CHAPTER 6

74 44 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

Pumunta na kami ni Samantha sa susunod naming klase. Kahit na maraming galit na mga mata ang nakatingin sa akin ay hinahayaan ko na lang. Galit ba talaga sila na nakiss ko ang baulaw na iyon.

Umupo si Samantha sa may nag-iisang bakanteng upuan sa may harapan samantalang ako ay lumilingon-lingon pa sa paligid upang maghanap ng bakanteng upuan na mauupuan. Patuloy lang ako sa kakalingon ng mapansin ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Spencer. Wala na akong ibang choice kundi ang tumabi sa kaniya. At gaya ng kanina, seryoso lang ang mukha nito, tahimik, walang kinakausap at hindi namamansin.

Nagulat na lang ako sa mga studyanteng sumunod na pumasok at ito ay walang iba kundi ang fugly frog na si Charity kasama ang kaniyang mga kauring palaka. Magkaklase pala kami? Bakit hindi ko siya napansin sa unang klase namin kanina? Isang masamang kapalaran na naman ang dumagdag sa listahan ko. Araw ba ngayon ng misfortune. Kung bibilangin ko kaagad ang mga malas na nangyari sa akin simula kanina lalampas na yung sa mga daliri ko.

Nang makapasok na ito ay sa akin lang nakatuon ang kaniyang mga nagliliyab na mga mata na oara bang halata sa kaniyang mga mata ang pagkagalit sa akin.

Pinaalis nito sa kinauupuan ang mga studyanteng nakaupo sa unahan at nag-alisan naman ang mga ito at isa na dito si Samantha.

Uh! ang yabang talaga ng palakang 'to. Palibhasa ba lolo niya ang stockholder ng school na ito at ang ama niya ay isang congressman ay kailangan niya ng magmataas. Tama nga ang sinabi ni Samantha na ginagamit lang niya ang kapangyarihan ng mga magulang niya para maging reyna-reynahan ng school na ito. Uh!

Agad namang kumuha si Samantha ng extrang upuan sa kabilang classroom at umupo ito sa likuran namin ni Spencer.

"Hi Spencer!" bati ni samantha kay Spencer pero kahit isang lingon o salita ay walang natanggap si Samantha. Ang sungit talaga, kahit pinsan niya hindi niya pinapansin, wala man lang hi o hello, o kahit simpleng ngiti man lang.

Inayos ko ang sarili pati ang presence of mind ko ng dumating na ang teacher namin at nagsimula na itong nagdisscuss.

"Okay Ms. Charity Park, whst is Business?" tanong ni Maam Angara kay Charity. Agad namang nagpaikot ng mata si Charity.

"I dont know! masakit ang ulo ko! so dont disturb me!" reklamong sagot ni Charity. Pati talaga teacher kinakalaban niya!

"So ikaw pa itong masusunod?" galit na tanong ni Maam Angara.

"Ofcourse, apo ako ng nagmamay-ari ng paaralang ito, empleyado ka lang kaya ako ang masusunod" matapang na sagot ni Charity. Uh! ang lakas talaga ang loob nitong fugly frog na ito. Wala ng galang pati sa matatanda.

"Bastos to ah! huwag mong aasahan Ms. Park na mataas na grado ang makukuha mo sa akin!" galit na wika ni Maam Angara.

"Gawin mo, hindi mo naman ako kayang ibagsak!" taray na sagot ni Charity at nakangiting pinaikot ang mga mata.

"Ang kapal talaga ng mukha ng palakang Charity na iyan!" narinig kong bulong ni Samantha.

Hindi na lang pinansin ni Maam Angara si Charity.

"Anyone from the class, what is business?" agad ko namang itinaas ang kamay ko.

"Yes, Ms. Gonzales" wika ni Maam Angara.

"Business is the evolutionary growth of various activities from a simple to complex system, it is the total of all interprises that plays a vital part in the production and distribution of goods and it is also part of a larger economic system in our community" sagot ko.

"Very good Ms Punsalan!" wika ni Maam Angara at nagpalakpakan naman ang lahat maliban kay Charity pati sa mga kaibigan nito na pumuputi lang ang mata sa akin pati na rin si Spencer na palagi lang seryoso ang mukha.

"What is profit?" tanong muli ni Maam Angara at tumaas naman ng kamay si Samantha.

"Yes Ms. Alvares, what is profit?" tanong ni Maam Angara kay Samantha.

"Profit is the main objective of business and it is also the prime motivator in capital system" sagot ni Samantha at napangiti naman si Maam Angara. Kahit pala may oagkachildish itong si Samantha ay matalino rin.

"So what is the fomula of profit?" tanong muli ni Maam at agad naman akong tumayo.

"Income subtract to Expences equivalent to Profit/
Income-Expenses=Profit" sagot ko.

"So what are the concept of profit?" tanong muli ni Maam. Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Spencer.

"The concept of profit are the workers that forms in wages and salary also inceptives, the management that form of professional renumiration and profit paeticipation, the owner or the stockholder that form of income and dividends, the costumer and the client that forming the reasonable prices with good services and dependability of supply. The concept of profit is the role of business to produce goods"

Nang matapos ang pagsasagot ni Spencer ay nabalot ng palakpakan ang boung classroom, yung mga ibang mga babae naman ay kinikilig. Hindi lang pala gwapo at cute ang Spencer na ito  kundi matalino pa. Parang boses talaga ng isang businessman ang pagsasagot niya kanina. Walang duda na magiging matagumpay na businessman si Spencer.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon