CHAPTER 25

39 16 2
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1


"I choose you......"

Napalunok muli ako habang naguguluhang tumingin sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang pipiliin ko. Nakikita ko ang kirot aa mga mata nila.

Mga kirot sa kanilang mga mata na nangangahulugan na umaasa sila. Lahat sila ay umaasa na baka mapili ang kung sino man sa kanilang tatlo.

Umaasa sila na sila ang pipiliin ko. Pero paano naman ang hindi ko mapipili? Alam kong hindi madaling pagdaanan ang sakit na iyon. Alam kong masasaktan ko sila.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago naglabas ng isang ngiti habang nakaharap sa tatlong gwapong lalaki na nasa harap ko ngayon.

"What if kung sabay-sabay na lang tayong umuwi?" suhestiyon ko sa kanilang tatlo. Para sa akin kasi, iyon ang pinakamabuting desisyon sa sitwasyon ko ngayon. Yeah, I know na hindi pa din ako makakapagdesisyon kung sino ang pipiliin ko sa kanilang tatlo kahit sa pagsama lang s akin sa pag-uwi.

"Sasakay tayo?" Spencer asked.

"No, sabay-sabay tayong lalakad pauwi" sagot ko habang nakangiti sa kanilang tatlo.

Rinig ko ang kanilang malalim na buntong hininga. Hindi ko din maiwasang mapatawa habang nag-aalangan silang pumayag sa suhestiyon habang pabalik-balik ang tingin nila sa kanilang tatlo.

"Sasama ba kayo?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanilang tatlo. Humarap sa akin ang kanilang mga nakasimangot na mukha at pumayag na lang sila dahil alam naman nilang wala na silang magagawa.

"Lets go" nakangiting wika ko sa kanila at ako na ang naunang naglakad. Kahit labag man sa kanilang kalooban ay sumunod na lang sila sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapatawa habang pinagmamasdan ko ang mga nakasimangot nilang mukha.

Tahimik lang tuloy kaming naglalakad at walang kahit isa sa amin ang nagbalak magsalita. Sinubukan na din naman akong akbayan ni Emerson pero agad naman akong pinigilan ni Benedict.

"Ako na lang ang magdadala nito" yaya ni Spencer at nakangiting kinuha ang bag ko.

"Thanks" pagpapasalamat ko dito pero bago niya pa man nakukuha ang bag ko ay mabilis na hinablot iyon ni Emerson.

"Ako ang dapat na magdala nito" panatag na wika ni Emerson at kumindat pa sa akin. Nagulat na lang ito ng bigla din itong hablutin ni Benedict.

"Ako na ang magdadala nito" wika nito at agad naman siyang binigyan ng masamang tingin ni Emerson.

"Ako na ang magdadala ng bag ko" wika ko at sinuot iyon. Masisira lang ito kung patuloy lang nila itong pag-aagawan at mas lalo lang kaming hindi makakauwi kung mag-aaway lang sila.

Bumalik na muli kami sa katahimikan pagkatapos nun at wala na namang nagbalak pang magsalita. Ako ang nangunguna sa paglalakad habang nakasunod silang tatlo sa aking likuran. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin at kapag lumilingon naman ako sa kanila ay agad nilang iniiwas iyon.

Nang makakita ako ng nagtitinda ng street foods ay napagdesisyunan ko munang bumili. Nakakagutom kasi dahil sa tatlong lalaking ito.

"My treat" yaya ni Spencer ngunit hindi lang si Spencer ang nagsabi niyon, dahil maging sina Emerson at Benedict ay gusto akong ilibre.

Kaya ang nangyari sa huli, pera ko na lang ang pinambili ko dahil kung pipili pa ako sa kanilang tatlo kung kaninong paglibre ang tatanggapin ko ay tiyak na matatagalan na naman kami.

Hindi na lang sila tuloy bumili at pinanood na lang nila akong kumakain. Mabubusog kaya sila sa ginagawa nila?

Bahagya akong napaubo ng hindi simasadyang makakagat ako ng paminta. Nanlaki naman ang mga mata nilang tatlo nang makita nila ako.

"Are you okay?" nag-aalala at sabay-sabay nilang tanong sa akin. Pag-angat ko sa kanilang tatlo ay tumambad na sa akin ang tatlong basong tubig na nig-iisa isa nilang hawak.

Ano ba naman iyan? Pati ba naman sa tubig ay kailangan ko pang mamili sa kanilang tatlo kung kaninong tubig ang iinumin ko. Siguro kahit maubusan na ako ng hangin dito kakaubo ay hindi pa din ako makakapili.

Nang nag-abot ang tindera sa aking ng isang basong tubig ay iyon na lang ang pinili. Mas mabuti na ito na lang ang pinili ko kesa pumili pa ako sa tatlomg lalaking iyon.

Bumaling ang tingin ko sa tatlong lalaking nasa likuran at nakita kong nakasimangot sila habang nakatingin sila sa basong tubig na hawak nila. Naguilty tuloy ako dahil mas pinili ko pang inumin ang baso ng iba kesa sa isa sa kanila.

Kaya ang ginawa ko ay isa-isa kong ininom ang basong hawak nilang tatlo. Kahit alam kong masusuka na ako dahil sa pagkabusog ko sa tubig ay pinili ko pa ding ininom ang tubig nilang tatlo. It's my choice para naman patas sa kanilang tatlo at walang nasasaktan sa kanila. Bahala na basta iihi ko na lang ito mamaya.

Ikinagulat naman nila ang ginawa ko. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila.

"So tara na" yaya ko sa kanila at iniwan ko silang tulala. Maya-maya lang ay naramdaman ko naman na sumusunod na silang tatlo sa akin. Hindi ko alam kung kailan matatapos ito. Alam ko namang nahihirapan na sila maging ako ay nahihirapan na din sa sitwasyon namin maging sa nararamdaman namin.

Siguro matatapos lang ito kung mamimili na ako. Kaso sana ganoon lang kadali iyon. Yung tipong walang masasaktan at walang nahihirapan. Ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyong ito. Alam kong nahihirapan din sila.

"Are you okay?" Emerson asked. Nag-aalalang timingin din sa akin sina Benedict at Spencer.

"Yeah Im fine, malalim lang kasi ang iniisip ko" wika ko sa kanila at binigyan ko lang sila ng isang mapait na ngiti.

Nakangiting tiningnan ko sina Spencer, Emerson at Benedict. All of my life, hindi ko aakalain na ang naging bahagi ng buhay ko ang tatlong lalaking ito. Alam kong kapag may isang pinili ako sa kanila, may dalawang masasaktan.

Hindi ko alam kung anong mali sa akin. Natatakot ba akong mamili dahil hindi pa ako handa? O natatakot akong mamili dahil alam kong may masasaktan.

Paano kung pareho? Natatakot akong mamili dahil hindi pa ako handa at natatakot akong may masaktan. Alam ko namang normal lang na may masasaktan kapag nagmamahal kaso hindi ko maaatim na makita na nasasaktan ang mga taong naging mahalaga na sayo.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang makarating na kami sa harapan ng aming bahay.

Agad ko namang hinarap sina Spencer at Emerson habang si Benedict naman ay nasa sa tabi ko.

"Salamat nga pala" pagpapasalamat ko sa kanila at biniyan sila ng isang matamis na ngiti.

"Its my pleasure, Yzarina" Spencer said.

"See you in my dreams" nakangiting wika ni Emerson at kumindat pa sa akin. Napailing na lang ako. Napadako ang tingin ko kay Benedict na kasalukuyan lang na nakangiti sa akin.

Nakangiting tumingin ako sa tatlong lalaking nasa harapan ko ngayon at sa unang pagkakataon.......

biglang tumibok ang puso ko habang kasalukuyang nakatingin sa kanilang tatlo.

Ang hindi ko lang alam......

Kung sino sa kanila ang dahilan ang pagtibok na iyon.

#IamVillain_1

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon