Chapter 1 : Nakakainis!
Bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Ashely , besyfriend ko.
"Eris!!." hindi niya alintana ang mga taong nakapaligid sa amin sa airport at patuloy lang sa pagsisigaw.
"Tumigil ka nga." pabirong hampas ko sa kaniya.Mabilis niya akong yinakap nang nakapaghigpit halos hindi na ako makahinga.
"Okay na.Bitawan mo na nga ako." mahina ko siyang itinulak saka huminga.Grabe naman ang babaeng to.
"Ba't ikaw lang?Wala kang kasama?Si Klara?." pagtutukoy ko sa pinsan niyang kaibigan ko rin.Nag-iisa lang kasi ata siya na sumundo sakin rito sa airport.
"Aba'y sa limang taon mo sa America ang dami mo na miss.Kinasal na si Klara isang taon pagkatapos mong umalis.May isa ng anak kaya abala na sa buhay."
"Talaga!Ang dami ko na atang nakaligtaan ah."
Mula elementarya hanggang kolehiyo ay kami nang tatlo ang magkakasama.Nagkakalayo layo lang kami ng makapagtapos kami ng kolehiyo.Nakakuha kasi agad ako ng sponsorship para sa MBA ko sa Harvars kaya di ko na pinalagpas pa.Pagkatapos ko namang matapos ang MBA ko ay may nakuha agad akong trabaho sa America parin.Nakuha ako bilang manager ng isang sikat na hotel sa New York , maganda ang sweldo kaya mas pinili kong manatili na muna doon kaysa sa umuwi sa bansa.
Kailangan ko kasing makaipon para makuha ang nakasanla naming bahay.Third year college ako ng mamatay si Papa dahil sa sakit sa puso , maliit pa lang ako ay iniindi na niya ang karamdaman na iyon.Ayaw nga lang niyang magpatingin sa doktor dahil dagdag gastos lang daw.Imbes na sa hospital mapupunta ang pera niya ay ibibili na lang daw niya ng mga kakailangan ko.
Sobrang swerte ko kay Papa dahil lahat ginagawa niya para sakin.Mas inuuna pa niya ako kaysa sa sarili niya.Pinangako kasi niya kay mama nang mamatay ito nang aalagaan niya raw ako.Halimbawa das kasi si Papa sa mga taong tumutupad ng pangako kaya ginagawa niya lahat para sakin.
Ang sakit nga sa pakiramdam ng mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak at sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay kay Papa.Kung hindi lang niya ako inuuna ay baka maalagaan niya ang sarili niya at buhay pa siya hanggang ngayon.
Kung sana buhay pa siya , makikita niya akong magtapos ng kolehiyo at maging successful pero kahit naman himdi ko siya nakikita ngayon ay nasa tabi ko lang sila palagi ni Mama.At paniguradong magkasama na silang dalawa ngayon na nagbabantay sakin.
"Hoy!Ang lawak ng isip mo ah." muli akong napatingin kay Ashely.Nakalimutan ko palang nandito siya kasama ko.
"Naalala ko lang sina Papa." tinapik niya ang balikat ko saka tinulak ang cart na naglalaman ng mga gamit ko.
Ako na ang dala ng isa kung maleta at saka nakasunod sa kaniya.Inilibot ko ang paningin sa loob ng airport.Nakakamiss lang pala talaga ang lupang tinubuan mo.
"What the f**k!."
Napalingon ako ng may nagmura. Tumambad sakin ang mga bagahe ko na nagkalat sa sahig.Nagkakandarapa naman si Ashely na pulutin ang mga iyon.Habang matalim ang titig sa kaniya ng isang lalaki na mukhang yung narinig kung nagmura kanina.
"What happened?." tinulungan ko si Ashely sa pagpupulot ng mga bagahe ko.
"Nabangga ko kasi siya." bulong sakin nito."Pero hindi ko naman sinasadya."
"Excuse me!." sabay kaming napalingon sa lalaki na nagmura kanina.
Batay sa hitsura niya mukhang galit na ito.Salubong ang dalawang kilay , nakakunot ang noo.Nakasimangot ang mukha , nakakuyom ang mga kamao.Wala naman siguro siyang balak na suntukin kami diba?Not unless he has the guts to do so , to punch women who accidentally bump into them in front of all people in this airport.But on the other hand mukhang siya nga iyong tao na kagaya noon.
BINABASA MO ANG
The Marriage Deal
RomanceDestiny has been not so cruel with Eris not until she was pushed to the walls with no choice but to enter a deal. Will they be able to survive in this marriage deal or one of them will fall? [Cover Image sourced from Pinterest]