Epilogue

143 2 0
                                    

Epilogue

Destiny has its own way of taking controls in our life.

Minsan ang mga hindi mo inaasahan ang siyang mangyayari at dadating sayo that sometimes even you , questioned your own destiny.

But life always offer as a second chance to correct our mistake and correct our lapses in the past.Kahit pa sa tingin mo ay imposible but destiny always found it way to surprise us its games in this so called life and love.

"Saan ba kasi tayo pupunta?." taka kung tanong kay Axel. Gabi na at saka pa niya ako sinundo. May date daw sana kami ngayon kaso dahil nagkaroon raw ng emergency meeting sa kompanya nila hindi na matutuloy. Okay na lang sakin kasi diba dapat intindihin ko na siya nang maging maayos na kami.

"You will know when we get there."

"Balak mo ba akong kidnapin ha?." natawa ito.

"I don't need to kidnap you dahil alam ko namang sasama ka sakin kahit na anong mangyari."

"Ang hangin mo."

"Gwapo naman."

"Porket nagka-muscle ka lang feeling mo ang gwapo mo na agad. Dati taba lang yan lahat eh." sumimangot itong lumingon sakin.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ang taba mo naman talaga dati saka suot suot mo pa yung makapal na glassess mo kahit hindi naman malabo mata mo kaya nga hindi mo nakita ID ko dahil diyan eh di sana alam mo full name ko. Nakita mo sana gaano kaganda ako noon." mas lalo lang sumimangot ang mukha nito.

"Pwede naman siguro nating kalimutan yan diba?."

"Ayaw mo na maalala yun?." natatawa kung ani rito. Agad na nagsalubong ang mga kilay nito.

"Stop it." agad namang tumikom ang bibig ko. He is so serious kasi baka bigla pa niya akong ihulog sa sasakyan. Nakatitig lang ako sa kaniya habang abala naman siya sa pagmamaneho.

"Bakit ka na naman nakatitig?."

"Hindi pwede?." kunot noo kung tanong. " Pasalamat ka nga pinagtatayagaan ko pa yang mukha kahit nakakasawa na."

"Nagsasawa ka na sakin?." gulat na tingin.

"Joke lang."

"Hindi mo na ata ako mahal ako eh."

Ang bilis naman magtampo.

"Joke nga lang yun." hindi naman nawala ang simangot sa mukha nito.

"Hoy! Joke nga lang yun." Hindi parin ito umimik.

Ginalit ko na yata.

"Sorry na. I love you." mabilis kung dinampian ng halik ang noo nito pababa sa ilong nito at sa labi. Mabilis lang naman at baka maaksidente pa kami.

Para namang walang effect iyon sa kaniya.

"Galit ka?."

Nakailang kulit at tanong ako ay hindi na siya sumagot hanggang sa makarating kami sa isang golf course rito sa Maynila.

"Anong ginagawa natin dito? Gabi na , maglalaro ka?."

Hindi parin niya ako pinansin.

"Axel?." hindi ito sumabay sa paglalakad sakin at nakapamulsa. Dapat hinahawakan niya ang kamay ko kapag naglalakad kaming dalawa.

"Nagtatampo ka ba talaga? Sorry na nga diba?." wala parin.

"Axel?." wala parin.

"Honey?!." Mabilis itong tumigil sa paglalakad. Yun lang naman pala ang magic word eh.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon