Chapter 2 : Hindi ko sinasadya
Pinagmasdan ko lang si Jan na nakahiga sa hospital bed.Nailipat na siya sa isang private room pagkatapos magamot ang sugat niya sa ulo.Sa kabutihang palad wala namang daw masyadong malala na nangyari.
Ayaw pa nga sana ni Ash na sa private room siya but I insist , ako na rin ang sasagot sa bayarin.Ayokong umasa sa babaeng iyon.Hindi namin kailangan ang pera nila.Mahimbing naring nakatulog si Ash.Nakaupo sa stool habang nakasandal ang ulo sa kama ni Jan.
It must be hard for her to see Jan in blood.Ayaw niyang pati ang kapatid niya ay mawala sa kaniya.Ramdam na ramdam ko ang takot sa mukha niya sa mga oras na iyon.Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa.Wala siyang ibang ginawa kundi bantayan si Jan hanggang sa makatulog siya.Mag-uumaga na rin , kumukulo na ang tiyan ko , wala na rin akong tamang pagkain dahil hindi ko naman maiwan si Ash at baka ano pang gawin kapag wala ako.
Binilin ko muna sa nurse si Jan at lumabas para bumili ng makakain namin.Sabi ng doktor baka magising na rin si Jan ngayong araw.
Nakalabas na ako ng hospital ng tumunog ang phone ko.Si Klara ang tumatawag , malamang ay nabalitaan na niya ang nangyari.
"Hello."
"Naaksidente raw si Jan?.Kumusta na siya?.Si Ash?Asang hospital ba kayo , pupunta ako.Hindi kasi ako pinayagan ni Karl kagabi dahil gabi na raw."
Damang dama ko ang kaba nito.
"Calm down.Magkatulad kayo ni Ash , ang panic niyo.Okay naman si Jan , may ilang sugat at galos lang na natamo."
"Si Ash , alam mo naman ang isang yun ayaw na ayaw niya na may mangyari sa kapatid niya."
"Nakatulog na.Wala pa ngang kain dahil sa pag-aalala."
"O siya , pupuntahan ko na kayo riyan.Welcome back nga pala!Nakalimutan ko."
Natawa ako nang mahina.Matapos kung maibigay ang address ng hospital ay nagbaba na ako para bumili ng makakain.Mabuti na lang din at may kalapit naman fast food chain sa hospital.Hindi ko na kailangang bumiyahe.Bumili na rin ako ng kape , papagising.Wala parin kasi akong tulog simula kanina.
Sumaglit din ako sa isang bangko para mag-withdraw.Atm ko lang kasi ang dala ko , ubos na rin ang cash na dinala ko pambayad sa binili kong pagkain.
Papasok na ako sa hospital nang masulyapan ko iyong lalaki na nakita namin sa airport.Iyong nakakakilala sakin.Mukhang hindi kami matatantanan ng mga taong to ah.
"Miss Eris!." hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy sa loob pero sumunod naman ang loko.
"Miss Eris?!." napatingin sakin ang mga tao sa sigaw niya.
"What?!." irita ko siyang hinarap."Ano na naman bang kailangan niyo?!."
"Kalma lang.Nabalitaan ko kasing anak ng kaibigan mo ang nabangga ni Eunice."
"Eunice?." taka kung tanong.Wala akong kilalang Eunice.
"Yung kasama naming babae sa airport."
"Ah that girl who almost killed Jan." Eunice pala ang pangalan niya.
"I'm sorry for that may pagka-bitchy attitude lang talaga siya."
"Hindi may pagka , bitch talaga siya." napatango lang ito."Why are you here?."
Napakamot siya ng ulo.
"Pinapapunta kasi ako ni Dad para ayusin ang nangyari."
"Ka-ano ano ka ba niya?."
BINABASA MO ANG
The Marriage Deal
RomanceDestiny has been not so cruel with Eris not until she was pushed to the walls with no choice but to enter a deal. Will they be able to survive in this marriage deal or one of them will fall? [Cover Image sourced from Pinterest]