Chapter 19

61 2 0
                                    

Chapter 19 : Jealous

"Axel!!."

"Hmm?." He just groan and buried his face with the pillow.

"Axel!!."

"Bakit?." nanatili siyang nakapikit.

"Bumangon ka na. Mataas na ang sikat ng araw."

"Ano naman?." walang lakas niyang tanong.

"Gumising ka na kasi!! Ang tamad tamad mong bumangon kaya ka nauunahan sa kompaniya mo!!." napamulat ito sa sigaw ko. Sa lakas ba naman nun paniguradong gising pati kaloob looban niya.

"Kailangan ba talagang sumigaw?." malamya niyang tanong at naupo.

"Bingi ka kasi!.Bumangon ka na nga diyan!." nauna na akong lumabas ng kwarto at mabuti naman at agad siyang sumunod.

"Morning kiss ko?." napatigil ako mula sa pagbaba sa hagdan.

"Morning kiss ko." ulit nito saka nag-pout at pinikit ang mata niya.

"Ang aga aga nasisira ang tanawin." biro ko at iniwan siya roon.

Inabot siya ng halos sampung minuto bago pumasok sa kusina. Pagkapasok niya ay nakabihis na ito well hindi pa pala. Bitbit ba kasi niya ang tie nito at coat hindi parin naayos ang polo.

"Naturingan kang anak ng business man , parang ka namang pulubi."

"Tsk. Ang gwapo ko para sa isang pulubi. Pwedeng pakitulong?."

Inilahad niya sakin ang necktie nito.

"Sa pagkaka-alam ko alam mo naman kung paano magsuot niyan."

"Nalimutan ko kasi."

"Wow. May amnesia ka ngayon."

"Wala naman. Nakita kasi kita kaya nawala lahat ng laman ng isip ko."

Natawa ako sa sinabi nito. Hindi naman dahil sa corny , nakakakilig lang.

"Tinatawanan mo na naman ako." sumimangot ang mukha nito.

Bago pa ito mag-walk out ay kinuha ko na ang tie at sinuot sa kaniya.

"I'm not laughing at you Mr. Alarcon. Sadyang nakakatawa lang na marunong ka nang mga ganyan. Kung ganyan na ganyan ka ng una tayong nagkita malay mo." nag-angat ako ng tingin para sa magtagpo ang mga mata namin.

"Malay mo what?." tanong niya ng nanatili akong tahimik.

"Wala. Kain ka na." yaya ko sa kaniya.

Hindi narin ito nag-aksaya ng panahon at mabilis na kumain nang makitang late na ito.

"Call me if something happens." bilin niya habang nagsusuot ng coat. "May lakad ka ba ngayon?." dagdag niya.

"Dadalhin ko siguro sa clinic si Zero. Ipapatingin ko."

"Okay. Pasasamahan na lang kita kay Owen. "

"But—

"No buts." He cut my words. "Be safe.' dagdag pa niya bago ako hinalikan at sumakay sa kotse nito.

***

" Kamusta raw si Zero?." bungad sakin ni Owen pagkalabas ko sa clinic ng veterinarian na pinuntahan ko.

"Maayos naman daw. Kailangan lang ng dagdag na pahinga."

"Wag kang mag-aalala. Nag-iimbestiga na naman ang mga private investigator ni Axel. Sooner malalaman rin natin ang lahat."

"How about Eunice?." saglit itong napatingin sakin.

"Nasa Cebu siya sa huling pagkaka-alam ko. Sinabihan ko narin kasi siyang lumayo na sa inyo , tumango naman siya at nagpokus sa pag-travel. Mas makakatulong na siguro iyon sa kaniya."

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon