CHAPTER 1

201 72 15
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

"Aking prinsesa, gising na!" isang pambungad na salita na narinig ng aking tenga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking nga mata at unti-unti ko ring nasisilayan ang nakangiting mukha ng aking bestfriend kong si Benedict.

"

Bumangon ka na diyan, first day of school at hindi ka dapat ma-late" he said at mabilis niya akong hinila habang nagtatangal pa ako ng mga muta ko sa aking mata. Masyado talagang maasikaso itong bestfriend ko.

"Maligo ka na dahil mamaya may surprise ako sa iyo na tiyak na magugustuhan mo" wika niya at ngumiti ng napakatamis at napangiti din ako sa kaniya. Ang cute talaga ang Bestfriend ko.

Si Benedict ang matalik ko na kaibigan na kasama ko na simula pagkabata. My parents are died since I am only seven years old. Sa tiyahin ko ako una tumira pero dahil sa kalupitan I decided na umalis na lang sa kaniya. In that time, nagpalaboy-laboy ako sa kalye, tapos mayroon pang mga batang lalaki na gustong kuhain ang gamit ko, buti na lang may isang batang lalaki na nagtanggol sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Benedict. In that time akala ko nag-iisa ako pero buti na lang dumating si Benedict.

Pumayag ang lolo ni Benedict na sa kanila ako tumira. Besides, naging lolo na rin ang turing ko sa Lolo ni Benedict. Si Benedict at ang Lolo nito ang tinuring ko ng pamilya.

But last year, Benedict's grandfather was died. Masakit tanggapin sa una pero kinaya namin ni Benedict. Pareho kaming nagpakatatag. Pareho kaming nagsisikap na itaguyod ang aming buhay. Dalawa na lang kami ngayon ni Benedict at nagako kami sa isat-isa na walang iwanan.

Hindi kalakihan ang bahay na tinitirahan namin ni Benedict na naiwan sa kaniya ng lolo niya. Nagpapart-time job kami para pag-ipunan ang pag-aaral namin sa pinapangarap naming university at ngayon natupad na. Nangako kasi kami sa isat-isa na makakapagtapos kami ng aming pag-aaral.

Mabait at maalaga si Benedict. Palagi niya akong pinoprotektahan at walang sandali na hindi niya ako iniwan at pinabayaan. Sa totoo lang, maswerte ako kapag kasama ko si Benedict. Walang araw akong hindi nagpapasalamat sa Diyos dahil mayroon akong kaibigan na tulad niya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ko sa kusina upang kumain. Nagulat na lang ako sa naabutan ko sa aming kusina. Nakahanda sa lamesa ang mga pagkain. May ibat-iba pa itong putahe. Sinigang na isda, Piniritong isda at higit sa lahat ang aking paborito, bulalo. Kahit sa malayo pa lang ay amoy na amoy ko na bango nito. Lalong kumulo ang tiyan ko at lalo pa aking natakam ng maamoy ko iyon. Wala na talagang mas hihigit pa sa luto ng Bestfriend ko.

"Kain na aking kamahalan" nakangiting wika nito at ipinaghila pa ako ng upuan. Siya pa ang nagsandok ng aking pagkain. Kaya ko naman gawin iyon pero mapilit itong si Benedict kaya hinayaan ko na lang siya. Kahit kailan talaga ang sweet ng Bestfriend ko.

Pagkatapos kumain, mabilis kong kinuha ang gamit ko. Lalabas na sana ako ng pintuan ng aking kwarto ng biglang pumasok si Benedict na bitbit ang isang regalo na akmang iniaabot sa akin na may kasamang matatamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Para sayo aking kamahalan" wika niya atat nakangiti kong inabot ang regalong hawak niya. Sobrang saya ang mararamdaman ko ng makita ko na isa itong bag, isang bag na matagal ko ng pinapangarap at inaasam-asam na bilhin noon pa.

"Salamat" mahigpit kong niyakap ang bestfriend ko dahil sa saya.

"Pero teka, saan ka nga pala nakakuha ng pambili nito" tanong ko sa kaniya at kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Matagal ko na kasing alam na gustong-gusto mo talaga ang bag na iyan, kaya kahit mahal ang bag na iyan, pinag-ipunan ko iyan para sa iyo dahil gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang, malamang ngayong college na tayo ganyang bag na dapat ang suotin mo para lalo pang gumanda ang bestfriend ko" wika ni Benedict sa akin habang may pakurot-kurot pa ito sa pisngi ko.

"Ikaw talaga puro ka gastos, hindi mo naman kailangang gawi ito eh"sumbat ko sa kaniya habang pinapalo-palo siya sa kaniyang balikat pero patuloy lang siyang nakangiti sa akin. Hindi din kaya nagangalay ang panga niya sa kakangiti? Hindi ko din maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang ngiti nito. Lalo kasing nagiging gwapo ang Bestfriend ko kapag nakangiti lalo na kapag nakalabas ang malalim na dimple nito.

"Aray, sorry na" wika nito sa akin at napatigil naman ako sa paghahampas sa kaniya "Ang gusto ko lang naman mapasaya ka" seryosong sabi niya sa akin.

"Hindi mo naman kailangan kasing gawin ito, pero salamat" isang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya na nagpapahiwatig ng pasasalamat.

"Tara na nga, baka ma-late pa tayo" wika ko. Pagkatapos kong maiayos ang gamit ko ay mabilis akong lumabas at ni lock ang bahay.

"Sakay na sa mahiwagang karwahe aking kamahalan"nakangiting turan ni Benedict sa akin. Ang karwaheng tinutukoy niya ay ang lumang bisekleta niya. Nakangiting umangkas ako kay Benedict. Sa tingin ko walang araw na hindi sweet itong si Benedict.

Masaya ako dahil may bestfriend akong katulad ni Benedict. Feeling ko, ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil may Bestfriend akong katulad niya. Huminga ako ng malalim at napasandal ako sa likod ni Benedict. Kahit nakatalikod ito at nafinig ko ang mahinang pagtawa nito na nagibg dahilan upang ako'y mapangiti.

Having a Bestfriend like Benedict is the luckiest thing I have in my life.

#IamVillain_1

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon