Chapter 23

72 2 0
                                    

Chapter 23 : Turning Point

Nakatulala akong nakaupo sa balcony ng kwarto ko. Kahit na malamig ang simoy ng hangin mula sa mga nagtataasang puno sa paligid nitong mansyon pakiramdam ko ay hindi parin maganda ang pakiramdam ko. Wala akong maintindihan sa mangyayari. Ilang ulit ko ngang nasampal ang sarili ko at baka nananaginip lang ako pero hindi eh. Totoong totoo talaga lahat.

Nasa bahay ngayon ako ng ama ng ina ko. My grandad.

Kahapon nga lang ay heartbroken ako muntikan pang mamatay. Kainis ang Eunice na yun!. Mabuti na nga lang din at nakita ako ng pinasubaybay na tao ni Lolo. Siya nga rin daw iyong nagpunta sa bahay para magtanong kaso nasa Siargao kami noon. Sabi kasi niya ay mula nang makauwi na ako sa Pilipinas ay may mga tao na itong ni-hire para bantayan ako sa anumang oras dahil nga ako lang ang tagapagmana niya. Wala na daw kasi ito ibang anak o apo o anumang kadugo.

Hindi ko parin nagsi-sink in sakin lahat. Kahapon lang masyadong magulo ang buhay ko tapos masasagasaan ako at gigising na apo ako ng isang Don. Wow! Ang exciting ng life ko.

Kumusta na kaya si Axel?

Diba? After all what happen , nag-aalala parin ako sa kaniya. Kakainis! Ba't pa ang hirap mag-move on. Sana na-amnesia na lang ako nung mabangga ako para pagkatapos wala na lahat ng mga bad memories.

"Ma'am?." agad akong nagpunas ng mga luhang hindi na maubos-ubos.

"Yeah." nilingon ko si Manang Cath na kakapasok lamang.

"Naghanda po ako ng meryenda niyo." aniya saka nilapag ang dalang mga pagkain.

"Salamat." binalik ko ang tanaw sa mga mayayabong na kahoy sa paligid. Out of the city ang bahay. Maraming kahoy ang nasa paligid. Refreshing.

"Dadating nga pala si Doctor Himinez mamaya para i-check kayo." tumango lang ako.

"Okay lang po ba kayo? Nag-aalangan po ba kayo sa sinabi ni Sir?." mabilis akong umiling.

"Hindi. May iniisip lang ako."

"Yung anak po ba ni Oliver Alarcon? Axel ata?." napalingon ako sa kaniya.

"Kilala niyo siya?." ngumiti ito at naupo sa kabilang upuan.

"Oo naman po. Wala na po atang nangyayari sa buhay niyo na hindi alam ng Lolo niyo."

Siguro nga. Sabi niya ay halos lahat ng galaw ko ay pinapababantayan niya kaya siguro nga ay alam na talaga niya ang tungkol roon.

"Opo. Iniisip ko kung paano siya kalimutan." I fake a smile.

"Naku ma'am. Mas okay pa kaya kayo kaysa sa Eunice na yun. Balita ko ay siya raw ang napabunggo sayo."

"Kung alam mo lang Manang ilang beses na niya akong inaway."

" Maldita nga talaga iyon."

Masaya naman ako sa na nagkaroon ako ng kausap. Kahit papaano ay mas gumaan ang loob ko na may mapapagsabihan ako. Kahit bago pa lang ako sa bahay na ito ay ramdam na ramdam ko na magpapagkatiwalaan ko ang mga tao rito.

Kahit papaano , sa kabila ng mga masasamang nangyayari sa buhay ko ay may mga magaganda pa palang naitabi si God sakin. Thanks to him.

"Ma'am. Ito na nga pala iyong phone mo. Nabasag ang screen pero napa-ayos na po namin." tinanggap ko ang inilahad na phone ni Manang Cath.

"Salamat po."

Pagkabukas ko ay tadtas ng miss call mula kay Ash. Halos isang araw na rin pala akong hindi nakauwi at malamang ay nag-aalala na ito sa akin.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon