CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1Mabilis kong ipinara ang bisekleta ni Benedict sa may parking lot nang makarating na ako sa school. Hindi pa maayos ngayon ang kalagayan ni Benedict kaya mag-isa lang ako ngayong pumasok.
Sa katanuyan nga iyan, gusto ko pa siyang bantayan hanggang sa gumaling siya. Kaso itong si Benedict masyadong mapilit. Gusto niyang pumasok ako dahil kaya niya naman daw ang sarili niya.
I took a deep sigh at ngumiti bago tuluyang tinahak ang daan papasok sa gate. I need to smile. I'm always wearing it because this is one of armour na mayroon ang isang tao.
Smile is so powerful. Kaya ka nitong pangitiin at paiyakin gamit sa isang ngiti kahit tunay man o ito o hindi. Kaya din nitong gamutin ang mga sugat na kinikimkim natin.
Hindi ako mapapagod ngumiti hangga't may rason kung bakit ko kailangang ngumiti.
Nakakapit lang ako sa aking bag hanggang pinagpapatuloy ang aking paglalakad. Nililibot ng aking mga mata ang mga kapwa kong studyante na nadadaanan ko.
I greeted them with my smile but isang tingin lang ang sinusukli nila sa akin. Isang tingin ng pandidiri. Lahat ng binibigyan ko ng ngiti ay tanging nakakadiring tingin lang ang sinusukli sa akin.
Hanggang sa napansin ko na lahat sila ay pare-pareho ang tingin na isinasauli nila sa akin. Mga tingin na pandidiri na nakikita ko ngayon sa mga mata nila.
Lahat ng mga studyanteng nadadaraanan ko ay ganyan ang tingin sa akin. Isang tingin na hindi ako alam ang kadahilanan.
Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang iwasan ang mga tingin ko nila o dapat ko itong salubungin ng tanong na bakit. Nakakailang kasi na lahat sila ay pare-pareho lang ang tingin.
Lahat ng mga nasasalubong ko ay tumitingin talaga sa akin at yung mga nadadaanan ko naman ay lumilingon pa talaga sa akin at minsan umiiwan pa sila ng mga bulong sa mga kasama nila.
Bakit ganoon? Normal lang bang hindi madismaya kapag pumasok kang may mga ngiti sa labi at sa pagpasok mo kakaibang titig ang ipinapakita nila sa iyo?
This isn't unfair? You just want to be happy pero sa mga titig na nakikita ko ngayon parang wala akong karapatang sumaya?
Bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga at pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad at hindi na muli pang pinansin ang mga matang humuhusga sa akin ngayon.
Pero habang mas papalapit ako sa classroom ko, mas lalong dumadami ang mga matang tumitingin sa akin. Minsan nga kinuhaan pa ako ng litrato.
Ano bang ginawa ako? Ano ba itong nangyayari? Hindi pa nga ako tapos sa nangyari kagabi tapos ngayon ito naman.
Meron pang dalawang babaing nasalubong ko na umiwas sa dinadaanan ko ng magkasalubong kami. Parang nandiri silang dalawa sa akin kaya umiwas sila.
'Diba girl, siya yung malanding babae na tinutukoy nila'
'Oo siya nga iyon'
Narinig kong bulungan ng dalawang babaing nasalubong ko kanina. Halos matumba ako sa panginginig ng tuhod ko dahil sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...