Chapter 24

78 2 0
                                    

Chapter 24 : Restricted Names

"I am the turning point?."

Ehh?.

"Turning point? Anong pinagsasabi mo?." humagalpak naman ito ng tawa.

Natatawa parin itong umiiling.

"Magkakakilala kayo iha?." napalingon ako kay Lolo.

"Yes po. Sinong hindi makakakilala sa kaniya. He is the number one bully on our school , Cole Bentley Carlos."

Naalala ko na ngayon. Kaya pala pamilyar ito sa akin ito ng minsang nakita ko siya sa pinuntahan naming action school ni Axel. He was C. Hindi siya si August. Hindi ko lang agad nakilala.

"Bakit siya po ang kinuha niyo Lolo?."

"Ako kasi ang pinakamagaling sa action school namin."

Kahit kailan talaga ang yabang ng isang to. Talo nga siya ni Axel! Oh crap , forget that name!

Alam niya rin kaya na may namagitan samin ni Axel. I doubt , hindi ko naman siya nakita sa mga nakaraang araw na naroon kami ni Axel. Ano ba?! Forget that name na! Erase..Erase..

"Mas mabuti iyon. Mas magkakasundo kayo."

"Hindi po kami magkakasundo lolo. Ubod ng yabang ang isang yan." inirapan niya naman ako.

"Nagbago na ako. Thanks to your ex-husband." ako naman ang napairap sa sinabi nito.

"Alam mo ang tungkol samin?."

"What is the use of being your bodyguard if I don't know that thing." napairap ulit ako.

"Ayoko ko sa kaniya Lolo." baling ko kay Lolo.

"Mabait naman po ako Sir. Ito lang apo niyo ang choosy. "

"Tumigil ka nga. Pwede naman sigurong iba na lang Lolo. Kaibigan siya ni Axel , ayoko ko nang masangkot pa sa kaniya."

"Hindi naman porket kaibigan niya ako ay problema na. Kung kailangang maging kaaway ko rin siya para magawa ang trabaho ko. No problem."

"Seriously?." He winks at me.

"Ako pa. Crush kaya kita."

Napangiwi ako. He is Cole Bentley Carlos. Siya ang nangunguna na bully sa school namin noon. Akalain mo ngang minsan na niya rin kaming nabiktama pero hindi na nasundan. Crush niya daw kasi ako kaya hindi niya ako aawayin. Pero siyempre hindi ko siya pinansin dahil bully siya. Hindi ko siya type.

Kahit naman ayaw ko. Wala talagang bagay na makakahindi ako kay Lolo. Kaya no choice si Cole na nga ang naging ultimate bg ko. Dahil hindi naman ako maka-balik sa bahay kung hindi ko siya kasama. Medyo gumaan naman ang loob ko habang nag-uusap kami.

"Hindi ko nga akalaing makakapagtapos ako ng pag-aaral ko." aniya habang natatawa.

Kanina parin ako natatawa sa mga kuwento nito sa buhay kung paano siya nabago. He  is the type of guy na masyado ring nakakatuwa. Na-miss ko tuloy bigla si Travis. Hindi narin kasi kami nakakapag-usap pa.

"May pamilya ka na?." tanong ko rito saka kumagat sa sandwich ko.

"Nope. I don't have plans yet."

"Wow. Naturingan kang womanizer pero wala ka pang nabibingwit na forever. " biro ko.

"Malay mo kasi itinadhana talaga tayo." natawa naman ako.

"Hindi kita type."

"Paulit-ulit? You don't have to worry though , move on na ako sayo. Ikaw ba?." kumunot ang noo ko.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon