CHAPTER 30

53 15 9
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1


Lingon lang ako ng lingon nang makarating ako sa dalampasigan. Ito kasi ang ibinigay ni Spencer na lugar kung saan kami magkikita.

Batay sa pagkakaalam ko, ang resort na ito ay sikat sa lugar na ito. Ang puti nitong buhangin, asul na dagat, ang maaliwalas na hangin na maaamoy mula rito maging ang natatanging tanawin nito. Lahat ng iyon ang nagpapaganda sa resort na ito.

Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala halos mga tao dito. Did Spencer served this for us?

"Yzarina!"

Agad naman akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napangiti ako ng masilayan ko sa hindi kalayuan ang nakangiting mukha ni Spencer. Mga ngiti na noon ay pinapangarap ko lang na makita sa kaniya pero ngayon palagi ko na itong nakikita.

Malayo man ang agwat namin ngayon ni Spencer pero sapat na iyon para makita ko ang gwapo nitong mukha. He was wearing a hawaiian polo na kasalukuyang hindi nakabutones na naging dahilan para makita ko ang magandang pagkakahubog ng bisceps nito.

Trunk shorts ang suot niya pang-ibaba. Kung titingnan mo ngayon si Spencer, mukha talaga siyang turista.

Maayos ang pagkakasalansan ng buhok nito, nakasuot din siya ng shades at kasalukuyang nasisinagan ng araw ang mukha nito. He look attractive now and he looks hot.

He ran towards in my direction at agad naman din akong tumakbo patungo sa kaniya upang salubungin siya.

Parang nagslow motion ang paligid habang tumatakbo kami ngayon ni Spencer patungo sa isa't-isa. I smiled when he hugged me and I hugged him too.

"Spencer, I....." hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko ng bigla niyang tinakpan ng daliri niya ang bibig ko.

"Lets enjoy this moment first" wika ni Benedict at tumango na lang ako. He is right, we must enjoy this moment first.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang cottage na inihanda ni Spencer para sa amin. Napapalibutan kasi ito ng mga bulaklak at puno din ng mga petals ng puting rosas ang sahig nito. Mukhang nag-abala pa talaga si Spencer para dito.

Ipinaghila niya pa ako ng mauupuan. Maraming mamahaling pagkain ang nakahain sa lamesa. May tatlong kandila pa na nasa gitna at isang pulang rosas ang nasa pinakagitna.

"Did you like it?" Spencer asked.

"Hindi mo naman kasi kailangang mag-abala pa ng ganito" protesta ko dito.

"I just want to make everything special for you, Yzarina" I smiled when Spencer said those words. Hindi ko naman masisisi itong si Spencer dahil tama nga naman siya. Kapag mahal natin ang isang tao gagawin mong espesyal ang lahat para sa kaniya.

"Let's eat" nakangiting yaya sa akin ni Spencer at sinimulan niya na ang pagkain. Hindi ko man lang nagalaw ang plato ko dahil kay Spencer lang nakatuon ang atensiyon ko sa bawat sandaling iyon.

"You're not going to be full, if you are only going to watch me" wika ni Spencer ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Hindi ko pa din inalis ang titig ko sa kaniya at sa pagkakataon ngayon, kasalukuyan ng magkatagpo ang mga tingin namin.

"I just want to kno-" hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko ng biglang may tumugtog na umalingawngaw sa boung resort na ito.

"Ms. Yzarina Punsalan, May I have a dance with you?" nakangiting yaya sa akin ni Spencer at inilahad niya sa akin ang kamay niya. I gave him a smile at agad na iniabot ang kamay niya.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon