Chapter 4

113 3 0
                                    

Chapter 4 : Mrs.Alarcon

"Good morning!." saglit kung yinakap si Ash at Jan bago naupo sa hapag kainan.

"Good morning , ate." masayang bati sakin ni Jan.

Nagsalin narin ako ng kanin sa plato ko.

"Mukhang masaya ata ang gising niyo ate." binalingan ko si Jan.May bindahi parin ito sa noo niya.Hindi naman kalakihan ang sugat.Umuwi na daw sila kagabi mula sa hospital.Nakakarindi raw roon.

Mahina akong natawa.

"Oo nga naman Eris.Hindi ka naman ganyang kagabi."

"Ang sama kasi ng panaginip ko.Nakasal daw ako sa lalaking naka-away natin sa airport.Walang hiya.Mabuti na lang panaginip lang yun." natawa ulit ako.Sumubo ako ng pagkain habang nakangiti parin.Ang weird kasi ng panaginip na yun.

"Ehem!." napalingon ako ng sabay na tumikhim ang dalawa.Kumunot ang noo ko nang makitang nakatitig sila sakin.

"B-bakit?." tanong ko habang kumakain.

"Hindi po kayo nanaginip ate." napatigil ako sa akmang pagsubo ng pagkain.

"Ha?."

"Oo nga Eris.Iyak ka pa nga ng iyak kagabi dahil diyan.Yung si—sino nga ba yun?."

" Kuya Axel  , ate."

"Yup.Yung Axel Alarcon.Hinatid ka niya kahapon , wala ka naman sa sarili mo.Siya narin ang nag-kuwento samin sa lahat ng nangyari saka hindi naman namin ipagkakalat." binaba ko ang hawak na kutsara at tinidor saka uminom ng tubig.

"Nagbibiro kayo diba?." sabay silang umiling.Umalis si Ash at kung may anong kinuha , pagkabalik niya ay may dala na itong salamin.

"Tingnan mo ang sarili mo." aniya saka hinarap sakin ang salamin.

Halos di ko makilala ang sarili ko nang makita sa salamin.Namumula pa ang mga mata ko at ang laki ng eyebags.May mga natuyo pang luha sa pisngi ko.

"Wala ka na kasing choice kundi tanggapin ang alok na maging wife niya kung ayaw mong makulong.Nagpakasal na raw kayo kahapon." nakatitig lang ako sa mukha ko sa salamin. Processing pa ang utak ko.

"Ito pa nga ang marriage contract niyo ate." inabot ni Jan sakin ang brown envelope."Iniwan po iyan rito ni Kuya Axel kasi baka maghanap po kayo."

"Mukha ka daw kasing nahimatay na nakadilat ang mata kahapon. Okay ka lang?."

"So kasal na nga ako sa lalaking yun?." sabay silang tumango.

"Your Mrs. Alarcon!." nakangiti nilang sambit.

Hindi pala talaga ako nanaginip kagabi.Totoo pala talaga iyon.Kasal na ako sa lalaking tatlong beses ko pa lang nakita.Sa lalaking napakasama ng ugali at mata-pobre.Sa lalaking ayaw na ayaw ko.

"Ang swerte mo nga ate eh.Ang yaman ni Kuya Axel."

"Aanhin ko ang yaman niya kung di ko naman siya mahal.Ayokong makasal sa taong di ko naman gusto!." padabog akong tumayo.

"Sabi naman niya tatlong taon lang daw at pwede na kayong magpa-anulled." ani Ash na pinabalik ako sa upo at sinalinan ng tubig.

"Kahit na.Ang haba ng tatlong taon saka ikaw na ng sabi na anak siya ng isang business magnate.Ano ako sa kanila?Baka gawin lang akong alipin ng mga iyon.Hindi ako makakapayag!Lilibutin ko pa ang Pilipinas at buong mundo."

"Eh kasal na kayo eh."

Sinabunutan ko ang sarili ko.Ba't nga ba ako pumayag na ikasal sa kaniya?Bakit nga ba?Bakit!!Can someone tell me why?Bakit ganito ang tadhana ko?Bakit ganya siya sakin!Wala naman akong ginagawang masama para maparusahan ng ganito.Why!Bakit!Tiens!.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon