Prologue

737 6 0
                                    

Prologue

"Kuya?!."

Hindi siya  lumingon sakin kaya kailangan ko na namang tumakbo para maabutan pa siya.Ang laki pa naman ng mga hakbang niya , isang hakbang niya ay kalahati lang sa hakbang ko kahit pa ang taba taba niya ay ang bilis ng niya huh.

"Kuya?!." hindi parin siya lumingon.

Nakakairita naman ang lalaking to!.Bingi ba siya o sadyang nagbibinghan lang siya.Wala naman ibang tao maliban saming dalawa kaya imposibleng akala niya iba ang tinatawag ko.

Tumigil siya sa isang kanto kaya nagkaroon ako ng time para mahabol siya.

"Kuya!." nagulat ito sa biglaang pagsulpot ko sa harapan niya.Napaatras pa siya at napahawak sa strap ng bag nito.Sinuyod pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Lumingon din siya sa likuran at baka iba ang kausap ko.Slow mo naman kuya!.

"Ikaw ang kausap ko Kuya." ani ko saka abot tenga ang ngiti.

"A-ako?."

Aws.Nahihiya si Kuya.Tumango ako saka inabot sa kaniya ang libro na nakalimutan niya kanina sa library.Ako ang nakakita kaya ako na rin ang humabol sa kaniya para isauli iyon.Ang bait ko diba?

"Nakalimutan niyo po." nag-aalangan niya iyong tinanggap.

"T-thanks."

"Welcome." hindi ko parin inaalis ang ngiti sa labi ko.Sabi kasi ni Papa lalo akong gumaganda kapag nakangiti.

"You're August right?."

Tumingin siya sakin pero agad ding nag-iwas.Kung tutuusin hindi naman siya nerd at pangit gaya ng sabi ng mga schoolmates ko.Para kasi siyang yung mga bida sa mga dramas na napapanood ko.Yung mga nerd at mataba tapos biglang na lang mawawala at babalik na ubod na ng kagwapuhan.

Kahit pa man sa makapal niyang eyeglass at pagiging mataba hindi naman siya gaano kapangit , baka kailangan lang niya ng kunting gym at ayos.

"Salamat ulit dito." nakayuko niyang sabi at saka iniwan ako.

"Kuya?!." hinabol ko ito at sumabay sa lakad niya.

"Ang hilig niyo naman po mang-iwan."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

"Lumayo ka sakin."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita ito kahit si naman sakin nakatingin.

"Bakit?."

"Just stay away."mariin niyang sabi at saka ako iniwan at nagmamadaling pumara ng jeep at sumakay na.

Grabe naman si Kuya.Ako na nga itong nagmagandang loob , siya pa ito ganang mang-iwan.Kaya siguro siya nilalayuan ng mga tao sa campus.Bukod sa ang taba taba niya ang sama ng ugali niya!.Binabawi ko na nga ang first impression ko sa kaniya.Akala ko mabait siya pero mukhang may lahi rin pala ng masama.

Kung makaasta naman siya akala mo ang gwapo gwapo hindi naman hmmp!.

Hindi ko na siya crush.Promise!

Itataga ko yan sa bato.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon