Chapter 34

3.7K 70 0
                                        

Slave


KEITH's POV

"Good morning everyone, I'm Xander Keith Tiu. Just call me Keith. I'm a transferee student. And I hope we'll all be friends."

Pagkatapos kong magpakilala ay napatingin ako sa babae na nasa dulo, I just smiled at her. I find her attractive. Napatingin naman ako sa katabi niya at parang naiinis dahil sa pagtingin ko sa katabi niya. Boyfriend niya? Sana naman hindi. Nginisihan ko siya at umupo na sa upuan ko.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiing*

Sa wakas recess na rin!

"Cassy, tayo na!" napatingin ako sa sumigaw na nasa may pinto

"Oo wait lang" napatingin naman ako sa taong lumapit dun sa sumigaw kanina. So Cassy pala name niya? Nice name.

"Una na muna kayo, pupunta pa ako ng locker" sabi naman ni Cassy sa mga kaibigan niya. Actually, andun pa nga yung lalakeng katabi niya kanina eh pero hindi naman siya sinamahan. Di siguro boyfriend niya!

"Hi" bati ko sa kanya at sinabayan na siyang maglakad papuntang locker area

Pero hindi lang man ako pinansin at dumiretso na sa locker niya

Interesting talaga 'to. Ito gusto ko eh, matapang, pa-hard to get.


---
CASSY's POV

May nagpapansin sa akin kanina pero hindi ko lang pinansin. Tss!

Papunta na ako ngayon sa canteen nang may sumabay na naman sa aking maglakad.

"What do you want?!" tanong ko sa kanya na hindi siya tinitignan.

"I'm Keith. Gusto lang kita maging kaibigan" masayang sabi niya sa akin sabay lahad ng kamay niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya "I didn't ask your name. At hindi ako nakikipagkaibigan sa mga lalake. So back off" sabay lakad ulit

"Hey Cassy. Wait" habol niya sa akin pero tumakbo na ako papasok ng canteen and thanks God at hindi na siya sumunod.

"Oh Cassy, bakit ka hinihingal?" tanong sa akin ni Loraine nang makarating na ako sa table namin

"May humahabol kasing impakto eh" sabi ko at ininom ang tubig na nasa table. Hindi ko alam kung kanino yun pero babayaran ko nalang eh sa uhaw na uhaw na ako e.

"Hoy ex! Tubig ko yan ah!" Bwisit! Sa kanya pala 'to?!

"Babayaran ko nalang" sabi ko na kumukuha ng pera sa wallet ko

"Anong akala mo sa akin? Mahirap? Hindi ko kailangan ng pera!" ang daming satsat! Psh!

"K. Thanks for the water" sabi ko sabay lakad para bumili ng pagkain

"Hoy! Ex, bayaran mo yan" habol ng magaling kong ex.

"Oh eto na nga pera oh" sabi ko sabay bigay ng pera sa kanya.

"Hindi ko nga kailangan ng pera sabi eh"

"Eh ano bang kailangan mo?" Sabi ko sa kanya ng hindi siya nililingon kasi namimili ako ng pagkain.

"Ikaw. I want you to be my slave" HUWAAAAAAAAAT??? NO FREAKING WAY!

"Anong akala mo sa akin stupid na magpapauto sayo? Over my dead body" nilingon ko siya at inirapan.

"Kung makareact 'to akala mo kung anong nakakabigla sa sinabi ko. I just want you to be my slave for A DAY. Deal?!" Tss! Nakakainis talaga 'tong lalakeng 'to.

"K fine" sabay lakad ulit papuntang table namin kasi tapos na akong bumili.

"Oh dalhin mo 'tong tray ko oh" sabay abot niya ng tray sa akin. Wow! Just wow! Ang rude niya.

Kaysa makipagbangayan pa ako sa kanya ay kinuha ko nalang at ibinagsak sa harap niya.

"Anong problema mo, ex ha?" galit na sabi niya kasi natapon yung juice sa kanya. Bwahahaha! Great!

"Ahmm..." sabi ko na kunwari'y nag-iisip "Wala naman" and I just gave him my sweetest smile.

"Arrrgh!" sabi niya sabay tayo sa upuan niya at lumabas ng canteen. Nice one, Cassy!

**

"Hoy ex! Eto munang notebook ko ang sulatan mo. Maya nalang yang sayo" Sabi niya na kinuha ang notebook ko habang nagka-copy ako. Walang modo!

"Ano ka sinuswerte?" sabi ko sa kanya at inagaw ang notebook ko sabay sulat ulit. Akala niya ha!

"Sige na puhleeeeaaase!" at nagpuppy eyes pa ha! Ew! Nakakasuka!

"Yuck! Huwag mo ngang gawin yan. Nakakasuka eh"

"Edi sulatan mo na ako"

"Ayoko nga sabi eh"

"Ano pang silbi mo bilang slave ko kung hindi mo naman ginagawa ang trabaho mo?"

"Ang dami mong satsat! Akin na nga yan!" sabi ko at kinuha ang notebook niya at sinulatan ko. Ang tamad tamad talaga ng lalakeng 'to.

"Ex, pakikuha nga ng ballpen ko sa bag"

"Ex, pakiabot nga nung notebook ko"

"Ex, pakitapon nga 'to"

"Ex, pakopya naman oh"

"Ex, paki--"

"PWEDE BA TUMIGIL KA NA NGA SA KAKAUTOS MO? NARIRINDI NA AKO SAYO EH" napatayo ako sa galit dahil palaging nang-uutos. Ano siya walang mga kamay?

"Ex, pakiabot naman nung libro oh"

"Arrrrgh!" Bwiset na lalakeng 'to binalswala lang ang pagsigaw ko. Nakakainis talaga!







_____________________________________________

A/N: Later na po ang next update :)THANKS!

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon