Chapter 30

116 2 0
                                    

Chapter 30 : The New Beginning

My love for you is not like rain, which comes and goes away. But its like sky, moves with you all around.

Eris Pov

"Ano to?." mabilis na kumunot ang noo ko ng makita ang isang pumpong ng bulaklak sa mesa ko.

"Ava?." pagtawag ko sa sekretarya ko na nag-aayos ng papeles sa cabinet.

"Yes ma'am." sagot nito at bumaling sakin

"Kanino to galing?." turo ko sa bulaklak. Lumipat ang tingin nito sa mesa ko.

"Hindi ko po alam ma'am. Hindi ko po napansin iyan pagdating ko kanina. Hindi rin po ako ang naglagay diyan." kumunot ang noo kong umupo.

"Itatapon ko po ba? Baka kanino po yan galing." pinigilan ko ito sa akmang pagkuha ng bulaklak.

"It's fine. Maghanda ka na lang para sa meeting mamaya."

"Sige po ma'am." hinintay ko itong makalabas sa opisina ko bago ko dinampot ang bulaklak at tiningnan kung sino ang nagpadala. A white small card is attach on it.

Friends are the roses of life: pick them carefully and avoid the thorns. - Your friend

Napangiti  ako ng mabasa iyon. Talagang kina-career niya ang friendship namin ah.

"Ehem!." muntikan na akong mahulog sa upuan nang may biglang tumikhim.

Taas kilay na nakatingin sakin si Ashely.

"What?." I ask seeing her weird reaction.

"Ano yan? May pa-flowers pa ah. Manliligaw mo?."

"Of course not. Just a friend."

"Kailan pa nagpapadala ng flower ang isang kaibigan?." nakataas parin ang kilay nito nang makaupo sa sofa ilang layo sa mesa ko.

Kailan nga ba? Wala rin akong kilalang kaibigan na nagpapadala sakin ng bulaklak lalo na red roses pa.

"Oh! Natahimik ka diyan. Oyy!! Manliligaw mo yan no!." natatawa pa itong panunukso sakin.

"Tumahimik ka nga!. Gusto mong tanggaling kita aa trabaho mo?."

"Sige ka. Wala ka nang pretty vice-president." inirapan ko lang ito.

Simula kasi na ako ang President and CEO ng kompaniya na ipinamana sakin ni Lolo. Nawala ito anim na buwan na ang nakakaraan , nakakalungkot nga lang ay hindi ko na ito nahatid pa sa huling hantungan nito. Si Ashely narin ang kinuha ko bilang vice-president.

"Sabihin mo na kasi.. Sino ba yang lalaking yan , malaman ngang pangalan."

"Why do you want to know by the way?." tanong ko saka tinabi ang bulaklak.

"Makilatis nga. Baka kung sino sino lang naman yang lalaking yan. Pakisabi sa kaniya , may manliligaw ka na at hindi niya matatalo ang isang yun." tumaas ang kilay ko.

"Wala akong manliligaw. Anonh pinagsasabi mo diyan?."

"Hello!. Team Axel parin kami.. Go AxRis!!."

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon