Chapter 17

69 2 0
                                    

Chapter 17 : You are Mine

"Hi!."

Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Axel pagkabukas ko ng pinto.

"Morning." abot tenga ang ngiti nitong bati sakin.

"M-morning." naiilang kung sagot pabalik.

Nahihiya parin kasi ako habang naalala ang ginawa ko kagabi.

Yumuko ako saka sinara ang pinto.

"Kumain ka na?." tanong ko saka naunang naglakad.

"Nope.I waited you."

"Sana nauna ka na lang."

"We should eat together." aniya saka sumabay sa paglalakad sakin at inakbayan ako.

"Where is my morning kiss?." napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi nito.

"A-anong sinasabi mo?."

Bigla na lang niya akong hinalikan.

"What is that for?." napalingon ako sa paligid ko at baka may nakakita samin.

"My morning kiss." sagot niya at muli akong inakbayan saka naglakad ulit.Napapadala lang ako sa lakad nito hanggang sa restuarant malapit sa hotel.

Siya narin ang nag-order ng pagkain para saming dalawa.May iilang kaming kasamahan na namataang kung kumakain rin pero hindi ko nakita sina Travis.

"Here is your order ma'am , sir."

"Thank you." pagpapasalamat ko sa waiter na naghatid ng pagkain namin.

"What will you gonna do now?." he ask in between our meal.

"Manonood ako ng competition nina Travis." tipid kung sagot.

"Okay."

Tahimik na kaming dalawa hanggang sa matapos sa pagkain.Bumalik muna ako kasaglit sa kwarto ko at naghintay na lang sa competition nina Travis.Hindi ko rin kasi alam kung anong gagawin ko kung sakaling lumabas ako.Hindi naman ako masyadong pamilyar sa lugar na ito.

Abal ako sa social media ko nang may kumatok.Hindi ko na inaalala kung sino man iyon kaya agad ko na lang binuksan.

Bumungad sakin si April.

"Ligo tayo." aya nito.Nakasuot na rin ito ng bathing suit at halatang sobrang ready na.

"Sige bihis lang ako."

Mabilis akong nagpalit ng damit.Wala naman talaga akong plano na maligo o gumala , kung hindi lang naman dahil sa imbitasyon ni Travis ay hindi ako pupunta ngayon.

Sinulyapan ko ang sarili sa salamin sa banyo.I'm wearing a casual white summer beach dress.Baka maglibot libot lang din ako sa paligid at hindi na maliligo.Mataas na ang araw kaya nagsuot ako ng shades.

"Nahiya naman ako sayo." nakangiti sabi ni April pagkalabas ko."Kaya mahal na mahal ka nung Axel eh."

"Stop it."

Kahit pa sinabi ko iyon ay panay parin ang tukso nito sakin hanggang sa makarating kami sa baybayin.Tanging mga paa ko lang ang nilublob ko sa tubig.

"Kailan pala ang competition nina Travis?." tanong ko saka naglakad lakad sa buhangin.

"Mamaya pa." ani nito na nakasunod sakin.

"Where is your husband by the way?." bigla niyang tanong.

"Nasa kwarto niya siguro."

Hindi ko naman alam.Magkasabay naman kaming bumalik kanina.

"Hey , ladies." sabay kaming napalingon ni April sa nakasalubong namin.Nagkatinginan kaming dalawa bago lumihis ng daan pero sumunod ang dalawa samin.

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon