Chapter 21 : Stay Away
Ilang minuto na akong nakatitig sa mukha ni Axel. Sinasamantala ko na ang pagkakataon na natutulog ito o baka naman nagpapanggap lang na tulog. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya kagabi.
I love you
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa sinabi niya. Hindi naman siya nagmumukhang nagbibiro.
"What's my little sweet wife doing?." napatayo ako mula sa pagkakaupo sa tabi niya.
"Gigisingin ka sana?."
"Yeah. But you were supposed to do your wake up way routine."
"Wake up what?."
"You were supposed to kiss me yo wake me up?."
Oh that?
"Well mukhang gising ka na naman. No need for that , maligo ka na at magbihis. Late ka naman niyan."
"Honey?."
Honey? Hindi talaga ako sanay sa mga endearment eh.
"Eris na lang."
Napalingon ako rito ng marinig ang pagbutunghininga niya.
"Ano na naman ang simangot na naman yan?." taas kilay kung tanong ng makita ang nakasimangot nitong mukha.
"Wala."
"Titigil-tigilan mo ako sa pagmamaktol mo Axel , hindi ka na bata."
"Whatever."
Grabe talaga ang lalaking to. Daig pa ng limang taong gulang kung makaasta. Wala naman akong nagawa kung hindi gawin ang gusto niya. Hindi na naman kasi ito babalik sa mood kapag nagsusungit ako. Childish diba?
"Here is your kiss." ginawaran ko ito ng halik saka ginulo ang buhok nito.
"Take a bath , breakfast ready."
He give me a smile before I leave the room.
Nasasanay na ako sa bawat tagpo namin. The scenes of him being a real husband and I being a real wife. Nasasanay na ako sa lahat at natatakot ako na baka bigla isang araw bigla na lang magbago at hindi ko kakayanin ang pagbabago na iyon.
"Susunduin ka ni Owen mamaya. You still need to train kaya pupunta ka muna kina S. Hindi mo narin kailangang mag-aalala. They will take good care of you just tell me of they didn't."
"I'll handle." He kissed me before leaving. A normal morning scene.
Hindi ko na maiwasang mapangiti.
***
"How is it going?." kumawala ako ng isa pang suntok sa punching bag. Mas malakas kaysa sa mga nauna kung suntok.
"Ayos lang naman." baling ko kay Owen at saka tinanggal ang gloves sa kamay ko at ininom ang inabot nitong tubig.
As usual nandito na naman kami sa action school/boxing gym kung ano ba ang lugar na ito. Gaya ng sinabi ni Axel ay sinundo ako ni Owen at sinamahan rito. Siya narin ang nagturo sakin na sana ay si S pero wala daw kasi may ginagawa. Madali naman akong natututo sa lahat ng mga tinuturo nitong self defense techniques.
Umupo ako habang pinagmamasdan ito na ngayon naman ang siyang sumusuntok sa punching bag.
"Magkasama ba kayo ni Axel rito?."
"Yeah.Pero mas nauna siyang pumasok rito kaysa sakin."
Napatango ako. Mas kumplikado nga sa inaakala ko ang nakaraan nito.
BINABASA MO ANG
The Marriage Deal
RomanceDestiny has been not so cruel with Eris not until she was pushed to the walls with no choice but to enter a deal. Will they be able to survive in this marriage deal or one of them will fall? [Cover Image sourced from Pinterest]