na ginagaya ako. Ngumiti ba ako?

"Ngumiti ba ako?" ay ano ba yan nasa isip ko lang yun ah

"OO" sabay nilang sabi. Hala! ngumiti ako? Nakakahiya

"Galing akong canteen kaya binilhan na rin kita ng tubig. Ito oh" sabay abot ng newspaper ni Loraine kay Sofie. Gayang-gaya talaga ha.

"Ewan ko sa inyo" natatawa kong sabi sa kanila.


---
NATHAN's POV

"Oh bro, asan ka galing?" tanong sa akin ni Kent. Kararating ko lang dito sa may booth galing sa classroom

"Binigyan ko lang ng tubig si Cassy" sabi ko na hinahabol pa ang hininga ko.

"Eh bakit ka kasi tumakbo? Pwede mo lang namang lakarin?" sabat naman ni Alvin na kumukuha ng mga bato

"Iba na yan Nathan ha" tukso sa akin ni Ryan na kumakain lang

"Heh! Anong iba? Syempre kailangan maging sweet" sabi ko. Nah! Hinding-hindi ako maiinlove kay Cassy.

"Sabi mo eh" sabay kagat ng buger niya

"Maiba tayo, kailan mo ba siya balak ligawan ha?" tanong naman ni Jack na nagpapaypay. Oo nga noh! Kailan kaya? Ewan ko ba

"Ewan. Before siguro matapos ang school year para wala ng masyadong issue" Tama nga! Before the end of school year nalang. Ang dami kasing chismosa diyan

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon