Chapter 19

4.6K 88 1
                                    

Jealous


CASSY's POV

It's been two weeks since nung nagdate kami ni Nathan. Parati niya akong hinahatid sundo pero hindi sya nanliligaw. At sa loob ng dalawang linggo ay close na kami ng mga barkada niya at sabay-sabay kaming kumakain kapag break at lunch time. Kagaya nga ngayon andito kami sa canteen, lunch time.

"Hoy slave, ibili mo nga ako ng pagkain. Eto listahan oh" sabi ni Kristine kay Ryan at may inabot na maliit na papel na may nakasulat na pagkaing pinapabili ni Kristine kay Ryan. Kawawa naman 'tong si Ryan, palaging inaalila ng master niya

"Opo master" at umalis na siya pero hindi pa siya nakakalayo eh bumalik ulit

"Bakit ka bumalik slave? Anong kailangan mo?" taas kilay na tanong ni Kristine kay Ryan. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan, akalain mong ang isang playboy ay naging slave. Natatawa nalang ako sa kabaliwan nila.

"Pera niyo po master?" sabay lahad ng kamay ni Ryan

"Anong pera ko? Pera mo kamo, sino bang amo dito?" kawawa naman si sla-- este Ryan pala. Baka mamulubi siya niyan sa pinapagawa ng master niya baka wala ng pandate yan mamaya. Natawa naman ako sa naisip ko.

"Uy, ba't tumatawa ka diyan?" Tanong Nathan na nasa tabi ko

"Nakakatuwa lang pagmasdan ang mag-among yan oh" sabay turo ky Kristine at Ryan habang nakangiti

"Oo nga. Baka magkainlove-an yang dalawang yan" sabi niya na ngumingiti-ngiti. Ang gwapo niya talaga noh! Ay ano ba yan Cassy, ang landi landi mo! Erase erase!

"Oo nga eh" sabi ko kay Nathan. Hindi ko kayang tignan siya kasi naiilang pa rin ako kaya sa pagkain ko nalang ako tumitingin

"Eh ikaw? Kailan ka pa kaya maiinlove sa akin?" tanong niya all of a sudden. Kung alam mo lang, matagal na akong nahuhulog sayo. Ngumiti nalang ako sa kanya

"But mast--" sabi ni Ryan pero hindi natapos ang sasabihin niya sana kasi sinigawan siya ni Kristine

"Leche ka! No buts! Go!" hala! anong nakain ni Kristine at nagkakaganyan yan? Umalis nalang si Ryan at umorder na

"Ang taray mo gurl ha" say ni Sofie na nakaakbay sa kanya si Kent. Sila na ba?

"Natutuwa lang ako sa expression niya kaya inaalila ko siya, 1 month lang naman eh" sabi ni Kristine na natatawa habang nagpipindot sa cellphone niya.

"Grabe! Ang daming langgam!" say ni Mitch na pinaparinggan sina Sofie at Kent pa'no ba namang hindi lalanggamin eh nagsusubuan ang dalawa! Nakakainggit nga eh!

"Inggit ka lang" sabi ni Sofie sabay subo kay Kent. Ang sweet talaga!

"Inggit ka noh?" Takte naman 'tong si Nathan oh

"H-hindi noh" sabay subo ko

*Boogsh*

"Bro, problema mo?" tanong ni Kent kay Jack eh kasi naman itong si Jack, bigla ba namang hinampas ang table. Problema nito?

"W-wala. CR lang muna ako" sabi ni Jack at lumakad na paalis ng canteen

"Oh napaano yun si Jack? Ba't umalis?" tanong ni Ryan na kararating lang na may dala-dalang tray na puno ng pagkain

"CR lang daw" sabi naman ni Sofie

"Ah! Master, eto na inutos mo oh" sabay baba ng tray at pinagsilbihan ang kanyang master

"Una na muna ako guys ha? May gagawin pa kasi ako" sabay tayo naman ni Mitch at umalis na

---
MITCH's POV

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon