Chapter 15

90 2 0
                                    

Chapter 15 : Kiss

Kitang kita mula sa itaas ang full view ng kinatatayuan ng hotel.Nakailang ikot na ang helicopter na sinasakyan namin.Katabi ko ang CEO for Outside Management ng Hotel namin all the way from New York pa ito.

Pagkatapos ng huling ikot at lumapag narin kami at gumawa ng inspeksyon sa buong hotel.Natapos na ang paggawa ng huling palapag kahapon at may iilan na lang mga trabahong tatapusin.Kapag naayos na ito ay maari nang simulan ang pagbubukas nito pagkaraan ng ilang linggo.Marami na rin nagi-invest samin.

Matapos ang paglilibot ay hindi na ako sumama sa pananghalian nila.Doon na lang ako kumain sa loob ng opisina at hinintay si Axel.Susunduin niya raw ako.Iyon ang bilin niya para masiguro niyang makaka-uwi ako ng maayos.

Ayos din kasi ang isang yun.Nagi-improve din.Bumabait at madalang na lang nagsusungit.Hindi na tuloy siya si Sungit ngayon.

Tinapos ko ang mga gawain pagkatapos kumain nang wala akong maiwan na gawain.Ilang minuto pa ay may kumatok sa pinto.

Napatingin ako sa digital clock ko.Ang bilis namang dumating ni Axel.

Inayos ko ang mga papeles saka inilagay sa bag at tinungo ang pinto.Pero sa halip na si Axel ay tumambad sakin ay isa na namang nakakabagot na mukha.

"Eunice?."

Gaya ng nakagawian niya.Nakataas kilay at galit ang mukha nito sakin.

"Why are you here?."

"Ano pa ba?Nandito ako para balaan ka.Kapag hindi ka pa lumayo kay Axel magsisisi ka sa bandang huli."

I glared at her.

"Grabe naman ang effort mo.Nagpunta ka pa talaga rito para lang diyan?."

Inirapan ko ito saka iniwan na nakatayo.

"Wag mo akong tatalikuran!." Hinila niya ang braso ko kaya agad ko siyang itinulak.

"Babalaan rin kita Eunice.Wala akong masamang ginagawa sayo at kapag may gagawin kang masama laban sakin o kaninuman sa mga malapit sakin.You're gonna pat for it!.At pwede ba imulat mo yang mga mata mo sa katotohanang hindi ka mahal ni Axel!Nagsasayang ka lang ng lakas mo dahil hindi magkakagusto si Axel sa isang katulad mo na masyadong masama ang ugali!Magpapakabait ka kaya nang may pag-asa pa!."

Padabog itong tumayo at humarap sakin.

"And who are you to say that thing to me?!."

"Sino karin para pagbantaan ako?!." I glared at her.

"Listen Eunice.Wag mo akong itulad sa mga mahihinang akala mo.Kung kaya mo akong kalabanin there is no way that I can't do the same!."

Mabilis akong naglakad palabas.Ang kapal talaga ng mukha nang babae yun!Kung hindi lang talaga ako mabait , ako na mismong mag-uuntog sa ulo niya nang magising siya sa kahibangan niya.

"Hey!." mabilis akong sumakay sa kakarating na kotse ni Axel.

"Tara na." inis kong sabi.

"Bakit?Anything wrong?."

"Pinuntahan ako ni Eunice."

"Ano?!.Anong ginagawa niya rito?."

I sighed and mess my hair.

"She threatened me."

"Ano na naman daw?."

"Nandito ako para balaan ka.Kapag hindi ka pa lumayo kay Axel magsisisi ka sa bandang huli."paggaya ko sa sinabi ni Eunice.

" Anong bang pinakain mo sa kaniya at patay na patay siya sayo?." He just chuckles.

"Hindi ko rin alam kung bakit niya hindi maintindihan na ayaw ko sa kaniya."

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon