Chapter 22

80 3 0
                                    

Chapter 22 : Heiress

Lumipas ang mga araw. Nanatili ako sa bahay. Kalat na sa balita ang nangyaring pagbabaril sa bahay ni Axel. Wala namang nasaktan sa amin maliban na lang kay Zero.

Hindi parin mawala sa puso ko ang mabigat na damdamin lalo na kapag bumabalik na naman sa isip ko ang duguan katawan ni Zero. Paano na lang kung naroon ang isa sa amin? Ganun rin ba ang sasapitin namin? Maybe.

Nag-iimbestiga na ang mga pulisya tungkol sa nangyari ngunit nanatiling tahimik ang kampo nina Axel. Hindi sila lumalabas sa medya at tanging mga tagapagsalita na lang nila ay nakikipag-usap rito. Wala rin naman akong kailangang ipag-alala dahil hindi naman al ng publiko na asawa ako ni Axel.

Speaking of him. Hindi ko narin ito nakakausap pagkatapos kung maka-alis sa bahay nito. Ni tawag or text ay wala akong natanggap. Hindi naman siya nagrereply sa mga text at sumasagot sa tawag ko. Wala ring alam si Owen sa mga ginagawa nito. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko na lang ginawa dahil alam kung madagdagan lang ang iisipin niya.

As far as I wish. I want to help him and not to mess. Paminsan-minsan na rin lang ang dalaw ni Owen sa amin kaya wala akong masyadong nababalitaan tungkol kay Axel. Higit isang linggo na ang lumipas.

"Hindi ka pa kakain?." sinulyapan ko si Ash na kakapasok lang sa kwarto.

"Hindi pa ako nagugutom."

"Anong hindi?!." nabigla ako sa sigaw nito. " Wala ka ngang kinain kaninang umaga tapos tanghali na hindi ka parin nagugutom?!Wag mo akong pinagloloko diyan , bumangon ka na nga at kumain sa baba!." hinila niya ako pero nanatili akong nakahiga.

"Ano ba?!. Wala ka na ba talagang balak ibang gawin kung hindi magmukmok diyan?!." ramdam ko na ang irita nito pero hindi ko siya pinansin. Siya na din itong sumuko at naupo na lang sa gilid ng kama.

"Alam mo Eris. Wala naman kasing matutulong yang pagmumukmok mo diyan."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Get up and freshen up!."

"Paano kung magaya na naman ito sa nangyari samin ni August?Paano kung tuluyan nga talaga kaming magkalayo?."

"Anong magagawa mo kung iyon mangyayari. Tanggapin mo na lang na magkatulad silang lahat lalo na yang Axel at August na yan. Baka naman kaya ka pinapalayo niyan ay dahil ayaw ka na niya talaga. " tinaasan ko ito ng kilay.

"Sinasabi ko lang naman. Hindi mo naman kasi alam ang mga lalaki."

"Sa tingin mo hindi kaya siya seryoso nung sinabi niyang mahal niya ako?." tumingin ito sakin.

"Gaga ka. Paano ko naman malalaman? Ikaw nga yung sinabihan eh."

I sigh. Hindi ko rin alam. Paano kung hindi pala talaga totoo iyon? Lahat ng sinasabi niya.

"Bumaba ka na at kumain." huli niyang sabi at lumabas na.

Naiwan naman akong naguguluhan na naman sa nangyayari. Tama nga kayang hindi totoong mahal ako ni Axel? Dahil kung totoo , hindi naman siguro niya matitiis na magkalayo kami sa isa't isa pero hanggang ngayon ay hindi siya nagpaparamdam sakin. Ni anino wala.

Mabilis akong bumangon at saka nagbihis. Hindi ko kayang maghintay at mabaliw sa kakaisip kung ano ang totoo. Kailangan ko siyang maka-usap.

Pupuntahan ko siya.

"Saan ka pupunta?." habol sakin ni Ash sa labas.

"Kakausapin ko si Axel." marahas niya akong hinila.

"Nababaliw ka na ba? Bilin niyang dito ka lang hangga't hindi siya ang susundo sayo."

"But I can't just sit in here and go crazy with all the thoughts running in mind. Gusto kong masiguro ang nangyayari."

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon