CHAPTER 5

82 47 2
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang lumapat ang mga labi namin sa hindi inaasahang pagbagsak namin. Nakita ko rin ang pagkagulat ng kaniyang mukha maging ang mga studyanteng nakapalibot sa amin at nabalot ng katahimikan ang paligid. Ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko dagil sa sitwasyon namin ngayo. Agad ko namang inatras ang ulo ko. Mabilis akong tumayo at............

Pakkkkkkkkkk!

Nagulat na lang ako ng biglang may sumapal sa akin and it was Charity na halata sa kaniyang mga mata ang pagkagalit. Agad din namang tumayo si Bakulaw mula sa pagkakahiga.

"Babe-" pakkk!

Isang sampal ang natamo ni Bakulaw mula kay Charity.

"Dont call me babe! I hate you Emerson!" sigaw ni Charity at padabog na umalis. Emerson? Emerson pala ang pangalan ng bakulaw na 'to. Pero basta, Bakulaw pa rin ang pantawag ko sa kaniya.

Malamang nagalit si Charity sa accidentally dahil sa accidentally kiss namin namin ni Bakulaw. It was an accident at walang may gusto nun. Hindi niya dapat pagselosan ang ganoong bagay. Pero argghhh! naiinis ako kapag naalala ko ang kiss na iyon with bakulaw. Bakit sa lahat ng pwedeng makakuha n first kiss na iyon ay ang bakulaw pa na 'to?

Galit na humarap sa akin si Bakulaw at malakas akong tinulak at lumagapak ang likod ko sa may pader. Arrrayy!

"This is all your fault, and you may pay for this" galit na wika niya sa akin habang papalapit sa akin. Napapikit na lang ako ng akmang susuntukin niya ako.

"Hoy! anong kaguluhan ito!" iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang dalawang guard na dumating. Agad namang humarap si Bakulaw sa mga guard at laking gulat ko ng bigla niya akong inakbayan.

"Sa tingin niyo ba may masamang nangyayari dito?" sarkastikong tanong ni Bakulaw sa mga guard.

"Totoo ba iyon?" tanong ng mga guard sa mga studyanteng nakapalibot sa amin. Biglang inilabas ni Bakulaw ang kamao niya at tinuro ito sa mga studyante habang nakatalikod ang mga guard.

"W-wala po" sagot naman ng isang studyante at sumang- ayon naman ang iba. Approved! kinakatukan nga nila ang bakulaw na ito. Ilan na ba ang napatay ng bakulaw na ito kung kaya kinakatakutan siya ng mga ito.

"Mabuti naman, may narinig kasi kaming sigaw kanina, akala namin kung ano na" wika ng guard at bahadyabg umalis. No wait! tulungan niyo ako sa bakulaw na ito. Gugustuhin ko mang magsalita pero hindi ko magawa dahil baka tuluyan na akong patayin ng bakulaw na ito. Mahal ko pa ang buhay ko at ayaw ko na sa mga kamay pa ng bakulaw na ito ang tatapos sa buhay ko. Humarap muli sa akin si bakulaw.

"Kasalanan mo ang lahat ng to!" galit na wika sa akin ni Bakulaw. Hindi ko naman kasalanan ang break-up nila ni fugly frog ah! It was an accident kiss no! Akmang susuntukin niya na ako n bigla akong pinigilan ng isa niyang kasama.

"Bro stop it, may paparating na mga faculty staff!" wika ng kasamahan niya at gaya nga sinabi niya, totoo ngang may dumating sa cafeteria na ito ang mga faculty staff. Safe!

"Itong tandaan mo kapag nagkita ulit tayo sinisigurado ko na iyon na lang ang huling hininga mo!" bulong niya sa akin at agad naman silang umalis ng mga kasamahan niya. Napabuntong-hininga ako bago inayos ang sarili ko.

"Yzarina are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Samantha at napatango naman ako.

"Ano pang tinitingin-tingin niyo diyan, tapos na ang palabas!" sigaw ni Samantha sa mga studyanteng nakapalibot sa amin. Agad naman akong hinila ni Izza May at inalis doon.

Dinala ako ni Samantha sa may Comfort room upang makapag-palit ng damit dahil nadumihan ito kanina sa cafeterie. Buti na lang may dala siyang extra T-shirt.

"Hayaan mo na yun sila Yzarina, wala lang talagang magawa ang mga gangster na iyon lalong-lalo na yung mukhang palakang si Charity" wika ni Samantha.

"Did you know them?" tanong ko.

"Yeah, we are schoolmates in highschool, kilala silang bully sa school namin dito, wala na ring nakakapagsumbong sa kanila ng dahil na rin sa takot, at ngayon kilala siya sa pinakagwapong badboy sa school na ito, at ikaw ngayon ang unang nakakiss sa kaniya, Oh my God, ang swerte mo!" kinikilig na wika ni Samantha. Uh, gwapo daw? Sige sabihin na nating gwapo siya pero para sa akin bakulaw siya, sobra kasing kapal ng mukha"Pero sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na nakiss mo ang baby Emerson ko" dagdag pa ni Samantha. Agad ko namang inikot ang mga mata ko sa kaniya.

"Pwede ba huwag mo na ngang ulit-ulitin iyan, ayaw kong marinig pa iyan!" reklamo ko habang patuloy pa rin itong kinikilig. Uh, bakit ba kasi nangyari pa iyon. Malamang paguusap-usapan na ako ng lahat dahil nakiss ko ang sinasabi nilang pinakasikat na gwapong badboy este bakulaw pala.

"Malambot ba? ano? masarap ba? OMG dapat pala inaway ko rin ang palakang Charity na iyon para makiss din ako ni Baby Emerson ko, Yzarina nagseselos ako 100% dahil ikaw na kiss mo na si Baby Emerson samantalang ako elementary ko pa siya crush pero hindi niya pa rin ako nagugustuhan, huhu!" pahibe na wika ni Samantha. pagkachildish pala itong si Samantha pagdating sa Love.

"Seriously, may gusto ka sa bakulaw na iyon?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Dont call him Bakulaw!, ang gwapong-gwapo niya kaya, kahit badboy siya marami pa ring babae ang nag- kakandarapa sa kaniya" Oo na, gwapo na ang bakulaw na iyon pero basta I hate him, kumukulo ang mga dugo ko sa kaniya

"Basta Yzarina, akin lang si Baby Emerson ah" pakikiusap sa akin ni Samantha habang nagpapacute na nag- mamakaawa. Uh, childish! Magpinsan ba talaga sila ni Spencer? , bakit parang ang layo ng ugali nila sa isat-isa.

"Ofcourse, kahit kailan hindi ako magkakagusto sa bakulaw na yun" wika ko at ngumiti naman na parang bata. Kahit kailan naman talaga hindi ako maglakagusto sa bakulaw na iyon kahit gaano pa siya kagwapo tsk~

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon