Chapter 30

4.1K 74 3
                                    

A/N: thank you so much for reading guys :). eto na ang chapter 30 hope you like it :D











_______________________________________________________________________________



Mall


---
JACK's POV

Everything is okay except the issue between Nathan and Cassy.

Andito kami ngayon sa kwarto ni Nathan, ginagamot ang mga sugat niya. Binugbog daw kasi siya ng mga tambay diyan sa kanto. Karma na siguro yun sa ginawa niya kay Cassy.


---
CASSY's POV

Andito ako ngayon sa kitchen kumakain ng ice cream. You know na pampawala ng sama ng loob. Langyang Nathan na yun! Hindi pa rin nawawala ang sakit dito sa puso ko eh huhuhuhu!!! Ayan na naman! Umiiyak na naman ako. Bakit ko ba siya iniiyakan? Kung hindi naman worth it 'tong mga luha ko sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko "Tama! You're not worth it! Pare-pareho lang kayong manloloko at sinungaling! Hinding-hinding-hindi na talaga ako magmamahal ulit!!!"

Pagkatapos kong magdrama ay inayos ko ang sarili ko at aaky---

"CASSY" nang marinig kong may sumigaw sa pangalan ko.

Paglingon ko, nakita ko silang apat na nag-uunahan makapunta sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanila. Summer ngayon syempre baka magbakasyon sila or what.

"Hehehe" mga loka-loka talaga 'tong mga kaibigan ko oh. Tinawanan lang ba ako.

Nabigla ako ng higitin nila ako papunta sa taas. They dragged me in my room. So what they'll gonna do?

"Magbihis ka" utos ni Kristine sa akin habang nakaupo sa kama ko habang si Mitch ay hinahalungkat ang closet ko, sina Loraine at Sofie naman ay may nilabas na mga make-up. Make-up?

"Hoy hoy hoy! Anong ginagawa niyo ha?" tanong ko sa kanila habang nilalapitan sila. Kung makaasta akala bahay nila 'to eh noh?

"We're having a date" masayang sabi ni Sofie.

"DATE???" napasigaw tuloy ako dahil sa sinabi niya. Ako? Magde-date? No way!

"Hoy! Kung makapagreact ka diyan! Hindi 'to date as in girl at saka boy noh. Date natin 'to dahil masyado tayong naging busy sa school" paliwanag ni Mitch na may dalang halter dress na kulay blue. Kaya pala bihis na bihis sila.

Akala ko talaga date talaga. Eh kasi naman 'tong si Sofie hindi pa kinlaro.

"Oh magbihis ka na" sabay tulak sa akin ni Mitch papunta sa CR at ibinigay niya ang dress sa akin. Pumasok naman kaagad ako ng CR.

Paglabas ko ay pinaupo ako kaagad nila Sofie at Loraine sa harap ng salamin at may mga nilagay sa mukha ko.

After 1 hour...

"Perfect" at nag-apir pa sina Sofie at Loraine. Kinulot nila sa dulo ang buhok ko at light make-up.

"Oh tayo na" sabi ni Kristine at nauna ng maglakad.

Sumunod naman kami sa kanya at lumabas na ng bahay.

"Asan ang kotse?" tanong ko sa kanila.

"Wala. Magko-commute tayo para masaya" sabi ni Loraine. Ah okay, hindi naman kami maarte kahit mayayaman kami noh.

Pumara ng ng taxi si Mitch "Oh tayo na girls" masayang sabi niya at pumasok na sa front seat kasama si Kristine.

"Asan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Mall" matipid na sagot ni Kristine at binalik na ang tingin sa cellphone niya. Nabigla ako ng dahan-dahang tinignan ni Mitch ang cellphone ni Kristine at tumingin sa amin sabay kindat.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko.

Binuksan ko agad kung sino yung nagtxt.

From: Mitch

Gurls, alam niyo bang kinikilig 'tong si Ms. Smarty? Hindi niya lang pinapahalata sa atin. At katext niya pa si Ryan hihihi 🥰 Quiet lang kayo!

Pagkabasa ko sa text ni Mitch ay tumingin ako kay Kristine na halatang pinipigilan ang pagngiti. Tinignan ko naman sina Sofie at Loraine at ngumingiti rin ng nakakaloko.

"Andito na po tayo mga ma'am" sabi nung taxi driver. Binayaran naman ni Kristine ang taxi pagkatapos ay lumabas na kami.

Pagpasok namin mg mall lahat sila nakatingin sa amin. Syempre we're beautiful hahaha, just kidding.

Unang pinuntahan namin ay ang sinehan. We watched Talk back and you're dead. Nakakiyak nga yung huli eh kasi nabulag si Top at ito namang mga kaibigan ko ay hindi napigilan ang mga luha kaya umiyak nang umiyak sa loob mg sinehan.

Pagkatapos naming manood ay nagshopping lang kami. Namili ng mga dress, shoes, etc. Ganyan kami kapag nagbo-bonding. And after buying clothes ay pumunta kami sa isang fast food chain.

"Kanina ka pa jan, Kristine ha?" loka-loka talaga 'tong si Mitch, tinanong pa niya si Kristine eh alam naman niya.

"Tss" yun lang ang sagot ni Kristine at kumain na.

Nag-usap usap lang kami, we--they're talking about their lovelife. Tss! Wala naman akong pake diyan eh kaya tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Honestly, hindi ako galit kina Jack, Kent, Alvin at Ryan it's just that---i don't know.

Kinikilig pa nga sila e, eh ako naman itong bitter sinabihan kong maghihiwalay lang din sila. I guess, I'm back for being a man hater.

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon