Chapter 51

3.4K 74 1
                                    

A/N: Konting chapters nalang po at matatapos na po to. Thank you for supporting my story ❤❤❤

_______________________________________

CASSY's POV

"Good morning gurls" bati ko sa kanila pagkapasok ko ng classroom. Ewan ko ba kung bakit masaya ako ngayon. Yung feeling na parang ito yung one of the happiest day mo.

"Ang saya natin ah" tukso sa akin ni Mitch

Pero nginitian ko lang siya.

"Paano kaya kung mamatay ako, anong gagawin niyo?" Ewan ko ba kung bakit ko natanong yun sa kanila. Bigla nalang siyang lumabas sa bibig ko.

"Ako hahaha syempre mangingiramay" tatawang-tawang sabi ni Loraine

"Ako naman kakain ng biskwit at mangagape bwahahaha" parang baliw na sabi naman ni Sofie

"Ako ang magbabantay sa mga abuloy para naman may makuha ako pagkatapos ng libing mo hahahahaha" seriously?  kapal moks talaga 'tong si Mitch

"Ako? Wala lang." si Kristine na tumatawa na rin kasama nung tatlo. Nakakaloka talaga 'tong mga kaibigan ko, nagtatanong ako ng seryoso, sagutin ba naman ako ng kalokohan?

"Ako?" napatingin ako sa nagsalita, it's Nathan. Lumakad siya papunta sa amin, "Kapag ikaw namatay, sasama ako. Magpapakamatay din ako, ganyan kita kamahal" seryosong sabi niya at napatigil naman sa kakatawa yung apat at tinignan din ng seryoso si Nathan.

Kinabahan naman ako sa sagot niya. Paano kung magkakatotoo yung sinabi ko? Gagawin niya talaga yun? Ayoko! Ayoko siyang ma-- aish! Bakit ko ba 'to iniisip eh hindi naman ako mamamatay agad. 

"Ha-haha-hahaha" tumawa ako pero alam kong peke lang ito. "Ano ba naman kayo! Binibiro ko lang kayo sa tanong ko kanina may nabasa kasi ako tungkol doon kaya gusto ko ring malaman kung ano ang gagawin niyo pero anyway, hindi naman ako mamamatay agad kaya wag na nating isipin yun. Ok?" Ang weird talaga ngayong araw, out of nowhere natanong ko yun. Aish!

"Syempre noh. Masamang damo ka kaya" sabi ni Mitch na ikinatawa namin.

"CR lang ako" paalam ko sa kanila at tumayo na


---
KRISTINE's POV

"May kukunin lang ako sa locker. Sige " paalam ko din sa kanila.

Sinundan ko si Cassy. Kanina ko pa kasi siya nahahalata na parang may mali sa kanya. Yung biglaang pagtanong niya sa amin about death.

Nakita ko siyang naglalakad sa hallway papuntang CR. Pero bigla nalang siyang napatigil sa may locker at humawak dito. Para siyang nahihilo. Nang biglang

*buuugsh*

"CASSYYYYYYY"

*

Nandito ako ngayon sa hospital. Bigla nalang kasing nagcollapse si Cassy sa may locker area.

Kasalukuyan pa siya ngayong inoobserbahan ng doctor.

Alam kong may mali eh. Ilang beses na ba siyang nahihilo?

Napatayo ako nang bumukas ang pinto, at lumabas na si doctora

"Kumusta na po ang kaibigan ko, doc?" tanong ko kaagad. Kanina pa ako nag-iisip ng mga kung anu-ano. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Cassy.

"Can we talk?" Doctora asked.

Tumango naman ako at nag-usap kami sa office niya.

-

"Cassy" pinigilan ko ang mapaluha nang makita ko siya. Nandito na ako ngayon sa room niya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni doctora.

"Please, Tine. Huwag mong sabihin sa kanila. Ayokong mag-alala pa sila sa akin. Matagal ko nang alam na may leukemia ako, stage 2 na. Nung bata pa lang ako ay na-diagnose na rin ako sa sakit na 'to pero nalunasan naman, naka-survive ako. Ngayon, bumalik na naman. Hindi ko alam kung makaka-survive pa ba ako." niyakap ko nang mahigpit si Cassy. Ang sakit! Ang sakit malaman na yung kaibigan mo ay may dinadanas na ganitong sakit. Sabi kasi ni doctora sa akin kanina, konti lang ang mga nakaka-survive sa sakit na 'to. Wala pa kasing mabisang gamot para sa leukemia.

"Alam ba ni tita about your condition? " tanong ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya

Tumango naman siya at umiyak na naman.

"Cassy, please! Magpakatatag ka!" at napaiyak na rin ako.

"A-ayokong iwan si Mommy. Kung mawawala ako, wala na siyang kasama. Ayo-ayokong iwan si Mommy" Alam kong labis na nasasaktan ngayon si Cassy lalo na't iniisip niya na kung mawawala siya ay mag-iisa nalang ang Mommy niya. Wala akong magawa para ma lessen ang sakit na nararamdaman ni Cassy kundi ang i-comfort siya at huwag ipaalam sa iba ang sakit niya kila Nathan or our friends.

Napatingin kami sa pintuan ng magbukas ito.

"T-Tita"

"Mommy"

"Cassy anak" umiyak rin si Tita pagakakita niya sa anak niya.

"How are you, Cassy?"

"I'm okay, Mom"

Lumabas nalang ako para makapag-usap silang mag-ina.

Bumalik na ako ng AGFA na nakatulala. I really can't believe it's happening to Cassy. Matagal na kaming magkaibigan since mga bata pa lang pero bakit hindi namin alam na na-diagnose pala siya ng leukemia?

"Asan si Cassy,gurl? Hanggang ngayon kasi wala pa siya sabi niya magC-CR lang siya" tanong agad sa akin ni Mitch.

"Hi-hindi ko alam" pagsisinungaling ko.

"Baka kung ano nang nangyari dun" alalang saad nila.

*bogsh*

Napatingin kami sa may pintuan. It's Nathan. Palapit siya sa amin,

"Nakita niyo na ba si Cassy?" pag-aalalang tanong ni Nathan

Kinuha ko ang phone ko at pinatunog ang ringtone ko para kunwari'y may tumawag

*kriiiiiiiing*

Kunwari'y sinagot ko ang tawag

"Hello Cassy... Oo... Ah ganon ba?... Sige sige... Bye"

"Oh anong sabi ni Cassy? May nangyari ba sa kanya?" si Nathan na hindi mapakali

"Relax, Nathan okay? Sinundo daw siya ng Mommy niya dahil may pupuntahan sila" I lied, AGAIN.

Napabuntong hiningia naman ito "Alam ko kung ano ng nangyari kay Cassy" sabi Nathan na kumalma na

Kung alam mo lang, Nathan. Kung alam niyo lang.

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon