Chapter 18

80 1 0
                                    

Chapter 18 : I am all yours

"Zero!!."

Si Zero agad ang hinanap ko pagkarating namin. Tatlong araw kaming wala kaya mukhang nalulungkot ito. Kahit pa man sabi ni Axel ay pinapunta niya si Owen rito pata pakainin siya. Ito na rin kasi ang naging kasangga ko rito sa bahay kapag wala akong kasama. At least hindi masyadong lonely ang bahay kapag nandito ito.

"Maybe he's asleep." ani Axel at naupo sa sofa.

Iniwan ko ito at saka nagtungo sa taas. Hindi ko na pinuntahan ang kwarto ko dahil naka-lock iyon at imposibleng makapasok siya at mas madalas tambayan nito ang kwarto ni Axel kaya iniwan na lang niya itong bukas pero secure na raw ang mga gamit nito nang hindi na maulit ang pagkasira ng mga files nito. Mabuti na lang din at baka ako na naman ang gagawa ng trabaho.

Nadismaya ako ng makita wala rin si Zero sa kwarto ni Axel maging sa ibang nakabukas na kwarto at sa dalawang palapag.

"Wala si Zero sa taas." ani ko pababa ng hagdan pero wala na si Axel sa sofa.

Namataan ko ito sa labas sa tabi ng pool.Nagmamadali akong lumabas nang makitang may tinitingnan ito at baka si Zero din.

"Wala si Zero sa taas." ani ko nang makalapit rito.

"Eris?."

"Bakit?."

Humarap ito sakin at bakas ang matinding pag-aalala sa mukha.

"Why?Anything wrong?."

Hindi niya ako sumagot at sumulyap sa likuran nito na sinundan ko rin naman ng tingin.Unang tumambad sa mga mata ko ang buntot ni Zero.

"Zero!!."

Napatigil ako sa akmang paglapit rito ng makita ko ang kabuuan nito.

Napako ako sa kinatatayuan habang inaaninag kung tama ba ang nakikita ko.Kinusot ko pa ang mga mata ko para masiguro pero totoo ang nasa harap ko.

It was Zero in lying in a pool of blood.

"A-axel?."

Mabilis niyang kinalong ang mukha.

"It's okay.Hindi yan totoo." muli akong napasulyap kay Zero.

"Pero." hindi ko maiwasang maiyak.

"Sshhh.It alright , Zero is fine." aniya saka binuhat si Zero.

"Anong nangyari sa kaniya?."

"Mukhang pinatulog lang siya. It not a real blood." sabi nito sakin at inilublob sa tubig si Zero na walang malay. Nawala naman ang pulang likido na nakakapit rito but it look like a real blood.

Napatingin naman ako sa puting papel na nandoon malapit sa kinahihigaan ni Zero.Pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat.

Warning pa lang yan.

Nanginig ang mga tuhod ko sa kaba.Hindi na maganda ang nangyayari.

Hindi ko na alam kung paano ako nakapasok sa bahay at nakaupo sa sofa.Natauhan lang ako nang gumalaw si Zero na kalong kalong ko.Mahina parin ang katawan nito dahil sa tinurok sa kaniya.Si Axel naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga pulis na ine-inspeksyong ang cctv.

"Hindi ka ba nagugutom?." umiling ako at nanatiling hinahaplos si Zero.

"Mag alas-dos na ng hapon. Wala ka pang kain."

"Hindi naman ako nagugutom."

Ang totoo noon gutom na talaga ako. Pero ayokong tumayo at iwanan si Zero dahil pakiramdam ko may mangyayari na namang masama. I felt  scared for Zero. For Axel. For myself. For us.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon