Chapter 17

5K 90 0
                                    

Crazy game


KRISTINE's POV

Pagkatapos ng aming mala-agent style kahapon sa pagspy kina Cassy at Nathan ay umuwi na kami kaagad. Aba! mas mahirap ang aming ginawa kaysa sa lovers na yun noh! At hindi ko talaga malilimutan ang nakita ko kahapon. Pag naiisip ko iyon naiinis ako.

*FLASHBACK*

"Wait! Si Cassy, baka makita tayo. Tago dali" sabi ni Mitch, mabuti nalang at nakita niya sila Cassy. Dali-dali naman kaming nagtago sa may malaking puno. Oh my gosh! ako'y kinikilig sa kanilang dalawa. They look like a perfect couple.

Hindi pa rin kami nakaalis dito kasi hindi pa umaalis sina Cassy at Nathan, nag-uusap pa. Hmm! ano kayang pinag-uusapan nila? Ako ang nasa hulihan kaya I'm free to search for handsome boys but instead of seeing handsome boys, nakita ko ang kaibigan ni Nathan na si Ryan na may kahalikang babae. Gross! Napansin siguro niya na may nakatingin sa kanya kaya tumigil siya and he caught me looking at them. We're just staring each other, he looks shy of what they did I just smirked at him at umalis na kami.

*END OF FLASHBACK*

Ayoko talaga sa mga lalake ang playboy eh, ang dami mong kahati.

*KINABUKASAN*

Maaga akong gumising at ginawa na ang aking daily routine. Pagkatapos ko eh bumaba na ako at nadatnan ko sila Mom and Dad pati na rin ang aking little sister na si Aubrey na kumakain. Dalawa lang kaming magkapatid, she's just 7 years old. Masaya ang family namin, every weekend ay family bonding namin kahit busy sila sa work nila ay may time pa rin sila sa amin ni Aubrey. We're lucky to have parents like them.

"Good morning Dad, Mom, and to my pretty sister, Aubrey" sabay kiss sa kanila. Ganito talaga ako, araw-araw parang hindi nauubusan ng energy

"Oh anak, andiyan ka na pala. Eat your breakfast na at sabay-sabay na tayong pumasok" sabi ni Mommy at umupo na ako.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay sumakay na kami sa kotse. Every Monday lang kaming magkakasabay-sabay kasi busy sila masyado but atleast nahahatid pa rin nila kami kahit once a week lang ang iba nga diyan hindi na halos nakikita parents nila at iniisip nilang hindi nag exsist kaya maswerte talaga kami.

"Bye Mom, Dad" sabay kiss ulit at pumasok na kami ni Aubrey, sa AGFA rin pala nag-aaral si Aubrey, grade 1 at kabilang building lang ang room nila. Separate kasi ang pre-school, elemtary, high school at college.

"Hi Ate Kristine" bati sa akin nung mukhang freshman pa.

"Hello" sabay smile ko. Oh diba sikat? ang hangin ko hahaha siguro nakilala lang nila ako kasi ako ang top 1 sa buong 11th grade senior high. Last week lang ang ranking at lahat kami pasok sa honor list.

"Good Morning Kristine"

"Good Morning" kitams? hahaha

Pumasok na ako sa classroom namin, konti palang tao and miracle! Andito si Ryan

"Good morning sweetie" sweetie tawag niya sa mga babae niya at tinawag pa talaga ako nun ah

"Don't you dare call me sweetie dahil hindi ako katulad ng mga babae mo" tinarayan ko siya at umupo na sa seat ko

"Eh sa gusto kong tawagin kang sweetie eh. Wanna have a date tonight?" sabay kindat. Gross! Date with him? Tonight? No freaking way! Hindi ako cheap noh para patulan ang isang Casanova! Ang pumapatol lang sa mga playboy ang cheap, I don't belong with them.

"No thanks. Hindi ako nakikipagdate sa mga katulad mo" sabay irap sa kanya at kinuha na ang libro sa bag para makapagbasa

"Wanna have a bet?" he said confidently. Pumunta na siya sa harapan ko at umupo sa kaharap ko na upuan

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon