CHAPTER 13

55 24 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1


"Salamat talaga sayo Yzarina, kung hindi dahil sayo edi sana patuloy lang na nakahalatay sa daan ang kumag na iyan" pagpapasalamat sa akin ni Ismael habang patuloy lang naming pinagmamasdan ang walang malay pa din na si Bakulaw. Ismael is friend of Emerson. Anak si Ismael ng isang Congressman. Mabait itong si Ismael kaya nagtataka nga ako kung bakit naging kaibigan niya pa amg Bakulaw na ito.

"Siguro ka bang dito talaga nakatira si Bakulaw? I mean si Emerson" tanong ko kay Ismael. Dito kasi kami ngayon sa maliit at luma na bahay. Medyo sira-sira na din ang sawali na ding-ding.

"Bakit mo natanong? Ismael asked.

"Curios lang ako kasi kung ito ang bahay niya, nasaan ang mga magulang niya? Wala ba siyang pamilya?" tanong ko dito at kitang-kita ko ang paglungkot ni Ismael habang nakatingin kay Emerson.

"Sa totoo niyan, bata pa lang si Emerson iniwan na siya ng mga magulang niya. Naghiwalay kasi ang mga magulang niya at kasalukuyan na ngayong may kaniya-kaniyang pamilya. Kaya bata pa lang siya pinipilit niya ng maging matapang. Malaki amg epekto nun kay Emerson kaya hindi ko na siya masisisi kung ano ang pagtrato niya ngayon sa mga tao" Bahagya akong nakaramdam ng awa habang nakatingin kay Emerson.

Hindi ko aakalain na sa likod na Bakulaw na pag-uugali nitong si Emerson ay may mahirap din pala itong pinag-daanan. Pareho lang pala kami dahil sa aming murang edad ay iniwan din kami ng aming mga magulang. Alam kong hindi madali ang sa ganoong sitwasyon dahil kahit ako mismp ay naranasan ko din iyon. Malamang ang pagkaulila nito si Emerson ang naging dahilan kung bakit ang sama-sama ng ugali niya.a

Kinwento din sa akin ni Ismael na magkababata sila at kaya nakapag-aral sa University itong si Emerson ay dahil na din sa tulong ng pamilya nila Ismael. Siguro kung hindi magkaibigan si Emerson at Ismael, malamang palaboy-laboy ang Emerson na ito sa kalye.

Iniwan ko muna sila at nagtung muna ako sa kusina ng bahay na ito upang tingnan ang niluto kong lugaw para kay Bakulaw. Nagulat ako pagbalik ko nang mapansin kong may malay na si Emerson na kasalukuyan na ngayong kausap ni Ismael.

"Bro, I need to go may family dinner pa kasi kami" pamamaalam ni Ismael. Tumango pa ito sa akin bago tuluyang umalis.

"Mabuti naman at nagising ka na" wika ko kay Spencer habang bitbit ang isang mangkok ng lugaw. I tried not to be plastic. Sa totoo nga niyan may galit pa din ako sa Bakulaw na ito, kung hindi lang ako naawa dito at kung wala lang akong puso malamang tinuluyan ko na ito.

He was shocked when he saw me na para bang hindi niya inaasahan na nandito ako. Umupo ako sa gilid ng kama at hinarap siya para masubuan. Medyo mataas pa kasi ang lagnat niya kaya mas mabuti kung susubuan ko na lang siya.

"You shoud it this" wika ko sa kaniya at ipinakita ko sa kaniya ang lugaw. Tumingin ako sa kaniya at sa akin lang din siya nakatingin.

Bahagyang umiwas ito nung una kong pagsubo sa kaniya kaya hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa reaksiyon nito.

"Huwag kang mag-alala, walamg lason ang lugaw na ito dahil kung meron man kanina kopa sinubo sayo nung tulog ka" wika ko at tuluyan ng sinubo sa kaniya ang isang kutsara ng lugaw.

Ang cute niya kapag may lagnat dahil para siya yung badboy na biglaang naging goodboy. Sayang nga lang dahil ang gwapo nitong si Emerson kaso ang sama-sama naman ng ugali.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon