Chapter 16 : I like you
"Morning!."
Natigil ako sa pagkain nang pumasok sa kusina si Axel.Naka pambahay lang ito kaya hindi ko malaman kung papasok ba siya sa trabaho ngayon.
Abot tenga ang ngiti nito habang palapit sakin.Muntik naman ako mabulunan kahit wala akong kinakain nang halikan niya ako.Even a kiss in my hair from him is enough to make my heart seem to jump out of my chest.
Nagtimpla ito ng kape saka umupo sa kabilang upuan.
Yumuko ako at nagpapanggap na abala sa pagkain.Ni hindi pa ako naka-move on sa sinabi nito kagabi na hindi ko alam kung totoo ba o hindi at heto na naman siya.
Hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip tungkol sa sinabi niya.
"You okay?." nabitawan ko ang kutsara ko sa gulat nang magsalita ito.
Alanganin akong tumango saka uminom ng tubig.Hindi naman ako mapakali dahil panay ang sulyap nito sakin.
Muli akong uminom saka tumayo.
"Mauuna na ako." sabi ko.
"Are you mad at me?." napatigil ako sa paglalakad.
"For what?." I ask still my back to him.
"For what I did yesterday?." He said unsure.
Sa sinabi ba niyang gusto niya ako seriously or for kissing me?
Hindi ko alam kung saan doon ang tinutukoy niya para magalit ako.
"Hindi naman."
"Then why don't you talk to me?You're avoiding me."
"Hindi." ani ko saka hinarap siya.
Huminga ako ng malalim.I have to clear all doubts so I can continue my days in peace.
"Iniisip ko lang yung sinabi mo kagabi.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo para sabihin yun o gawin ang ginawa mo." I maintain a straight gaze at him.
"Hindi ko rin alam kung nagbibiro ka o seryoso ka but I'm considering that as I joke." napaatras ako ng bigla siyang tumayo.Umalingaw-ngaw pa sa buong sulok ng kusina ang tunog ng upuan nito.
Sunod sunod na lunok ang ginawa ko nang lumapit ito sakin.If it was anger , fury , disappointment that shows in his eyes I don't know.
Dahil sa mas mataas ito sakin ay nakatingala ako nang makarating siya sa harap ko.
"You can accept that as a joke." he said.
Hindi ko alam kung sinasabi ba niyang joke lang talaga yun.
"So biro lang talaga iyon?." tanong ko.
"Sa tingin mo totoo talaga yun?."
Hindi ko maiwasang hindi mainis.Lahat ng sinasabi niya , biro lang?
I smirk and glared at him.
"Lahat ng sinabi mo biro lang?All those words that make my heart skip a beat was a lie?!Ginawa mo ba akong asawa mo para paglaruan ang nararamdaman ko!You crazy jerk!."
Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako na nalamang biro lang ang lahat nang iyon.Biro lang lahat pero halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa sinabi niya.Na halos paniwalang paniwala na ako tapos biro lang pala!
Naiinis ako sa sarili ko bakit ba kasi ako naiinis?Hindi naman niya sinabing maniwala ako sa kaniya.Masyado lang talaga akong tanga kaya naniwala.Una palang I was stupid enough to accept this deal and I was more stupid to believe he indeed like me.
BINABASA MO ANG
The Marriage Deal
RomanceDestiny has been not so cruel with Eris not until she was pushed to the walls with no choice but to enter a deal. Will they be able to survive in this marriage deal or one of them will fall? [Cover Image sourced from Pinterest]