CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1Pagkatapos ng huli naming klase sa maghapon ay napagdesisyunan ko munang magtungo sa locker ko upang kuhain ang naiwan kong gamit.
It was already 5:30 PM. Malamang tapos na din ang klase ni Benedict at malamang naghihintay na sa akin sa labasan si Benedict.
Pagkatapos kong makuha ang nga gamit ko ay nagmadali akong umalis. Paalis na sana ako ng bigang mahagip ng mga mata ko si Bakulaw at ang mga kutong lupa nito na papunta sa direksiyon ko.
"Itong tandaan mo kapag nagkita ulit tayo sinisigurado ko na iyon na lang ang huling hininga mo!"
Napalunok ako ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Bakulaw kapag nagkita kami. Malamang baka papatayin niya ako kaoag nagkita kami muli. Ayaw ko pang mamatay at mas lalong ayaw ko kapag mula pa sa kamay ng bakulaw na iyon ako mamamatay.
Kailangan hindi mag-cross ang landas namin dahil kapag nagkataon, baka ito na lang ang hiling pagkakataon na masisilayan ko ang mundo.
Agad kong tinakip ang bag ko sa mukha ko at dahan-dahang umatras.
"Ayon siya!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga kutong lupa ni Bakulaw. Tumingin muli ako sa kanila at agad naman akong tumakbo na mapansin ko na sumusunod na sila sa akin. Ano ng gagawin ko? Ayaw ko pang mamatay? Kailangan kong magtago.
Nang may makita akong CR ay agad akong pumasok doon. Mabilis akong pumasok sa isang cubicle upang doon makapagtago. Laking gulat ko ng pagpasok ko sa cubicle ay nandoon si Spencer na kasalukuyang nagji-jingle.
"Shit!" wika niya at agad na sinarado ang zipper niya. Agad ko namang tinakpan ang mga mata ko dahil hindi pa ako handa na makakita ng tutot ng mga lalaki. Saka virgin pa ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na CR pala ng mga lalaki ang napasukan ko.
"What are you doing here-" hindi na natapos pa ang sasabihin ni Spencer ng bigla kong tinakpan ang bibig nito nang may madinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag na papalapit sa cubicle na kinaroroonan namin ni Spencer. Malamang sina Bakulaw na iyon at ang mga kutong-lupa niya.
Humarap ako kay Spencer na kasalukuyang magkalapit lang ngayon ang mga mukha namin. Hindi ko tuloy maiwasang mamula habang nakatitig sa gwapo nitong mukha.
Agad ko namang sinenyasan si Spencer na huwag umingay dahil tiyak na mamamatay ako kapag nakita ako ni Bakulaw pati na din ng mga kutong lupa nya pero bigla na lang akong tinulak ni Spencer.
"Wala akong pakialam!" galit na wika nito sa akin. Agad namn kong lumuhod sa kaniya at nagmakaawa na huwag niya akong isumbong dahil kapag nagkataon ay papatayin nila ako. Marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko pang malaman kung sino ang tamang lalaki para sa akin.
Tumingin ako kay Spencer pero tanging galit na ekspresiyon lang ang ibinibigay niya sa akin.
Blagg!~Blagg!
Biglang may kumatok sa cubicle na kung saan naroroon kami ni Spencer.
"Emerson, may tao dito!" narinig kong sigaw ng isa sa mga kutong-lupa ni Bakulaw na nasa harap ng cubicle namin. Buti na ang ay nakalock ang cubicle na ito. Akmang bubuksan na ni Spencer ang pinto pera agad ko itong pinigilan.
"Please, papatayin nila ako kapag nakita nila ako" pagmamakaawa ko kay Spencer. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapaluha. Mukhang hindi na nga ako tatagal.
"Wala ka ng takas ngayon!" narinig kong wika ni Bakulaw at sa pagkakataon ngayon, marami na ang kumakatok sa cubicle na kinaroroonan namin ni Spencer. Agad naman akong napaluhod at niyakap ang sarili ko. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Pilit na inaalala ang mga masasayang nangyayari sa aking buhay. Mamimiss ko ang lahat. Lalong-lalo na si Benedict.
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...