Chapter 6

99 2 0
                                    

Chapter 6

‘ Sungit : The Nickname ’

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi.Naninabago kasi ata ako sa bahay na ito kaya kahit antok na antok ako ay di ako makatulog.Maaga rin ako nagising , hindi pa nga sumisilang ang araw.May laman naman ang walk-in closet na nandito at lahat pambabae kaya baka sakin.Iyon na rin ang ginamit kung pampalit.Sobrang sakit pa ng paa ko dahil sa heels.

Maaga akong naligo at bumaba.Tahimik pa nga sa baba baka natutulog pa iyon.

Nagtungo ako sa kusina and it didn't forget to amuse me.Sobrang linis noon at malaki rin , kumpleto din ng gamit.

Binuksan ko ang ref at tiningnan kung anong naroon.Wala naman akong balak magluto kaya kumuha lang ako ng cereals at fresh milk saka naupo sa dining table.Palipat lipat pa ang tingin ko sa lahat ng sulok habang kumakain.

Sobrang tahimik ng bahay ni huni kuliglig wala.Nakakabingi ang katahimikan.

Napatingin ako sa bukana ng kusina nang makarinig ng mga yapak.Ilang saglit pa ay pumasok sa kusina si Axel.Nakasuot ito ng t-shirt at short.Mukhang kakaligo lang dahil basa ang buhok nito.Hindi naman niya ako napansin sa kinauupuan ko.White rin kasi ang t-shirt ko kaya parang nag camouflage sa loob.Na halos puti at gray lang.Kung may ibang kulay light din.Dumeretso rin ito sa ref at kumuha ng gatas at nagsalin ng cereal sa bowl.

Tiningnan ko lang bawat galaw nito.Nakatalikod siya sakin kaya hindi parin niya ako napapansin.Matapos niyang magsalin ng cereal sa bowl ay humarap ito sakin.

Natigilan siya at kumunot ang noo niya ng makita ako.Napalingon-lingon pa siya sa paligid.

"Morning!." bati ko saka bumalik sa pagkain.Ipinatong ko pa ang dalawang paa sa upuan.Ang taas kasi ng table nila para akong malulunod.

Nilapag niya sa table ang bowl ng cereal nito.Nakakunot parin ang noo na nakatitig sakin.Nakasimangot pa.Ano na naman kayang problema nito?Mukhang masama ang gising.

"Problema mo?." tanong ko.Mas lalong kumunot ano noo nito.

"Who are you?." napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kaniya.

"Ako?." turo ko sa sarili ko.

"Yes you!Paano ka nakapasok sa bahay ko?!Magnanakaw ka siguro no?!." tinaasan ko siya ng kilay.

"Ako?."

"May iba ba akong kausap?."

"Wala naman siguro?." alangan kung ani.

"Sino ka ba ha?!Bakit ka nandito sa bahay ko?!Sinong nagpapasok sayo?!." natawa ako sa inasta nito.

"Seriously?Hindi mo alam.Nauntog ka ba kagabi at hindi mo na maalala?Tsk , ikaw kayang nagpapasok sakin sa—

Natigilan ako sa sinasabi ko.Kung hindi niya maalala ang nangyari.Then better off I'll run away diba?Kapag sinuswerte ka nga naman.

Ningitian ko ito saka tumayo.

" Pasensya na.Mali ata yung bahay na napasok ko." ani ko saka bahagyang yumuko at naglakad na sana pero bigla naman niya akong hinarangan.

"Saan ka pupunta?."

"Aalis na po ako.Hindi ko pala bahay to , pasensya na po." muli akong yumuko.Lalakad na sana ako pero bigla niya lang akong hinila pabalik sa kinauupuan ko.

"Naalala ko na.Hindi lang ako sanay na may kasama sa bahay kaya nakalimutan ko na nandito ka pala."

"Wala kayang problema.Kahit tuluyan mo pang kalimutan walang problema sakin." nakangisi akong tugon.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon