Chapter 12 : Fall
Tahimik ang gabi ng magising ako.Hindi ko alam kung bakit pero nagising na lang ako bigla.Hindi naman ako nanaginip.Bigla lang akong nagising at nauhaw.
Sa totoo lang kanina pa ako gising at kanina parin naglalaban ang loob ko kung bababa ba ako para uminom ng tubig o mananatili lang sa kwarto ko.Ganitong ganito kasi ang nakikita ko sa mga movie , nagigising sa kalagitnaan ng gabi at bababa para kumuha ng tubig tapos lilitaw iyong mga kontrabida.Either may papasok na magnanakaw o di kaya ay may multo.
Babalik na lang sana ako sa pagtulog pero nangangati ang lalamunan ko sa uhaw giving me no other choice but to get down my feet and run down the stairs.Mabilis ang kilos ko , napaparanoid kasi ako na may nakatingin sakin.
Kumuha ako ng tubig mula sa ref at saka agad iyong nalagok.Bago ko pa ito maibalik sa loob ay natigilan ako.Pakiramdam ko na naman may nakatingin sakin.Sa pagkakataong ito parang mayroon na talaga kaya napalingon na ako.Wala namang tao.Tanging ilaw lang sa kusina ang naka-on.Nilibot ko ang tingin sa bawat sulok pero wala talaga.Agad kong binalik ang pitsel at naglakad na pabalik habang panay ang sulyap sa gilid ko at baka bigla na lang may sumulpot.
Nabaling ang tingin ko sa glass wall ng bahay.Para na naman kasing may nakita ako.
Hindi ko na iyon pinansin at baka namamalikmata lang ako.Paakyat na ako ng hagdan ng marinig ng ingay.Napalingon ako sa may salas patungo sa pinto.Nakatitig ako doon hanggang sa unti unting bumubukas iyon.Dahan dahan lang na para bang iniiwasang makagawa ng ingay na makakapagising sa mga natutulog.
Nakapatay ang ilaw sa salas ngunit sa kinatatayuan ko ay kita kita ko parin ang kabuuan nito.
Nanginig ang tuhod ko ng may pumasok.Nakasuot ito ng bonnet kaya hindi ko makita ang mukha niya.Mas lalo pang nadagdagan ang takot ko ng makita ang hawak niya.Baril. Kahit madilim alam kung baril ang hawak niya.Para akong binuhusan ng yelo , hindi makagalaw , nanlalamig.
Tila kumawala sa katawan ko ang kaluluwa ko ng makita niya ako.Kahit pa man nakatakip ang mukha niya ay gulat ang mga mata nito.Para bang hindi niya inaasahan na makikita ako.
I scream as I laid down the tiles of the stairs.Wala akong narinig naputok pero may narinig akong ingay. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Nakayuko ako , takip takip ang tainga gamit ang dalawa kong kamay.Natahimik na ang loob pero nanatili akong nakapikit.Paano kung nasa harap ko na ito at nakatutok ang baril sakin?
"Eris?." napalingon ako kay Axel.
"Anong ginagawa mo?." napalunok ako saka napalingon sa salas.Wala nang tao.
"I heard you scream."
Muli kong inilibot ang paningin sa loob ng salas at ng masiguradong walang tao ay doon ako tumayo.Pero muntikan naman akong matumba dahil sa panginginig ng tuhod ko.Mabuti na lang din at agad akong naalalayan ni Axel.
"May nakita akong tao na pumasok.M-may dala siyang baril."
Nabalot rin ng pagkabahala ang mukha nito. Inikot niya ang paningin sa paligid habang nakaka-alalay parin sakin.Sigurado naman akong may nakita talaga ako.Nakaawang pa nga ang pinto na nagpapatunay na may pumasok nga.
"Nakita mo ba ang mukha niya?."
"H-hindi.May takip ang buong mukha nito.Pero alam kong lalaki iyon at may hawak siyang baril."
Nagsimula akong kabahan.Paano kung may gusto na talagang pumatay sakin o samin?Hindi ako maniniwala na simpleng magnanakaw lang iyon.Sa kanda ng kalibre ng hawak niyang baril mahirap sabihing kayang bumili noon ang isang magnanakaw.
"How about you?Are you alright?." tumango lang ako sa mga tanong nito.Sinuyod niya rin ang kabuuan ko para matingnan kung may sugat ba ako o wala.
Inalalayan niya ako pababa at pinaupo muna sa sofa habang naglilibot siya sa paligid.Inalarma narin nito ang mga guwardiya sa loob ng subdivision.Tahimik akong nakaupo sa sofa pinaparinggan ang mga nababahalang tinig nina Axel sa labas ng bahay kasama ang iilang mga bantay na nagising dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
The Marriage Deal
RomanceDestiny has been not so cruel with Eris not until she was pushed to the walls with no choice but to enter a deal. Will they be able to survive in this marriage deal or one of them will fall? [Cover Image sourced from Pinterest]